Shit! Patay! Kulang na lamang ay takpan ni Milgray ang mukha sa labis na kahihiyan.
Nagpaalam sa kanila si Mrs. Abelardo. Naiwan silang dalawa ni Zuriel. Hindi siya makagalaw. Parang gusto niyang bumunghalit ng iyak. She really screwed up this time. Big time! At base sa pananahimik ng katabi niya, sigurado siyang pinipigil lamang nito ang sobrang galit. Para tuloy gusto niyang tumakbo at pagtaguan ito.
But she had to face him. May kasalanan siya. At hindi iyon simpleng kasalanan. At hindi rin iyon ang una na nag-ugat sa kawalan niya ng tiwala rito. Kailangan niyang harapin ang konsekwensiya ng kanyang ginawa.
“Zuriel...”
“Let’s go,” mahina ngunit mariing utos nito.
Halos tumakbo na siya para makaagapay lamang sa mabilis na paglakad nito. Salubong ang
mga kilay nito. Hndi ito umiimik. Hindi na niya pinansin pero nasaktan siya nang hindi siya
ipinagbukas nito ng pinto.
Hindi pa rin ito kumikibo hanggang makarating sila sa tapat ng Porta Vaga Mall. Agad
siyang bumaba nang makitang bumaba na ito.
Laking pasasalamat niya nang hindi datnan sa coffee shop ang tita niya. May kinuha lang
daw ito sandali sa bahay, ayon sa isa sa mga crew. Dumiretso siya sa private office. Sumunod
doon si Zuriel.
“What’s wrong with you, Gray?” galit na tanong nito nang maisara ang pinto.
“I’m so—”
“What? You’re sorry?” sarkastikong turan nito. “You’re sorry... again? You’ll promise to
trust me... again? You always say you trust me pero iba naman ang ipinapakita mo. If you could
recall, lahat ng misunderstandings natin, nag-ugat sa kawalan mo ng tiwala sa akin.”
Kitang-kita niya ang sakit at hinanakit sa mga mata nito. At siya ang may kagagawan niyon.
“Si Mrs. Abelardo,” patuloy nito, “kliyente namin iyon. Nagkasundo silang mag-asawa na
maghiwalay at mag-file ng annulment. Ipinapaayos niya ang mangyayaring hatian ng property.
At kaya kami doon sa restaurant na iyon nag-meet ay dahil may stall din siya sa mismong tapat
at hindi niya maiwan. At dahil alam kong wala kang tiwala sa akin, you can again ask your Tito
Gabriel.”
Hindi siya makaimik. Sinusurot siya ng kanyang budhi.
“What else do you want to know? Ah, may meeting nga pala ako sa isa na namang kliyente
sa Legarda Hotel. Mga alas-tres iyon ng hapon. Si Mrs. Garcia ang kliyente, baka mapadaan ka
uli ro’n. And after that, may kakatagpuin akong babae tulad ng madalas mong isipin. Tutal,
naniniwala ka namang kaya kitang lokohin...”
Hindi na niya napigilan, napaiyak na siya. Damang-dama niya ang mga pagkakamaling
nagawa niya.
“Pilit kong inunawa ang kalagayan mo, Gray. Pilit kong sinabi sa sarili ko na masakit ang
karanasang pinagdaanan mo. But for Christ’s sake, I am not Ralph. Hindi mo alam kung gaano
kasakit isiping at the back of your mind, inihahalintulad mo ako sa kanya. Na naniniwala kang
VOCÊ ESTÁ LENDO
Cappuccino Kind Of Love | Claudia Santiago
RomanceNa-judge mo na agad ang pagkatao ko without even knowing me. That's not fair. In court, the suspect cannot be called a criminal until proven guilty. Any suspect deserves a fair trial and so do I.