ang naroong customers dahil papasara na sila.

“Gray, puwede bang makinig ka muna sa akin?” mahinahong wika nito.

“Ah, gano’n? Kapag sinabi mong makinig ako, dapat, makinig ako sàyo. Samantalang

ikaw, simpleng pagtupad lang sa oras ay hindi mo pa magawa,” malamig na wika niya. Noon ay

madalas ding ma-late sa usapan nila si Ralph. Panay lang ang pagbibigay niya. Iyon pala ay

niloloko na siya nito.

Hindi na umimik si Zuriel. Hinintay nitong matapos ang pagsasara ng coffee shop.

Ipinagbukas pa nga siya nito ng pinto ng kotse.

May humaplos na awa sa puso niya para dito nang makitang parang hapung-hapo ito.

Ngalingaling kunin niya ang mga kamay nito upang masahehin.

“Na-late ako ng dating dahil kinakailangan kong tingnan ang lagay ng bago kong kliyente na

biktima ng pambubugbog ng asawa niya sa ospital. Kapatid siya ng sekretarya ng Tito Gabriel

mo. Hindi ako agad nakaalis dahil natataranta nang husto si Beth,” tukoy nito sa sekretarya ng

tito niya. “Hinintay ko munang dumating ang mga magulang nila galing ng Rosario, La Union.”

Nakaharap ito sa manibela habang nagpapaliwanag.

Hindi siya makakibo. Damn it! Ano ba namang klaseng girlfriend siya? Pagod na pagod na

nga ito sa trabaho ay sasalubungin pa niya ito ng pagmamaktol at kung anu-anong suspetsa.

Dahan-dahang inabot niya ang kanang kamay nito. Ilang sandali pa ay minamasahe na niya

iyon. Walang salitang lumabas sa bibig niya. Basta minasahe lamang niya ang kamay nito.

“'Yong isa naman,” mahinang sabi niya. Hindi siya makatingin nang diretso rito. Nahihiya

kasi siya.

“Is this your way of saying you believe me and that you’re sorry, my lady?” tanong nito.

“I’m sorry,” mahinang sabi niya. Tumingin siya sa mukha nito. “I deserve to be punished.”

“Baby, saan ka ba natutong magmasahe nang ganyan? Nababawasan nang husto ang pagod

ko,” paglalambing nito.

“Does that mean I’m forgiven?”

“Give me a kiss first,” hiling nito.

Mabilis siyang tumalima. Pinagsalikop niya ang mga braso sa leeg nito at hinalikan ito sa

mga labi. Hinapit naman nito ang baywang niya upang mapalapit lalo siya rito.

“I’m sorry,” aniya nang maghiwalay ang kanilang mga labi.

“Sshh, it’s okay.” Hinaplus-haplos nito ang likod niya. “Mahal kita. Mahal na mahal kita.

Hindi ako gagawa ng anumang ikakasakit ng loob mo. Please trust me, lady.”

“I will. I trust you.”

“Baka puwedeng mag-request ng masahe sa buong katawan. Malapit lang naman dito ang

Sunshine Hotel,” pilyong sabi nito.

“Masaya ka!” natatawang sagot niya.

“Iyon, eh, kung makakalusot lang naman,” hirit pa nito.

ALAM ni Zuriel na nag-aalala lamang si Gray na mangyari uli rito ang nangyari sa huling

Cappuccino Kind Of Love | Claudia Santiago Место, где живут истории. Откройте их для себя