Pagkatapos nilang makakain ng hapunan, tumuloy sila sa veranda upang magpatunaw ng kinain. Naupo siya sa pasimano samantalang naupo naman ito sa kabilang pasimano. Itinaas niya ang mga paa, ini-stretch at saka pinagkrus sa sakong. Sumandal siya sa dingding.

“I owe you one back there, Zuriel,” basag niya sa katahimikang namamayani sa pagitan nila.

“Big time.”

“Then spend a day with me,” suhestiyon nito.

“Hindi mo pa rin ba nakakalimutan 'yon?” natatawang tanong niya.

“You said it yourself, you owe me one. Big time. hindi naman siguro masama kung maaga akong mangongolekta.”

Alam niyang nakangisi ito kahit hindi niya masyadong maaninag ang mukha nito dahil patay ang ilaw sa veranda.

Nagpatuloy ito sa pagsasalita nang hindi siya tumugon. “C’mon, Gray, wala namang mawawala sàyo kapag pinagbigyan mo ako.”

“At ano naman ang mapapala ko?” pabirong tanong niya.

“You’ll find out that I’m not that bad. If I’m lucky, you’ll find out that your opinion of me may alter at some point.”

“Bakit? Ano ba sa palagay mo ang opinyon ko sàyo?”

“I’m not sure. You tell me,” tugon nito. “Ang alam ko lang, hindìyon maganda.”

Napaisip siyang bigla. Totoong hindi maganda ang opinyon niya tungkol dito noon. Pero hindi na ngayon. Hindi nakaligtas sa mga mata niya kung gaano ito nag-aalala sa kalagayan ni

Miles. Nakita rin niya kung paanong masuyong in-assure nito ang bunsong anak ni Miles na okay na ang mommy nito kaya naman tumigil na sa pag-iyak ang bata.

Hindi lang iyon. Masyadong malaki ang suportang naibigay nito sa kanya. Yes, she would have handled the situation if she happened to be alone. But not as smoothly as she did with

Zuriel beside her. That much was true.

“Okay,” pagkuwa’y sabi niya.

“Okay what?”

“I’ll spend a day with you,” sagot niya.

Napatayo ito at humarap sa kanya. “Wala nang bawian 'yan, ha? Saturday.”

“This Saturday?”

“Yup. May lakad ka ba?”

“Saturday it is,” sa halip ay sabi niya. “Ano naman ang gagawin natin sa loob ng buong araw? Baka ma-bore ka sa akin.”

“Never. Marami tayong magagawa, I assure you. Didn’t I tell you na sa interes lang ako interesado?”

“Oo na,” natatawang sabi niya. Hindi niya akalaing aabot sila sa ganoon. Ni hindi niya na-imagine na makakasama niya ito sa veranda niya at payapang nag-uusap na parang matagal nang magkakilala.

“So, hindi na rin ako magtatagal para makapag-pahinga ka na. I will go ahead,” sabi nito.

“Okay.” Bumaba siya sa pasimano. Inihatid niya ito hanggang sa labas ng gate.

“See you tomorrow,” anito.

“Bakit? Akala ko, sa Sabado pa?” maang na tanong niya.

“Magkikita tayo sa coffee shop, 'di ba? Besides, bukas ay dadalawin natin si Miles.”

“Natin? Tayo?” ulit niya sa mga pronouns na ginamit nito.

“Ito naman. 'Di ba magkaibigan na tayo? Ayaw mo n’on may driver ka. Hindi ka na mapapagod.”

“Oo na. Sige na. Saan ka nga pala nakatira?”

“Bakit? Dadalawin mo ako? Hindi pa nga ako nakakaalis, nami-miss mo na ako,” tudyo nito.

“'Kapal! Kung ayaw mong sagutin, huwag mo,” nakalabing turan niya.

“Sa Dominican Hall. Minsan, isasama kita ro’n,” excited na wika nito.

“Zuriel...” sawata niya rito.

Bumuntong-hininga ito. “Iyon ay kung mapapag-bago ko ang opinyon mo tungkol sa pagkatao ko sa loob ng isang buong araw na magkasama tayo,” palusot nito.

“Sige na. Mag-ingat ka.” Itutulak na niya pasara ang gate ngunit pinigilan nito iyon.

“Wala bang kiss?” hirit nito.

Nag-init ang mga pisngi niya. Bigla kasing nag-flash sa isip niya ang nangyari sa kanila sa ospital.

Muling bumuntong-hininga ito. “Sabi ko nga, bad idea.” Tila hinayang na hinayang ang tinig nito. “About what happened kanina, I hope hindi kita na-offend. Sana, huwag mong isiping nag-take advan—”

“Okay lang,” sansala niya. “Ako naman ang bigla na lang nanghalik.” Hindi siya tumitingin dito nang sabihin iyon. “Pasok na ako.” Itinuloy na niya ang pagsasara sa gate.

Nakakailang hakbang na siya nang marinig niyang tinawag uli siya nito. Muling binuksan niya ang gate. “Bakit?”

“I don’t really mind, you know,” pilyong sabi nito. “Basta ba siguruhin mo lang na kapag nagulat ka uli, ako ang kasama mo.”

“You...” Bago pa niya napag-isipan ang idudugtong doon ay nakasakay na ito sa kotse nito at tumakbo na iyon palayo.

Iiling-iling na isinara uli niya ang gate.

IPINARADA ni Zuriel ang kanyang kotse sa parking lot ng SLU Hospital. Hindi na niya sa naabutan si Gray sa coffee shop. Ayon sa naiwang in-charge doon na si Melissa, nagpunta na raw sa ospital si Gray dahil tinawagan ito ng Tita Susie nito.

Pagliko niya sa pasilyo patungo sa silid ni Miles, nakita niya ang dalaga. Kausap nito ang doktor na tumingin kay Miles. Naobserbahan niyang panay ang ngiti ng doktor dito. Lalaki siya at alam niya kung kailan nagpapapansin ang kapwa niya lalaki sa isang babae. Nagrerebelde ang kalooban, lalo niyang binilisan ang paglakad.

“Oh, that would be nice, Vic,” narinig niyang sabi ni Gray sa doktor.

Vic? “Vic” na lang ang tawag niya sa doktor. Lalong nagngitngit ang kalooban niya.

Tumikhim siya para ipaalam ang presensiya niya.

“O, Zuriel, natatandaan mo ba si Vic—I mean si Doctor Rivera? Siyàyong doktor ni Miles.

Doctor Rivera, si Zuriel, kaibigan ko,” pakilala nito sa kanya.

Bunsod ng kagandahang-asal ay nakipagkamay siya rito. At nahalata marahil nito ang masamang mood niya, nagpaalam na ito.

“I’ll go ahead, Gray, Zuriel,” sabi nito.

Gray? “Gray” na rin ang tawag niya sa Gray ko. Sandali lamang siyang nalingat and voila!

That doctor and this woman who kept him awake most of the night were calling each other by their first names?

Sino naman ang hindi magngingitngit?

Cappuccino Kind Of Love | Claudia Santiago Where stories live. Discover now