nila sa pagkain.
Pagkatapos ng hapunan at kaunting kuwentuhan pa ay nagpaalam na rin si Zuriel. Inihatid
niya ito sa labas. Pagkasarang-pagkasara niya ng pinto ay agad siyang kinabig nito upang
gawaran muli ng isang makapugto-hiningang halik. “I love you, my lady,” pagkuwa’y saad
anito.
Yumakap siya nang buong higpit dito. “Natatakot ako, Zuriel,” mahinang sabi niya.
Inilayo siya nito sa katawan nito para matitigan siya. Bakit? Ano’ng ikinatatakot mo?”
“Paano kung... paano kung hindi tayo magtagal? Paano kung makahanap ka ng iba?”
Pinigil nito ang iba pa niyang sasabihin sa pamamagitan ng pagdikit ng hintuturo nito sa
kanyang bibig.
“Sshh... Please, baby, 'wag mong sabihin 'yan. Mahal kita. Nirerespeto kita. Trust me,
please. Do you trust me, Gray?” tanong nito.
Tumango siya.
“Gusto kong marinig,” hiling nito.
“Yes, I trust you,” sagot niya.
“And I trust you, too, baby. We’ll make this work.” Puno ng determinasyon at pangako ang
tinig nito.
Napangiti na siya. Muli siyang yumakap dito.
Ilang sandali ay nagpaalam na rin ito. “I have to go.”
Pinakawalan niya ito. “Ingat sa pagmamaneho. Tawagan mo ako kapag nasa bahay ka na,”
bilin niya rito.
“Opo. I’ll call you up when I get home.”
Tinungo nito ang gate. Tumalikod na rin siya para bumalik sa loob.
“Gray!”
Pumihit siya paharap. “What?”
“I love you, baby.”
She blew him a kiss.
MASAYA ang mga sumunod na araw para sa kanila ni Zuriel. Nalaman na rin ni Miles ang
relasyon nila. Pati na rin ng mga naging kaibigan niyang regular customers ng Gray’s. Tuwang-
tuwa rin ang magkasundo nang sina Mang Edgar at Lola Modesta.
Maayos na sana ang lahat kung hindi lang sa lumalaking takot na sa tuwina ay nasa dibdib
niya. Palaging pumapasok sa isip niyang baka dumating ang araw na ipagpalit siya ni Zuriel sa
ibang babae. Ma-late lang ito nang kaunti sa usapan nila ay napapraning na siya.
Laking pasasalamat niya at naging napakama-unawain ng kanyang nobyo. Madalas ay ito
ang nagpapasensiya sa mga tantrums niya na madalas ay nag-uugat sa pag-iisip niyang may
ibang babae sa buhay nito. Alam naman niyang wala, pero talagang hindi mawala sa isipan niya
ang ginawa ni Ralph sa kanya.
Tulad ng araw na iyon, mag-aalas-siyete na ay wala pa rin ito. Dati-rati, alas-sais pa lamang
ay naroon na ito hanggang sa magsara na ang coffee shop ng alas-otso.
Labinlimang minuto bago mag-alas-otso nang dumating ito. Hindi na maipinta ang mukha
niya. Akmang hahalikan siya nito pero iniiwas niya ang mukha.
Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. Umupo ito sa harap ng counter. Tatlo na lamang
YOU ARE READING
Cappuccino Kind Of Love | Claudia Santiago
RomanceNa-judge mo na agad ang pagkatao ko without even knowing me. That's not fair. In court, the suspect cannot be called a criminal until proven guilty. Any suspect deserves a fair trial and so do I.