"Piningot?" Hindi umimik ang bata. Para na itong iyak. Nagpapakampi ito sa kanya. At bilang ina, karapatan niyang ipagtanggol ito, lalung-lalo na sa sinasabi nitong Tita Claire. "Sino ba iyon?"
Nagtaka ang bata. "Hindi n' yo kilala si Tita Claire?
•Yung asawa ni Tito James. Nakalimutan n'yo na siya, Mommy?" Hindi ito makapaniwala.
Buti at ito lamang ang kaharap niya. "Saan ba kayo naglaro? Baka naman nakakaistorbo kayo sa mga bisita, anak." Pinaupo niya ito sa kanyang tabi.
"Doon ho kami sa library ni Lolo."
"Baka naman meron kayong ginalaw roon kaya nagalit ang Tita Claire mo?" Subalit may karapatan bang saktan ng babaing iyon ang kanyang anak?
"W-Wala ho."
Napailing na lamang siya; subalit naroon ang ngingit sa kanyang loob. Ipaaalam na lamang niya kay Renar ang nangyari. Idagdag pang hindi niya kilala si Claire, maging si James. "Teka, kumain ka na ba?"
"Hindi pa nga ho, e." Nakatingin ito sa pagkain sa tray. "Ayoko nang bumaba, Mom, puwede bang iyan na lang ang kainin ko?"
"Sige." Sinubuan niya ang bata. Nagalak naman ito.
Tinanggap ang bawat isinubo niya rito. Makikita ang katuwaan at pagmamahal sa mga mata ng anak para sa kanya.
"Puwede bang dito ako matulog, Mommy?"
Naglambing na si Lemuel.
"Sige." Lihim namang nanikip ang kanyang dibdib. Pakiramdam niya ay sabik ito sa pagmamahal ng isang ina. Meron talaga siyang hindi nalalaman!
"Si Daddy, saan siya matutulog?"
"Katabi natin, siyempre."
Pagkatapos kumain, sumaglit ito sa kabilang silid para magbihis. Dala nito ang paboritong unan at kumot nang bumalik doon. "I love you, Mommy,"
"I love you, too." Hinalikan niya ito sa noo. "Good night. Sweet dreams." Nakita niyang ipinikit na ni Lemuel ang mga mata, ang ngiti ay mababanaag sa mga labi nito.
Mabait si Lemuel. Kaya paano ito nagawang pingutin ng babaing nagngangalang 'Claire"? Ano ang karapatan nito na saktan ang anak niya, sabihin pang may kasalanan ang bata?
Subalit hindi siya puwedeng lumabas. Estranghero sa kanya ang mga taong nasa ibaba at nakikipagsaya sa anibersaryo ng mga magulang ni Renar!
NAPAILING si Endela nang malanghap ang usok ng sigarilyong biyenang lalaki. Nangati tuloy ang kanyang lalamunan. Napainom siya ng tubig para matanggal ang kati sa lalamunan niya.
"Kailangan ko bang humingi ng paumanhin, iha?"
"Ho?" Nakatingin sa kanya si Mr. Renato Ledesma.
"Sorry ho, 'Pa, nangati lang ang aking lalamunan." At natigilan siya nang mapansing nakatingin din sa kanya ang asawa at ang biyenang babae.
What's wrong?
"Maraming nagtanong sa iyo kagabi, iha," biglang nasabi ni Mrs. Dolores Ledesma. Katatapos lang nilang magtanghalian. At si Lemuel naman ay humabol ng tulog.
"Pasensiya na kayo, 'Ma, masakit talaga ang ulo ko kagabi," paliwanag niya. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lang ang pagtitig sa kanya ng asawa.
"Kailangan n' yo ba talagang umuwi ngayon?" tanong ng matandang lalaki. "Babalik dito mamaya sina James at Claire. Dito sila maghahapunan."
"May pasok ho si Lemuel. Marami naman akong ginagawang trabaho sa opisina. Babalik na lamang kami kapag may oras. Hihintayin lang naming magising si
Lemuel at bibiyahe na kami," tugon ni Renar sa mga magulang.
Ibinaling naman ng matandang ginang sa manugang ang atensiyon. "Akala namin ay hindi ka makakauwi sa anibersaryo namin, iha. Kumusta naman ang kapatid mo?" Biglang namasa ang kanyang mga mata. Nanikip na naman ang kanyang paghinga. Kung may magagawa lamang siya para dugtungan ang buhay ng kapatid.
"Huwag na natin siyang pag-usapan kung ganoon."
Naintindihan naman siya ng ginang. "Pasensiya na, iha.
It must be very hard on your part."
Morahan naman siyang napatango. Ayaw na niyang pag-usapan ang tungkol sa kapatid. Babalutin lamang ng awa ang kanyang puso.
"Maiiwan ko na muna kayo, 'Ma, 'Pa. Ihahanda ko pa ang aming mga gamit. At siguradong mayamaya lang ay gising na si Lemuel. Siguradong hahanapin kaagad ako niyon." Pakiramdam niya ay nabunutan siya ng napakaraming tinik sa dibdib nang makaeskapo. Hindi niya nagustuhan ang mga mapanuring tingin sa kanya ni Renar.
Kinakabahan siya sa mga titig na iyon ng asawa.
Subalit meron ba siyang dapat na ikabahala? nilagay niya sa bag ang kanilang mga gamit. Malinis na ang kuwarto nang lumipat siya sa kinaroroonang silid ng anak. Tulog pa ito. Inihanda niya ang isusuot nitong damit at inilagay naman sa backpack nito ang mga hindi na gagamitin. At doon na siya nagtagal. Hinintay niyang magising ito.
"BAGO ko nga pala makalimutan, piningot ni Claire kagabi si Lemuel." Bumibiyahe na sila nang isatinig iyon ni Endela. Binasag niya ang katahimikan sa pagitan nila, samantalang nagbabasa naman ng aklat ang bata sa backseat.,
"Bakit?"
Narinig iyon ng bata. Ito ang sumagot sa ama, ikinuwento ang paglalaro ng mga ito sa library room.
Nanumpa itong walang nagawang kasalanan.
Napailing na lamang si Renar.
Nanahimik na rin siya. Galit ba ito sa kanya?
Nakakakaba ang pananahimik na iyon ng asawa. At napansin niyang panay ang hugot nito ng malalim na paghinga.
Nasa San Fernando, Pampanga na sila nang huminto si Renar at pumasok sa isang tindahan. Saglit lamang ito sa loob. Napansin niyang wala naman itong binili roon. Muli silang bumiyahe. Halos sampung minuto na ang nakalipas nang 1labas ni Renar sa bulsa ng pantalon ang isang kahang sigarilyo at isang lighter.
Natigilan siya.
"Hindi mo ba ito hinahanap-hanap?" Sa kalsada nakatuon ang atension nito. "Kahapon pa kita nakitang hindi gumagamit nito."
"Alam mo namang paminsan-minsan lang ako kung manigarilyo, Renar. Naninigarilyo lamang ako 'pag marami akong iniisip at kung tensionado ako.*
Hindi na iyon iginiit ng lalaki.
Subalit sa loob-loob ni Endela, kinakabahan siya. May napapansing kakaiba sa kanya ang asawa. Nagdududa ito sa kanya!
Nahigit niya ang paghinga. Kailangang walang mahalata si Renar. Hindi siya puwedeng mabuko.
Meron siyang ipinangako sa kapatid.

Lies (In The Mercy Of Love) - Catarina ParisWhere stories live. Discover now