Nagising si Milgray na nakahiga na siya sa mahabang sofa. Nakapatong ang ulo niya sa
kandungan ni Zuriel. Pupungas-pungas na bumangon siya. Nakita niyang nakatulog na rin ito sa
nakaupong posisyon.
Hindi na nga niya namalayan na nakatulog na pala siya. Ang huling natatandaan niya ay
nagkukuwentuhan pa sila.
Tiningnan niya ang relo. Mag-aalas-sais na ng umaga. Kinuha niya ang suklay sa bag at
sinuklay ang buhok. Pagkatapos ay lumapit siya sa kama ni Miles. Mahimbing pa rin ang tulog
nito.
Makaraan ang labinlimang minuto ay nagpasya siyang pumunta sa canteen para bumili ng
kape at tinapay. Wala na kasing lamang mainit na tubig ang thermos na naroon.
Bumili na rin siya ng toothpaste at dalawang tooth-brush. Pagbalik ay nadatnan niyang gising
na si Zuriel.
“Good morning,” nakangiting bati niya rito.
“Bakit hindi mo ako ginising?” tanong nito.
“Ang sarap ng tulog mo, eh, kaya hinayaan na lang kitang matulog muna.” Iniabot niya ang
isang plastic cup na may lamang kape rito. “Good morning, too, Gray,” pabirong sabi niya sa
kanyang sarili.
That brought a smile to his lips. “Good morning, my lady,” sabi na nito.
“Good morning to both of you.”
Sabay silang napabaling kay Miles. Gising na rin ito. She was relieved to see her smile.
“Good morning, Miles,” ganting-bati ni Zuriel.
“Pati pala si Zuriel ay naabala ko na rin,” ani Miles.
“I’m glad to be of service, Miles,” wika ni Zuriel. “Kumusta na ang pakiramdam mo?”
Tinanggap nito ang iniabot niyang tinapay.
“Ready to go,” sagot ni Miles.
“Kung gano’n, kain ka muna.” Inabutan niya ito ng tinapay at kape.
Pagkakain ay sinabihan niya si Zuriel na mauna na, ngunit nagpaiwan pa rin ito. Sabay-sabay
na raw silang lumabas dahil lalabas na rin naman si Miles nang umagang iyon. Alas-nuwebe,
pagkatapos na masuri si Miles ni Doctor Rivera ay inayos na niya ang mga release papers nito.
Tinulungan siya ni Zuriel sa pagliligpit ng mga gamit ni Miles nang dumating si Delfin.
“Ahm, iwan muna namin kayo,” aniya, saka hinila na palabas si Zuriel palabas ng silid.
“That was her husband, right?” tanong ni Zuriel nang makalabas sila.
Tumango siya. “Bakit ngayon lang siya nagpakita? Hindi kaya mabinat si Miles sa pag-uusap
nila? Dapat ba talagang iniwan natin—”
“Hey, hey!” pigil nito sa kanya. Hinawakan nito ang magkabilang balikat niya. “Gray, relax,”
sabi nito. “Sa palagay ko, tama lang na iniwan natin sila. Alam naman siguro ng asawa ni Miles
ang kalagayan niya. Hindìyon gagawa ng ikalalala ng kalagayan niya. Besides, he looked like a
mess. Like he was really sorry.”
YOU ARE READING
Cappuccino Kind Of Love | Claudia Santiago
RomanceNa-judge mo na agad ang pagkatao ko without even knowing me. That's not fair. In court, the suspect cannot be called a criminal until proven guilty. Any suspect deserves a fair trial and so do I.