12

104 4 0
                                    

Napuna agad ni Milgray ang hindi magandang mood ni Zuriel. Salubong kasi ang mga kilay

nito.

“May problema ba?” hindi nakatiis na tanong niya rito habang papasok sila sa silid ni Miles.

“Wala naman,” matipid na sagot nito.

Pagpasok nila ay naupo siya sa naroong sofa samantalang ang binata ay lumapit sa kama.

“Gising siya nang dumating ako. Panay nga ang hingi ng sorry sa akin, iyak nang iyak.

Nandito raw ang mga anak niya kaninang lunch, sabi ni Tita Sue,” pagkukuwento niya sa binata.

“She’s looking good,” puna ni Zuriel na tumabi sa kanya. “Hindi na katulad kahapon na

sobrang putla. Anong oras ka nga pala nagpunta rito?”

“Mga two hours ago.”

“Kilala mo pala si Doctor Rivera.” Saglit itong tumingin sa kanya nang sabihin nito iyon.

“Hindi. Dito ko lang siya nakilala. Sinabihan lang niya ako kanina kung ano ang mga dapat

na isaalang-alang sa pasyenteng... alam mo na.” Nagkibit-balikat siya.

“Ah, akala ko kasi, magkakilala kayo. ‘Vic’ na lang kasi ang tawag mo sa kanya at ‘Gray’

naman ang tawag niya sàyo.”

Napangiti siya. Iyon ba ang dahilan kung bakit wala ito sa mood? Why was he acting weird?

“Ayaw kasi niyang patawag ng ‘Doctor Rivera.’ Ipinagpilitan niya na ‘Vic’ na lang daw,

tutal, kami lang naman daw ang makakarinig. Eh, alangan namang patawag ako ng ‘Miss

Saavedra,’ 'tapos, ang tawag ko sa kanya ay ‘Vic.’”

“Hindi na ako magugulat kung makikita ko na rin sa coffee shop mo ang Vic nàyon,”

komento nito.

“Di maganda. Madadagdagan na naman ang regular customers namin kung saka-sakali,”

natatawang wika niya.

“He likes you, I can tell.”

Hindi niya napigilang matawa. Nagseselos ba ito? Iyon ba ang dahilan kung bakit umaakto

ito nang ganoon?

“Why are you so grumpy today, Attorney Mendoza?” natatawa pa ring tanong niya.

“I am not!” mariing tanggi nito.

“Yes, you are.”

“Wala pa bang balita sa asawa ni Miles?” pag-iiba nito sa usapan.

She indulged him. “Wala pa nga, eh. Umalis na ng bahay nila ang asawa niya. Tinotoo ni

Miles ang sinabi niyang hindi na ito makakabalik pa sa bahay nila. Tinawagan ko siya sa opisina

pero hindi ko nakausap. Naka-leave daw. Tinatawagan siya ni Tita Susie sa cellphone niya pero

hindi naman makontak.”

“Kailan ba puwedeng lumabas si Miles?” tanong nito.

“Sabi ni Vi—Doctor Rivera ay puwede na siyang lumabas bukas. Kami na muna ni Tita

Susie ang bahala sa kanya kasi wala naman siyang kamag-anak dito sa Baguio. Taga-Cebu siya.”

Bandang alas-kuwatro ay naroon na uli ang mga anak ni Miles. Alas-otso na ng gabi nang

Cappuccino Kind Of Love | Claudia Santiago Where stories live. Discover now