“Hindi ka nakapaghintay!” akusa ni Lola Modesta. “Pinuntahan kita pero wala ka na.
Nagtungo ka na sa Mindanao. Pagbalik mo, may asawa’t anak ka na.” Bakas ang lungkot sa tinig
nito.
Malay ba nilang hindi lang pala simpleng magkakilala lang ang dalawang matanda kundi
naging magnobyo pa pala noong kabataan ng mga ito?
“Maaari ka bang sumama sa akin upang makapag-usap tayo?” malumanay na ang tinig na
tanong ni Mang Edgar. Nang ilahad nito ang kamay ay parang nakabitin sa ere ang hininga ng
mga taong naroon sa paghihintay sa magiging aksiyon ni Lola Modesta.
Nagpalakpakan ang mga ito at may mga pumito pa nang tanggapin ni Lola Modesta ang
nakalahad na kamay ni Mang Edgar. Magkahawak-kamay na lumabas ng coffee shop ang mga
ito pagkatapos mag-bow si Mang Edgar sa kanila.
Nagkatinginan sila ni Zuriel at sabay pang napangiti.
“I guess this is not a bad day after all,” anito.
“I couldn’t agree more,” tugon niya.
Isang maganda na namang pangyayari ang naganap sa loob ng Gray’s, sa loob-loob niya.
And what transpired today was definitely the most exciting scene that ever occurred at Gray’s.
Mukhang dapat na niyang palitan ang pangalan ng naturang coffee shop. Dapat na siguro niyang
tawaging “Gray’s Love Café” iyon.
TRUE to his words, alas-siyete pa lamang ay nasa bahay na nina Gray si Zuriel nang Sabadong
iyon. Kaliligo pa lamang niya at nagbibihis pa lamang siya. Pagkaraan ng tatlumpung minuto ay
bumaba na siya sa sala. Naabutan niyang nagkukuwentuhan ang tita niya at ang binata.
Isang maluwang na bulaklaking asul na palda na tinernuhan ng sleeveless na puting blusa ang
isinuot niya. Itinali niya ng laso ang nai-blower na buhok. Sneakers ang ipinansapin niya sa mga
paa.
“Mukha kang disisais imbes na beinte-sais sa ayos mo, my sweet Gray,” puri ng Tita Susie
niya.
“Thank you, Tita.” Binalingan niya si Zuriel. “Lalakad na ba tayo?”
“Aba’y dapat lang. Mukhang maraming plano si Zuriel para sa araw na ito.” Ang tita niya
ang sumagot. “Baka kulangin ang isang araw,” tudyo pa nito.
Nagpaalam na sila ni Zuriel dito.
“Saan ba tayo unang pupunta?” tanong niya kay Zuriel nang lulan na sila ng kotse nito.
“It’s a surprise,” sagot nito. “Just sit back and relax. Ako’ng bahala sàyo.”
Una siyang dinala nito sa Strawberry Farm sa La Trinidad. Sa tinagal-tagal na nagpapabalik-
balik siya sa Baguio at La Trinidad, hindi pa siya nakakatapak sa Strawberry Farm. And it was
breathtaking. Napakaganda ng lugar.
“Pamilya ng kaibigan ko ang nagmamay-ari nito. 'Yong malaking kubong iyon, sa kanilàyon.”
Nakita niya ang itinuturo nito. Maganda nga at malaki iyon.
YOU ARE READING
Cappuccino Kind Of Love | Claudia Santiago
RomanceNa-judge mo na agad ang pagkatao ko without even knowing me. That's not fair. In court, the suspect cannot be called a criminal until proven guilty. Any suspect deserves a fair trial and so do I.