MY KIND OF GIRL 6

132 5 1
                                    

Para naman masiyahan kayo sa araw na ito, mag update na lang si author.

Bawi next conference Choco Mucho!!!

-------------------------------------------------------------

BEA POV

I am with my friends right now. Nagkayayaan kasi sila na mag bar at kinulit ako. Hindi ko din sila matanggihan dahil kung anu ano na naman ang mga sasabihin nila about me. Magaling pa man din sila lahat na mangonsensya.

Nalaman kasi nila na dumating na ako sa Pilipinas nung nakaraan. Nagtampo na nga sila dahil wala daw akong sinabihan sa kanila kahit isa. Nagulat pa sila dahil sa media pa nila nalaman.

Well, sadly more of nabasa nila ang tsismis about me and Jia. Kaya lalo pa tuloy sila nagulat at nagtampo. Kaya naman kahit napipilitan ay pumayag na rin ako na samahan sila today kahit na wala ako sa mood for this.

ARA: "Katampo ka na Bei, kung hindi pa namin nabasa sa social media ang tungkol sayo hindi pa namin malalaman na nasa Pilipinas ka na pala. Ganyanan na ba tayo ngayon?!"

May pagtatampo pa sa tinig niya, pero i artihan lang naman niya para magbigay diin sa gusto niya sabihin.

KIM: "Kaya nga guys, katampo talaga. Ayaw mo na ba sa amin Bei? Sabihin mo lang samin kung ayaw mo na sa amin?"

My goodness, bakit sila ganito mukhang mapagkakaisahan nga nila ako today.

MIKA: "Akala pa naman namin ay kaibigan ka. Tapos may ganyan."

May kasama pa siyang pag-iling. Ang drama nila. Sarap nila sapakain. Kaya ayaw ko pumunta eh, inasahan ko nang mangyayari to.

BEA: "Huwag nga kayong OA. Ang drama niyo. Balak ko naman kayong puntahan at sorpresahin."

Pagpapaliwanag ko.

ABY: "Ay wow. Nasurprise talaga kami."

Nagtawanan pa silang lahat. Alam ko naman na pagkakaisahan ako ng mga ito ngayon. They were my friends, nakasabay ako dati sa mga trainings nila but then nagdecide na ako na pumunta ng US at doon manirahan.

MAJOY: "Tapos malalaman naming lahat na jowa mo na pala ang isang Jia Morado. At sa iba pa namin nalaman. Talaga naman. Iba ka. Ganito na talaga tayo ngayon?!."

BEA: "You know her?"

Gulat na tanong ko. Para kasing sa paraan ng pagkakasabi niya ay kilalang kilala niya yung mayabang na babaeng yun.

KIM: "Pambihira, sino namang hindi nakakakilala sa isang Jia Morado? Tinatanong pa ba yan? Tsaka paano kayo nagkakilala ni Jia?! Matagal na ba kayong magkakilala?"

DAWN: "Kaya siguro hindi mo na kami kinakausap kasi may iba ka nang mga kaibigan."

Gusto ko mang sabihin na hindi ko kilala si Jia, hindi naman pwede. Bago pa nagcross ang landas namin wala talaga akong idea kung sino siya. As in wala.

Isa pa, ang alam ko lang sa kanya ang pangalan niya at ang nakakainis niyang presensiya. But then, I have no other choice but to get rid of answering their questions about her.

BEA: "Kaya ayoko sumama eh, makukulitan lang ako sa mga itatanong niyo."

Walang gana kong wika sa kanila.

ARA: "Tigilan na nga natin itong si Bea, baka mamaya bigla na lang siya umuwi at iwan tayo rito."

KIM: "Bakit ka nga pala biglang napauwi ng Pilipinas Bei?!"

RANDOM THOUGHTSWhere stories live. Discover now