MY KIND OF GIRL 7

127 4 0
                                    

BEA POV

"Kapag mamalasin ka nga naman talaga sa buhay, bakit ba naman kasi ako nandito sa lugar na ito? Dapat hindi na ako sumama pa."

Angil ko sa sarili habang bagot na bagot na nakaupo sa isang plastic chair at inaantay na matapos si Jia sa ginagawang shooting ng endorsement niya.

Akalain mo, endorser pala ang isang ito. Meron naman kaya bibili ng mga produkto na iniendorse niya. Pero base sa narinig ko, marami siyang endorsement. Wala naman akong nabalitaan na produkto.

Dapat ay wala ako rito today. Ang walang hiya kasi blinackmail ako. My plan for today was just to stay on my unit, just relax and sleep. But all of a sudden, destiny takes it against me.

When I wake up this morning I felt like I wake up at the right side of bed. I am feeling my freedom to stay in bed a little bit longer. But then, it was taken away from me so swiftly.

Paano ba naman, ang agang tumunog ng phone ko. Hindi ko na nga sinagot nung una dahil ayokong gambalin ang buhay ko kaya lang sobrang persistent ng caller at nakailang tawag na.

Halos ayaw na nga tumigil kakangawa ng phone ko na nagpainit ng ulo ko. Wala aking choice kundi sagutin ang tawag. At lalo pang uminit ang ulo ko ng marinig ang boses ng tumatawag.

Kaya naman nang mapagsino ko ang caller, pinatay ko agad ang tawag. Sa kasamaang palad, wala siyang sawa. Hindi niya tinantanan ang phone ko.

Wala akong choice kundi sagutin ulit para angilan siya. Ang sarap ng gising ko, ang ganda ng mood ko. Tapos isang tulad lang niya ang sisira sa araw ko.

Pero bago pa man ako magpakawala ng mga maanghang na mga salita, para naman makaganti sa pang-aabala niya, ayun nauna na siyang ratsadahan ako.

Ending, ito nandito ako ngayon sa wala niyang kwentang shooting para sa bago niyang endorsement na wala naman akong kinalaman. Lalong hindi ako interesadong alamin.

Ang nakakainis pa, ginawa lang niya akong display sa lugar. Wala naman akong magawa at hindi naman niya ako kailangan.

Hindi ko alam bakit pa niya ako pinagpipilitang isama. Mukha ngang isinama lang niya ako para may pagtsismisan ang mga tao sa lugar.

Mula kasi ng dumating kami, sa aming dalawa na nakatingin ang mga nandun at nagbubulungan pa. Ayoko sa lahat ay yung pinagtitinginan ako. Tapos, ito. Badtrip.

Humanda siya talaga mamaya kapag kami nalang dalawa ang magkasama, mananakit talaga ako ng tao. Lalo na yung mga walang hiya.

And speaking of the walang hiya, naglalakad na siya ngayon papunta sa pwesto ko. Ang lapad ng ngiti niya na parang walang siyang ginawang kawalang hiyaan.

JIA: "Hi mahal."

Magiliw na wika niya ng makalapit sa pwesto ko. Pero sinamaan ko siya ng tingin. Kinikilabutan ako sa naging endearment niya. Mahalin niya mukha niya.

JIA: "Ang sungit naman ng mahal ko. My buwanang dalaw ka ba?"

Kalamadong lang na wika niya at hindi affected sa tinuran ko. Manhid talaga.

BEA: "Alam mo ikaw, konting konti ka na lang talaga sa akin."

Gigil pero pigil na angil ko sa kanya. Pero hininaan ko lang baka kasi may makarinig sa amin. Isa pa, may mga nagmamasid din kasi sa aming dalawa. Kanina pa sila ganyan, lalo na kapag magkatabi kami ni Jia.

JIA: "Ang ganda ng araw tsaka lalong gumaganda kasi andito ka. Pakiss nga."

At ang damuhong balak pa talaga na humalik sa akin dahil inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Kaya ayun, inihilamos ko ang kanang kamay ko sa mukha niya para awatin siya.

RANDOM THOUGHTSWhere stories live. Discover now