Naglakad-lakad sila hanggang sa humangga sila sa dulo. Mataas ang kinatatayuan nila kaya

nakikita niya ang taniman ng mga strawberries sa ibaba.

Ipinikit niya ang mga mata at pinuno ng sariwang hangin ang mga baga. Napakatahimik sa

lugar na iyon. Nakaka-inspire ang ganda niyon upang bumuo ng pangarap at mag-isip ng

magagandang bagay.

“Ang ganda!” hindi napigilang bulalas niya.

“Here, wear this.” Iniabot ni Zuriel sa kanya ang isang jacket. “Masyadong malamig dito.”

Kinuha niya iyon at isinuot. “Sana, makita pa ito ng mga magiging anak natin, pati na rin ng

magiging apo—” Natigilan siya nang makitang pilyo ang pagkakangiti nito.

Binalikan niya sa isip kung may nasabi ba siyang mali. Natutop niya ang bibig nang maalala

ang sinabi.

“Touched naman ako na iniisip mo ang kapakanan ng mga magiging anak natin,” pilyong

sabi nito. “Although masyado ka namang nagmamadali, okay na rin sa akin.”

My God! piping sambit niya. Hinarap niya ito at pinandilatan. “Wala akong ibang ibig

ipakahulugan sa sinabi ko. I was referring to the next generation. Hindi mga ‘anak nating

dalawa’ per se.”

“Kaya nga. Magiging anak natin. Sila ang future generation, 'di ba?”

“Anak mo at anak ko. Ah, ewan!” Ibinaling na lamang niya ang tingin sa magandang

tanawin, tutal, hindi naman niya maipaliwanag nang mabuti ang punto niya. Isa pa, sigurado

siyang kahit ano pang paliwanag ang gawin niya ay iyon pa rin ang nasa isip nito.

“Gray?” untag nito.

“Ano na naman?” singhal niya.

Tumikhim ito. “M-mahal mo pa bàyong ex-fiancé mo?”

Huminga siya nang malalim. “Nakilala ko si Ralph no’ng mga panahong masama ang loob

ko sa Mama. Nagpakasal siya uli ilang buwan lang pagkababang-luksa niya. Ni hindi niya ako

kinonsulta o sinabi man lang sa akin beforehand ang plano niya. Basta pag-uwi niya after a week

galing ng States, kasal na siya sa stepfather ko. Kaya nang tutulan niya ang relasyon ko kay

Ralph, hindi ko siya pinansin kahit pa nga nakikita kong totoo ang mga pintas niya kay Ralph.

Basta pinanindigan ko na lang ang desisyon ko.

“Nang magpasya akong pakasal kay Ralph, hindi ko hiningi ang blessings niya, basta sinabi

ko lang. Bukod sa gusto kong iparamdam sa kanya ang ginawa niya sa akin, minahal ko rin

talaga si Ralph. But looking back now, masaya akong hindi natuloy ang kasal namin ni Ralph.

So I could say right now na nakalimutan ko na siya. Na masaya ako at tadhana na rin ang

gumawa ng paraan para makilala ko ang tunay na pagkatao niya.

“Tutal, hindi pa naman talaga ako sigurado kung siya na nga ba talaga ang gusto kong

pakasalan. Malaking bahagi ng desisyon kong 'yon ang saktan si Mama. It’s not good but it’s

true. I don’t know but maybe I’m old-fashioned or whatever but I expected my mother to... you

Cappuccino Kind Of Love | Claudia Santiago Where stories live. Discover now