MY KIND OF GIRL 21

45 1 3
                                    

Happy to see that Bea has playing time already. Nakakatuwang makita na masaya siya and also enjoying the game. Magaling din naman siya, need lang mag improve pa sa blocking. Sadyang marami silang middle sa Choco Mucho na magagaling din kaya bihira siyang ipasok.

Though, good to see her playing kahit marami din silang middle sa Creamline. Kaya nakakapag contribute siya sa team. Minsan nga may mga digs din siya. And maganda din mga serves niya.

Isa pa, sa dami ng leader sa Creamline, less pressured na siya kumpara nung nasa Choco Mucho siya na team captain siya.

-------------------------------------------------------

BEA POV

JIA: "Pakiabot, yung remote."

Utos niya habang nakalabas ang mga ngipin. Nakangisi na parang nakakaasar. Actually kanina pa siya utos ng utos sa akin. Bawat kibot niya utos siya. Feeling ko nga ay nananadya na talaga siya. Kaya lang hindi ako makapagreklamo sa kanya kasi ginusto ko naman ang sitwasyon namin ngayon.

Ginusto not in a sense na gusto ko siyang makasama. Ginusto kasi yun lang ang way para mabawasan ang guilt feeling ko sa nangyari sa kanya. Though, hindi ko naman kasalanan ang nangyari.

BEA: "Here."

Kalmado pa rin na wika ko labas ngipin din na sarcastic pero deep inside gusto ko na siyang batuhin ng remote.

JIA: "Thanks."

Waging wagi na wika niya.

BEA: "May iba ka pang kailangan?"

JIA: "Wala na."

Salamat naman, akala mo may idadagdag pa. She turn on the TV. Kaya naman tinalikuran ko na siya. Pero hindi pa ako nakakalimang hakbang, nagsalita na naman siya. Napabuntong hininga na lamang ako.

JIA: "Paabot nga pala ng chips."

I take a deep breath, lahat ng init ng ulo ko ibinuntong hininga ko na lang ulit. Bumalik ako at kinuha ang chips mula sa mesa na nasa harapan lang naman niya at pwede naman niyang piliting abutin. Kung tutuusin kaya naman niya talagang abutin.

Well, alam ko naman ang ginagawa niya, sinasadya niya talaga para lang pikunin ako. Pero hindi ko siya hahayaan na magwagi sa gusto niya. Kaya hanggat kaya, kalma lang.

BEA: "Konti lang ang chips na kainin mo. Bawal sayo yan."

Pagpapaalala ko sa kanya. Kahit bawal ibinigay ko na kasi hindi ka naman mananalo sa kanya.

JIA: "Doktor ka ba? Hanggang dito bawal din."

Sabi sa inyo, hihirit siya.

BEA: "Sige, ubusin mo na lang lahat hanggang sa magsawa ka."

Sagot ko na lang sa kanya. Kahit ano naman sabihin mo may isasagot siya.

JIA: "Galit ka ba?"

BEA: "No, I'm not. Bakit naman ako magagalit?!"

Inilabas ko pa ang ngipin ko na kunyari nakangiti.

JIA: "Hmmm. Parang gusto ko na magpasubo. Subuan mo akong chips. Masakit kamay ko."

Tiningnan ko siya ng matalim. Wagas makautos. Ni hindi nga nakiusap, as in nag-uutos talaga ang kumag.

BEA: "Ano ka bata? Magpapasubo ka pa talaga sa akin?!"

JIA: "Sige na. Ako naman ang baby mo eh."

Grabe. Walang katulad ang kalandian niya. Nagpabebe pa talaga sa harapan ko. Sobrang immature niya. Hindi ko alam hanggang kelan ko siya matitiis dito sa unit ko. Parang nagsisisi na ako na pumayag ako sa deal na maging alalay niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 15 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

RANDOM THOUGHTSWhere stories live. Discover now