MY KIND OF GIRL 14

133 5 3
                                    

What a game!!! What a game!!!Goodness Creamline, sakit niyo sa bangs. Halos mamaos ako at maubusan ng energy kakanuod. Ganda ng laban.

Congrats Creamline for winning the Finals Game 1 and Congrats din sa Petrograz sa magandang laban, grabe din ang puso nila na lumaban!!! What a Finals!!!

Congrats din sa Choco Mucho!!!

Congrats din kay Jiamazing for being the POG!!! She really has the nerves of steel.
The ever calm and collected!!!

-------------------------------------------------------------

BEA POV

Nagising ako kalagitnaan ng gabi. Medyo nagulat pa ako ng imulat ang mga mata, napansin ko na iba ang ceiling, I was surprised knowing that I was not in my room.

Hindi ko ugali na matulog sa gabi sa living room, lagi akong sa room ko. Kaya naman nakapagtataka na nasa sofa ako natutulog.

Pero mas nagulat ako ng mapansin at maramdaman na may kasama ako sa sofa. She was actually on top of me, kaya nanlaki ang mga mata ko.

But then, hindi lang dun natapos ang lahat, kasi pagtingin ko sa sarili wala na rin ako suot pantaas. Pati ang ulo ko nanlaki sa mga realizations.

Dala ng pagkakagulat, agad akong kumilos para itulak ang kung sino mang nakapatong sa akin. Kaya nahulog siya sa sofa at bumagsak sa floor.

"Arayyyy." Dinig ko na reklamo niya after ng malakas na kalabog.

Napabangon ako at hinanap ang mga suot pantaas. Pero wala ang mga ito sa tabi. Kaya naghanap ako ng unan sa malapit, kaso wala rin.

Mabilis akong napatakip ng kamay sa sarili ng bumangon mula sa floor yung itinulak ko. Lalo nanlaki ang mga mata ko at feeling ko pati ang ulo ko lumaki ng mapagsino ito.

BEA: "Anong ginagawa mo dito? What the hell did you do to me?"

Sigaw ko sa kanya habang tinatakpan ang sarili ng kamay. As if naman ay kayang takpan ng kamay ko ang upper body ko.

JIA: What the hell did you do to me?"

Ganting tanong niya. Napahawak pa siya sa balakang habang nagsasalita. Wala akong paki kung nabalian siya ng balakang, bakit siya nandito sa unit ko.

BEA: "Anong gingagawa mo sa unit ko at bakit magkasama tayo sa sofa?"

Tiningnan lang niya ako at tinaasan ng kilay.

BEA: "Huwag mo akong tingnan ng ganyan, manyak ka."

JIA: "Ako pa ngayon ang manyak, eh ikaw nga itong ungol ng ungol at sarap na sarap kagabi."

Feeling ko umakyat lahat ng dugo ko sa ulo at sa mukha ko sa mga sinabi niya.

BEA: "Anong pinagsasabi mo?

JIA: "Tsskkk. May amnesia ka love?"

BEA: "Anong love? Kilabutan ka nga."

JIA: "Talaga naman. Yan ang tawag mo sa akin kagabi habang humihingi ka ng bagong round. Love, isa pa."

Gusto ko na lang lumubog sa aking kinauupuan. Pero, wala akong tiwala sa kanya. Baka gawa gawa lang niya para inisin ako.

BEA: "Huwag ka ngang gumawa ng kung ano anong kwento."

JIA: "Mahirap nga naman maniwala lalo kapag indenial ka. Pero kung gusto mo ng totoong pruweba pwede kung patunayan sayo ngayon na. Diyan mismo sa sofa. Anyway, diyan din naman nangyari ang lahat kagabi."

RANDOM THOUGHTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon