"Kumain kana, lalamig na yan."sabi niya lang sabay upo sa kama ko.

"Ikaw nagluto?"tanong ko sabay inom sa choco drink na nasa tray.

"Umupo ka nga.."saway niya sakin ng makita akong nakatayo kaya naman umupo ako sa sahig at nagumpisang kumain.

"Ikaw nagluto?"tanong ko ulit.

"Yeah and if it tastes bad then don't eat it."sagot niya.

"No, it's good. I like it."sabi ko naman dahil maayos naman ang pagkaluto niya at masarap din.

"Ngayon ko lang alam na marunong ka palang magluto."sabi ko pa.

"Don't talk too much while you're eating."saway niya kaya tumahimik na ako.

"Yang buhok mo.."saway niya ulit kaya napalingon ako sakanya.

Bumuntong hininga siya tsaka tumayo at pumunta sa dressing room ko, pagbalik niya ay may dala na siyang pantali sa buhok.

Lumapit siya sa akin tsaka tinalian ang buhok ko.

"Kababae mong tao hindi mo maayos 'tong buhok mo, kaya wala kang boyfriend eh."sabi niya habang inaayos ang buhok ko.

Eh?

"Wala ka nga ding girlfriend eh."inosenteng sabi ko sakanya.

"Iba naman yun.."sabi niya tsaka mahinang pinitik ang noo ko.

"Aray!!,"daing ko sabay hawak sa noo ko."parehas lang kaya yun.."depensa ko pa.

"Tsk, whatever."sabi niya tsaka umayos ng upo sa tabi ko.

Nang makatapos akong kumain ay ipinainom niya muna sakin yung mga gamot at vitamins ko tsaka niya inayos ang pinagkainan ko, sabi ko ay ako nalang ang magliligpit at magdadala nun sa kusina pero ayaw niya kaya hinayaan ko nalang siya.

"Matulog kana, good night."sabi niya tsaka lumabas dala ang tray.

Sana hindi ka matulad kina daddy na naging busy dahil sa trabaho..

But I think I was just expecting..

Dahil lumipas ang dalawang buwan ay naging busy na din si Kuya Ash dahil nga graduating siya ay madalas na siyang gabihin at minsan naman ay inuumaga na itong umuwi, every weekend naman ay hindi na kami nakakapag–aral ng magkasama dahil lagi itong wala sa bahay kaya madalas nalang din akong lumalabas kasama sina Ali, sina Mom and Dad naman ay as usual hindi na talaga halos umuuwi ng bahay, isang besses nalang sa isang linggo sila kung umuwi minsan nga ay isang besses lang sa isang buwan tapos ay aalis din agad. Si Kuya Dem naman ay naging busy na din siya dahil naglaunch ng bagong branch ng luxury apartment sina Dad sa Germany kaya halos mag-isa nalang ako sa bahay.

I hate this fucking life!!

It's friday night and I was here now in a bar with Alison, Camille and Ivy, well I'm already 19 so it's okay besides I'm not going to drink any alcoholic drinks here, I am not allowed.

"So, how are you?"tanong agad ni Ivy sakin pagkadating nila ni Camille, nauna na kasi kami ni Ali dito dahil mas maaga kaming nadismissed, nagpalit din muna kami ng damit bago pumunta dito para hindi kami nakauniform.

I just wore a black trouser, white off shoulder cropped top, white sandals and my sling bag. I just put some light makeup at hinayaan ko ng nakalugay ang buhok ko, actually I don't know how to use makeup, I just watched some tutorial in Youtube kasi hindi talaga ako gumagamit ng makeup but Mom always brought me so I have a lot and it always ends up expiring, kaya naman para hindi masayang ay kinukuha ko lang yung mga kailangan o gagamitin ko at ibinibigay ko lahat na kila Ali at Camille.

"I'm good."maikling sagot ko lang.

"Is your kuya Dem know?"tanong naman ni Camille.

Ha?

"Know what?"curious kong tanong.

"Is he know na napapadalas yung Asthma mo?"sabi niya.

"No, he's busy."sabi ko lang.

...And I don't want to disturb him.

"Ano naman kung busy siya, health mo yung pinag–uusapan oh.."seryosong sabi ni Ivy.

"..Hihintayin pa ba nilang lumala yan bago ka nila pansinin?"galit pa niyang dagdag.

Hindi ako sumagot at itinuon sa ibang direksyon ang paningin ko.

"Alam naman nilang may sakit ka pero hinahayaan ka lang nila."galit ulit niyang dagdag.

"Stop it, damn it!!"galit akong tumayo tsaka hinampas ng malakas ang lamesa. Nagulat sila sa ginawa ko kaya hinawakan ni Ali ang braso ko at dahan-dahan akong pinaupo.

"Nag‐aalala lang kami sayo, ni hindi man lang nila tanungin kung humihinga ka pa.."sabi niya pa.

"Stop it."tanging nasabi ko lang sakanya, alam kong nag-aalala lang siya pero kapag pinaparamdam nilang nag-aalala sila naiisip ko kung parehas ba nang nararamdaman nila ang nararamdaman ng parents ko?

Sana.

But I don't want to expect again.

I don't want to failed an another expectation again.

The Last RainfallWhere stories live. Discover now