“Mukhang nag-iba yata ang ihip ng hangin, ah,” magiliw na sabi niya nang i-serve niya ang order nito. “You’re eating chocolate cake now.”

Hindi niya tinanong kung bakit nag-iisa ito at hindi nito kasama si Carlo. She was not that insensitive. Mas malinaw pa kaysa sa distilled water na may problema. At may kinalaman doon ang nobyo nito.

“Paborito ko naman talaga ang chocolate cake, pati na ang chocolate ice cream,” anito, sabay

subo sa cake na nasa kutsara nito. “Iniwasan ko na nga lang mula nang maging boyfriend ko si

Carlo. I wanted to look good for him. Alam ko naman kasing alangan siya sa akin. He’s handsome and slim,” sabi nito sa pagitan ng sunud-sunod na pagsubo ng cake.

Hindi siya kumibo o nagkomento man lang. Alam niyang hindi nito kailangan ng payo nang mga oras na iyon. She simply wanted to talk. Period.

“Kaya bakit ko pa pipigilan ang sarili kong kumain ng mga paborito ko gayong ipinagpalit na niya ako kay Monette? Doon sa ulikba at payatot nàyon! Flat-chested pa,” patuyang sabi nito.

There you go, aniya sa isip. Another case of heartbreak. Whew! At isiping dalawang buwan pa lamang siya sa Baguio.

“Tell me, Gray. And please be honest with me. Pangit ba ako?”

“You know you’re not.” Nagulat man ay nagawa pa rin niyang sumagot.

“Matabang-mataba na ba talaga ako?”

Bakit ba siya ang pinahihirapan nito? Para tuloy gusto niyang isumpa ang Carlo na iyon.

“Hindi ka matabang-mataba. You’re chubby, yes, pero hindi ka matabang-mataba.”

It was supposed to be assuring but why did Grace burst into tears? Natarantang bumalik siya sa counter at kumuha ng isang kahon ng Kleenex. Bakit ba lagi na lamang siyang iniiyakan?

Bakit lagi na lamang siyang ginagawang shock absorber? Pangalawa na ito. Ang una ay si Miles.

Hindi ba alam ng mga ito na brokenhearted din siya?

Funny pero wala na siyang makapang kirot sa dibdib. Come to think of it, hindi na rin niya

gaanong naiisip si Ralph. Naalala lamang niya ito dahil nare-remind siya ng mga nangyayari sa mga tao sa paligid niya.

“I love him, Gray,” pahayag ni Grace. “I really do. Pero bakit niloko niya ako?”

Pang-ilan na nga ba ito sa mga nagtanong ng ganoon? Ang sigurado niya, kasama siya sa bilang ng mga taong iyon.

“You know what, Gray? Hindi naman talaga payatot o ulikba o flat-chested ang Monette nàyon, eh. Ang totoo, morena siya, maganda, tama lang ang bust size at higit sa lahat, s-sexy.”

Parang masakit na masakit talaga rito ang pagbanggit sa huling katangian ng babaeng inilarawan nito.

Ayaw sana niyang magpayo dahil hindi siya eksperto pagdating sa usapin ng puso. Ngunit iyon ang hinihingi ng pagkakataon. “Look, Grace, hindi natin dapat hanapan ang mga sarili natin ng kapintasan para lamang i-justify ang ginawang panloloko ng nobyo o nobya natin dahil hindi naman palaging gano’n. It’s his choice. Masakit, yes. But we have to learn to accept that.

Huwag mong abahin ang sarili mo dahil sa tingin mo ay ikaw ang may diperensiya kaya nagloko si Carlo. Gano’n yata talaga ang buhay.”

Nakita niyang wari ay napaisip niya ito. At habang ginagawa nito iyon, pinag-aralan niya ang mukha nito. Grace was pretty. Tsinita at maputi ito, may kaliitin at may pagka-chubby nga lang.

Cappuccino Kind Of Love | Claudia Santiago Where stories live. Discover now