Chapter 4

717 12 0
                                    

CHAPTER FOUR

NAIS pumutok sa galit ang kanyang dibdib. Pero wala siyang mapagbalingan niyon. At tanging ang alak ang naging hingahan ni Renar sa natuklasan.
Si Cinela ngayon ang tumatayo niyang asawa! Hindi si Endela ang bumalik sa kanila ng anak! Bakit kailangang maging bahagi ang kakambal ng asawa sa buhay nila?
Kasinungalingan ang lahat. Hindi totoong may sakit si Cinela at malapit nang mamatay. Isang palabas lamang ang lahat. Sa ngayon, siguradong magkasama sina Endela at Romeo dela Vega!
Gusto niyang lunurin ang sarili sa alak. Subalit malalasing lamang siya at mananatili pa ring humihinga.
Ano ang akala sa kanila ng magkapatid, mga laruan sila ni Lemuel?
Anong klaseng laro ito? Bakit nagpagamit si Cinela sa kakambal? Hanggang saan ang larong iyon ng magkapatid? Kapag kapwa nagsawa na sina Endela at Romeo sa relasyon ng mga ito? Saka ba ito babalik sa buhay nila ni Lemuel?
Hindi niya papayagan ang gayon!
Kailangang bumalik na si Cinela sa pinanggalingan nito! Hindi nila ito kailangan ng anak! At kung ayaw na n Endela sa kanila, ngayon pa lang ay lagyan na nila ng tuldok ang kahibangang ito! "Hindi na uko magma-mahjong pa."
Dahil hindi talaga ito marunong maglaro nyon. At hindi ito nakikipagkita sa mga kaibigan ng asawa dahil hindi kilala ni Cinela ang mga barkada ni Endela!
"Paminsan-minsan lang akong naninigarilyo."
Dahil hindi talaga ito marunong manigarilyo. Nakita nya kung paano ito halos maubo nang nakalanghap ng usok ng sigarilyo!
Bumalik siya sa kotse. Kailangang magkaliwanagan na sila ni Cinela na nagpapanggap na asawa niya. Hindi nila kailangan ni Lemuel ang kagaya nitong manloloko sa kanilang buhay.
HININTAY ni Cinela ang pagdating ni Renar. Pinatulog na niya ang mga katulong. Siya mismo ang nagbukas ng gate nang dumating ito.
"Are you still trying to convince me that you're my wife?" Naroon ang muhi sa tinig ni Renar nang makita siya. "Kahit na anong gawin mo, magkaibang-magkaiba kayo ni Endela, Cinela!"
"Huwag mo akong pagdudahan, Renar! Ako ang asawa mo. Ayoko nang mag-mahjong. Ayoko nang magbisyo. Dapat ay ikatuwa mo iyon. Tapos heto, ang pagbabagong nakita mo ay binigyan mo ng kulay!"*
"Where is my wife?"
"Lasing ka lang."
"Magkasama ba sila ngayon ni Romeo dela Vega?"
"You're out of your mind."
"Why are you here, Cinela? I thought you were dying.
Akala mo ba ay maloloko ninyo akong magkapatid? Kilala ko ang aking asawa..."
41
Napailing siya. Mukhang mahihirapan siyang kumbinsihin ito na siya si Endela. Pero hindi siya susuko.
Paninindigan niya ang kanyang pangpapanggap.
"Gusto mong paniwalaan kita?"
"Tyon ang totoo. Hindi ako nagpapanggap. Ako ang asawa mo. Ako si Endela."
"Okay, bring me to your sister"
"Are you serious, Renar? Magandang ideya sana yan, pero ikinalulungkot kong sabihing ipinagbili na niya ang kanyang mga ari-arian doon and she now lives somewhere else."
"Perfect."
"Nag-iwan lamang siya ng perang kanyang kakailanganin. Then she gave the rest to me. Ni hindi ko alam ngayon kung saan siya nakatira."
"Good escape."
"And any day now, she's going to die... alone. Wala siyang karamay. Pero iyon ang gusto niya. Hindi ko puwedeng sawatain. Pakiusap iyon ng isang
mamamatay."
"Remember the anniversary of my parents? How come na hindi mo kilala si Liza? At nagdesisyon ka pang magkulong sa kuwarto dahil hindi mo kilala ang iyong mga makakaharap!"
"You're being irrational, Renar. Nagdududa ka na pala sa akin, but then, you still have the guts to make love to me! How dare you!"
Hindi nakakibo ang lalaki.
lyon lang at tinalikuran ito ni Cinela.

MATAGAL na siyang nakahiga, pero hindi pa rin pumapasok sa kanilang kuwarto ang asawa.
Hindi siya tatabi sa akin? Pagkatapos na may namagitan sa amin, saka pa siya iba ng silid? Saan niya nanaising matulog? Damn you. Renar!
Hindi alam ni Cinela kung saan kokontakin ang kapatid. Saan kaya ito naroroon sa France? Ayaw niyang maniwalang may kasamang ibang lalaki roon si Endela!
Hindi sila nito niloloko. Hindi nito kayang ipagpalit sa ibang lalaki sina Renar at Lemuel. Hindi ganoon kasama ang kakambal.
Napatingin siya sa pinto nang. maramdamang bumukas iyon. Pumasok si Renar. Sinundan ito ng kanyang mga mata. Nagbihis ang lalaki, at walang kibong tumabi sa kanya. Pinakiramdaman niya ito. Mayamaya lang, narinig niya ang paghilik ng lalaki.
ANG AKALA ni Cinela, wala nang magiging problema pa kinabukasan. Subalit pagmulat niya, napansin niya si Renar na nakatingin sa kanya. Minamasdan siya.
"Where's my wife, Cinela?" Ang mahalaga, kalmante na ito. Kung may galit man, kinakalimutang pilit iyon ng lalaki. Ngunit ang mga mata nito ay nananatiling nakatutok sa kanya.
"Ano ba, Renar? I am your wife. Ako si Endela.
Hindi ako si Cinela. Huwag kangang maghanap pa ng paraan para magkalayo tayo, Renar. May third party bang involved?"
"Huwag mo akong pagbintangan, Cinela. Bakit ko naman sisirain ang pamilya ko? Bakit ka nagpagamit sa kapatid mo? Ano ang mahihita mo sa ginagawa ninyong ito?"
Bumangon siya at nagtungo sa banyo. "Stop asking me stupid questions, Renar. Huwag mo nang idamay si Cinela. She's dying... or she's already dead!"
Cinela?"
"Hanggang kailan ka magpapanggap na asawa ko,
"Damn you, Renar!"
"Sige. Makikipaglaro ako sa inyo! Subalit huwag mong asahang makakatuntong pa rito sa pamamahay ko ang kapatid mo! Ngayon pa lang, muhing-muhi na ako sa inyo!"
"Hindi ako si Cinela!"
"Huwag na tayong maglokohan pa! Malaki ang pagkakaiba ninyo-sa pag-uugali at sa pananalita. At maging sa kama."
Natulala na siya.
lyon naman ang hinihintay na pagkakataon ni Renar.
"Alam mo bang sa tagal ng pagsasama namin ay nungkang ibinigay niya nang lubusan ang kanyang sarili sa akin?"
Sa pagkakatanda niya, nang may namagitan sa kanila ni Renar, tinumbasan niya ang pagiging agresibo nito. Isa iyon sa mga dahilan kaya nagduda ang lalaki!
"Sa tuwing gagalawin ko siya, para akong nakikipagtalik sa isang tuod... Maging halik ko ay hindi niya ginagantihan...
"You're just being unfair, Renar! Nagbabago ang lahat! Ano ang gusto mong mangyari, manatili akong tuod? Bumabawi lamang ako sa aking mga pagkukulang sa inyo."
Tila may gustong sabihin ang lalaki, pero minabuting kalimutan na lang iyon. Napailing na lamang ito at muli na naman siyang pinakatitigan. "You're not my wife..."
"I am your wife!"
"You're not my damned wife!" Nagtungo ito sa banyo at nagtagal doon. Iginiit naman niya ang kanyang karapatan bilang asawa nito. Isinuot nito ang damit na
inihanda niya.
"Bakit pinagdududahan mo ako, Renar? Dahil ba sa mga pagbabagong napapansin mo sa akin?" mahinahon niyang sambot sa lalaki. "Sige, kung gusto mo, babalik ako sa dating gawi."
"Bakit, marunong ka bang mag-mahjong? Kilala mo ba ang mga kaibigan ng iyong kakambal? Siguro, ang
1ba. Magiging katawa-tawa ka lamang, Cinela."
"Ilang beses ko bang sasabihin sa iyong hindi ako si
Cinela, Renar?"
"Look, kung ang iba ay maloloko mo, hindi ako!"
Dala ang attaché case na lumabas ang lalaki. Pero hindi nito ibinalya ang pinto. Talagang matindi ang paniniwala nito na isa siyang impostor sa tahanan nito; lalung-lalo
na sa buhay ng mag-ama.
Malaking problema ang kakaharapin niya.
Nag-ayos siya at bumaba na. Nakasabay niya si
Lemuel. Subalit hindi na nila nadatnan si Renar. Umalis na ito. Hindi naman nagtaka ang bata. Subalit hindi niya matukoy kung normal na ang gayon sa naturang tahanan.
Ayaw naman niyang magtanong.
"Mayamaya ay darating na ang iyong school bus." Noon niya napansin si Aling Tanya na kuntodo bihis.
"Magde-day-off kayo, Aling Tanya?"
"Dadalo ho ako sa meeting nina Lemuel sa school, Ma'am,"
Natigilan siya sa narinig. "Meron kayong meeting,
¡ho? Bakit hindi mo sinabi sa akin?"
"H-Hindi naman kayo pumupunta, e. Isa pa, lagi namang si Aling Tanya ang dumadalo."
"Anong oras ba ang meeting ninyo?" Ganito ba katindi ang problemang iniwan ng kapatid sa buhay ng anak? "Wala naman akong gagawin, e."
Natuwa naman ang adviser ni Lemuel nang makilala siya. Hindi ito nag-aksaya ng panahon para sabihing matagal na siya nito gustong makilala at makadaupang-palad.
"Masyado lang ho akong abala."
School field trip ang pinag-usapan, at inabot lamang ng isang oras ang pagpupulong. Bandang tanghali naman ay nagkaroon siya ng hindi inaasahang panauhin sa kanilang tahanan. Mabilis naman ang kanyang isipan.
Natandaan niya ito sa litrato.
"Marie!"
"Kailangan bang malaman ko pa sa ibang tao na nagdesisyon ka nang bumalik? Ano ang nangyari sa escapade ninyo ni Romeo sa Paris?" nagtataka nitong tanong.
"На?"
"Akala ko ay magsasama na kayo roon ni Romeo." Bahagya nitong hininaan ang tinig nang makita si Marla na palapit sa kanila para sa malamig na inumin. Hinintay niyang makalayo si Marla. Saka niya binalingan ang bisita. "Romeo?"
Siniko siya nito. "Oo. Hindi ba't nagtagpo kayo roon?
Ang daya mo, hindi mo man lang ako tinawagan. Pero nasaan siya?"
Mayroon nga pala talagang relasyon ang dalawa kung ganoon! At sino pa ang nakakaalam niyon? Alam ni Marie. Ganoon din ni Liza. Ipinangangalandakan bang talaga ng kapatid ang relasyon nito sa dating nobyo?
"Nagtatagpo ba kayong dalawa? Mag-ingat kayo.
Mahirap na't baka mabuko kayo ng asawa mo. Hindi ko nasabi noon na hiniwalayan niya ang kanyang asawa.
Siguro nasabi niya iyon sa iyo."
Hindi niya alam kung ano ang itutugon.
''Yung D.I. ko ngang boyfriend, kusa ko nang iniwan. Ang walanghiya, liban pala sa akin, meron pang ibang sinasayawan. Marami akong puwedeng ipalit sa kanya."
Minabuti niyang huwag nang magkomento. Mahirap ang magsalita at baka malagay siya sa kakatwang sitwasyon. Hindi niya alam kung anong lihim ang iniingatan ng kapatid at ng kaharap ngayon.
"May overnight mamaya kina Linsay. Umalis patungong New Zealand ang asawa niya. Dalawang linggong mawawala. Kaya siya ang host natin sa mga darating pang tournament."
"Sige, puwede bang sunduin mo ako mamaya?" Ang lapad ng ngiti ni Marie. Doon na rin ito kumain
ng tanghalian. At bandang alas-dos na ito umalis.
Naging maingat siya sa pagsagot sa mga tanong nito. May kinalaman iyon sa kanila ni Romeo.
Nang mapagsolo, nahulog siya sa malalim na paglilimi. Totoo bang may sakit si Endela? At totoo rin bang kasama nito ngayon si Romeo dela Vega?
Dakong alas-singko bumalik si Marie. Kinausap ni
Cinela ang mga katulong at sinabing hindi niya alam kung anong oras siya makakauwi.
NAGING maingat siya sa pakikiharap sa mga naroon.
Kilala niya ang iba. At naging suwitik naman siya para walang mapuna ang mga ito sa kanya.
Naging matalas ang kanyang tainga. Bawat pangalang naririnig, pinakatatandaan niya. Subalit talagang nagpakatanggi-tanggi siyang maglaro ng mahjong. Dahil hindi siya marunong niyon.
Hindi naman siya napilit. Isa pa, hindi naman mahjong ang dinayo ng mga naroon. Kundi ang mga barakong dumating bandang alas-otso kinagabihan.
Front lamang ang mahjong. Nanindig ang kanyang balahibo sa natuklasan. Halos iisa lang pala ang likaw ng mga kaibigan ni Endela. Mga lapastangang asawa!
Hindi na niya matandaan kung paano siya nakaalis ng bahay ni Linsay. Napansin na lamang niyang lulan na siya ng talsi. Nais na niya tuloy maniwalang wala ngang sakit ang kapatid. Na niloko sila nito!
"AKALA mo ba, mapapaniwala mo ako sa drama mong ito, ha, Cinela? Kahit na ano ang gawin mo, magkaiba ang nakasanayan ninyo ni Endela!"
"Pagod ako, Renar, huwag mo akong buwisitin." Talaga bang hinintay nito ang kanyang pag-uwi?
Pagpasok niya sa kanilang silid ay agad siyang nagbihis.
Pumasok si Renar. "Umuwi ka ba dahil akala mo ay normal na mahjong ang iyong madadatnan doon?"
Natilihan siya.
"Alam ko kung ano ang drama nila. Mahjong kunwari. Front lang nila iyon. Akala mo ay mapapaniwala mo ako sa yong pagsama kay Marie?"
"Puwede ba, Renar, magpahinga na tayo? Inaantok na ako." Bakit napalampas nito kung gayon ang mga gawaing iyon ng kanyang kapatid?
"Dahil ayokong masira ang pamilya namin. Dahil mahal ko siya. Dahil meron kaming anak. Pinilit kong intindihin ang lahat ng pinaggagawa niya!"
Hanga siya sa talas ng pag-iisip ng lalaki. Nagawa nitong mabasa ang nasa isipan niya. Lumalabas na matinding sakripisyo ang ginawa ni Renar.
"Maging ang pakikipagtagpo niya kay Romeo dela
Vega, pinilit ko siyang intindihin! Pero sa ginawa niyang pag-iwan sa amin, wala na siyang babalikan pa! Hindi ko na siya matatanggap na asawa! Ipinagpalit niya kami ni Lemuel sa taong ¡yon!"
Bumagsak na ang kanyang mga balikat. Damang-dama niya ang hinanakit ni Renar. Ang sama ng loob nito. Paanong nagawa iyon ni Endela sa lalaki?
"Ganoon kasama ang iyong kapatid, Cinela!"
"Hindi ako masama...
"Ipagpipilitan mo pa rin bang ikaw ang asawa ko?"
"Dahil iyon ang totoo."
Napailing lamang si Renar. "Don't be stupid, Cinela. Sa pagpayag mo sa gusto niyang mangyari, handa ka nang tumayong asawa ko't ina ni Lemuel. Sige, ipagpatuloy natin ang gusto mo."
"Huwag kang ganyan, Renar...
"Sige, bumawi ka sa pagkukulang niya kay Lemuel.
At walang dudang babawi ka rin sa pagkukulang niya sa akin. Tatanggapin na kitang si Endela. Pero ayokong malamang nakikipagtagpo ka sa mga kaibigan niya." Nakagat niya ang pang-ibabang labi, minasdan na lamang si Renar na humiga sa kama. Nanikip ang kanyang didib sa mga natuklasan. Subalit ayaw pa rin niyang husgahan ang kapatid!
Paano ba niya mapapaniwala si Renar na siya si Endela? Buo na sa paniniwala nito na isa siyang impostor!
Aaminin na ba niyang siya nga si Cinela?

Lies (In The Mercy Of Love) - Catarina ParisWhere stories live. Discover now