SIMULA

89 9 41
                                    

TEENAGE DREAMS SERIES #1 : PLEASE LET ME GO


Teenage Dreams Series #2: Until The Last Strum


Teenage Dreams Series #3: Too Late


Teenage Dreams Series #4: Under His Spell


This is the first installment of Teenage Dreams Series. It may contain spoilers for the other installment. Read at your own risk.


Typographical, punctuation, and grammatical mistakes along the way. This is unedited, so please bear with me.


Some parts of this book may have content warnings that may trigger you. Even though this story is light, if this is too much for you, please stop and take a deep breath. Take a break, rest, and don't force yourself if you're not ready. You can read this story at your own phase and at your own risk.


Hugs with consent, everyone. . . Especially for those people who are currently fighting their own battles. Thank you for being strong. I'm so proud! Keep safe!


--------

SIMULA.


"Cian, ano ba? Late ka nanaman! Bilisan mo kasing kumilos."


Kaagad akong napabangon nang marinig ang sigaw ni Mama. Nagtuloy pa siya sa pagsigaw kaya halos mapapikit ako sa pagkabingi. Umagang-umaga, ngunit parang pang-isang taon na yata ang sermon niya.


"Nakahain na d'yan, nakahugas na ako ng plato, naka-plantsa na ako ng mga damit mo, at higit sa lahat ay nagawa ko na lahat ng gawain dito sa bahay. Sarili mo na nga lang ang aasikasuhin mo, male-late ka pa? Cian naman, ayusin mo ang galaw mo!"


Hindi ko na naintindihan ang mga sinasabi ni Mama dahil sa sandaling makita ko ang oras sa phone ko, kaagad nanlaki ang mata ko at napatakbo sa banyo. Hindi ko rin nakalimutan kunin ang tuwalya ko at saka ang pagbibihisan ko.


Halos kalahating oras ako sa banyo dahil hindi pa tuluyang nagigising ang diwa ko. Hindi pa ako nakakapagkape, at hindi ko alam kung makakakain pa ako dahil tulad nga ng sinabi ng nanay ko, late na ako.


Bakit kasi ganito ang ugali ko? Sa tuwing tutunog ang alarm ng cellphone ko, papatayin ko at saka babalik sa pagtulog. Nakakainis!


Pero kasalanan ko bang masarap na matulog? Noong pandemic kasi ay hindi ako masiyadong nakakatulog. Araw-gabi akong babad sa cellphone ko upang mag-scroll sa mga social media accounts ko. Ngayon lang ako naadik sa pagtulog nang hindi naaayon sa tamang oras, kaya nakakatamad talagang pumasok.


But during those nights of sleeping late, marami akong naging kaibigan online. Hindi ko rin masiyadong napagtuunan ang mga modules na pinapadala ng school na naging dahilan kung bakit mababa palagi ang mga grades ko.


"Eight o'clock na! Pasok pa ba 'yan ng matinong estudyante? Ulitin mo pa 'yan bukas huh!"


Please Let Me GoWhere stories live. Discover now