Hindi na ako sinagot ni Ashton. Nagagalit na 'to, kaya kung ano-ano na ang sinasabi. Never naman namin pinagiisipan nang masama si Zern, dahil never 'yang gagawa ng hindi niya gusto at hindi siya sigurado. Kaya kung sumama siya kay Caiden, napag-isipan na niya 'yon at palagay ang loob niya.

Nag-unat ng leeg si Ashton at huminga nang malalim. Pinapakalma niya siguro ang sarili niya. Kapag ganitong naiinis na si Ashton, si Zern lang ang katapat niya. Hindi ko siya kayang pakalmahin. Kumakalma lang siya kapag nakikita na niya si Zern.

Kinuha ni Ashton ang phone niya at itinapat na lang 'yon sa kaniyang tainga. Tinatawagan na niya siguro si Zern. Ayaw namin tawagan dahil baka busy or may ginagawa kaya hindi nakapagre-reply sa amin. Hindi naman kasi ganito si Zern. Palagi 'yon nagsasabi. Kaya nga hinintay namin siya, kaso kanina pa pala nakaalis.

"Oh? Bakit?" sabi ko nang bigla niyang ipinasok sa bulsa ang phone niya.

"Let's go. May pakiramdam ako kung nasaan sila. 'Saka ko na tatawagan si Zern kapag nando'n na tayo," sabi ni Ashton at madilim pa rin ang mukha.

"Pero na-ring mo na si Zern?" sabi ko.

"I called him, pero hindi pa naman nagri-ring. Hindi niya 'yon na-receive," sabi ni Ashton at tumayo na.

Napatayo rin ako't hindi alam ang nangyayari. Hindi ko alam kung anong iniisip nito ni Ashton. Para siyang galit na galit. Hindi kaya mag-away sila ni Caiden? Kung sakali, si Zern na lang ihaharap ko kay Ashton para kumalma.

Tahimik lang kami sa biyahe. Hindi ko rin magawang kumibo dahil nararamdaman ko 'yung tensyon sa aura ni Ashton. Kinakabahan ako na ewan. Bakit kasi hindi na lang nagsabi si Zern? Nagalit pa tuloy 'tong si Ashton. Although, pakiramdam ko mas naiinis siya dahil magkasama sina Zern at Caiden.

Humugot lang ako ng malalim na hining bago nilingon si Ashton na tuwid lang ang mga mata sa daan.

"Tingin mo nasaan sila?" sabi ko.

"Nasa Spaghetti House, for sure. Nasa Aritori. Malakas 'yung kutob kong do'n dinala ni Caiden si Zern," sabi ni Ashton at umigting ang panga.

Tumango-tango ako. Ngayong sinabi ni Ashton, bigla ko ring naramdaman na baka nga ando'n sina Zern. Hindi naman kasi 'yon magbubulakbol nang ganitong oras. May work siya at may pasok pa kami.

Ipinark ni Ashton malapit sa Aritori ang kotse. Bumaba kami at nanatiling nakatayo sa bandang lilim. Kinuha niya ang phone niya at saka tinawagan si Zern. Kumalabog ang dibdib ko dahil kung sa kanilang andito nga si Zern, ano kayang mangyayari?

Umawang ang mga labi ko nang nakita namin si Zern na nasa tapat ng glass door ng Aritori. He's inside. Nasa tainga niya ang phone.

"Where are you?" seryosong tanong ni Ashton. "Oo, mag-aalmusal din kami. Pinuntahan ka namin sa dorm mo, wala ka. Hindi ka rin sumasagot sa chat namin sa GC kaya tinawagan na kita."

Natakot ako nang biglang pinatay ni Ashton ang call. Pinasok na niya ulit sa bulsa ang phone niya at mabilis na naglakad papunta sa Aritori. Ni hindi na niya ako hinintay. Parang bawat hakbang ni Ashton masisira 'yung sahig sa sobrang bigat ng mga hakbang niya.

Huminto kami sa tapat ni Zern. Hindi niya kami napansin at nakatingin lang sa phone niya. Kaya nang nakita niya kami, gulat na gulat siya at mukhang hindi alam ang gagawin niya.

Ilang segundo rin ang itinayo ni Zern do'n bago niya kami nilabas. He looks worried and afraid.

"Sorry, guys. Hindi ko napansin 'yung chat ninyo. Sinundo kasi ako ni Caiden sa bahay. Ikukuwento ko pa lang sana sa inyo 'pagnagkita-kita na tayo ngayon. Sorry. Hindi ko sinasadyang paghintayin kayo. Sorry. . ." malungkot na sabi ni Zern at halatang nagpa-panic siya.

Ditto Dissonance (Boys' Love) Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang