“By the time na maibigay mo sa akin 'yon, malaki na ang interes na kukunin ko,” pilyong sabi nito. Halatang enjoy na enjoy ito sa nakikitang pagkainis niya rito.

“Hah! Ang galing mo rin naman. Tutulung-tulong ka, 'tapos, hindi lang eksaktong kabayaran ng nagastos mo ang inaasahan mo. Peròwag kang mag-alala, dadagdagan ko nang malaki ang perang ibinayad mo.” Pumasok siya sa isang tindahan na panay undergarments ng babae ang itinitinda sa pagbabaka-sakaling mako-conscious ito at tantanan na siya.

Pero sa kanyang pagkadismaya, hanggang doon ay sumunod pa rin ito sa kanya.

“I like the sound of that,” amused na sabi nito. Nakapagitan sa kanila ang hanggang dibdib na estante kung saan nakasabit ang iba’t ibang uri ng bra.

“What?!”

“Buying clothes for you.”

Napaawang ang bibig niya sa narinig. “How—”

“And mind you, my lady, I’m not talking about money as an interest here,” kampanteng turan nito.

“You are the most—”

“May I help you, Ma’am?” anang saleslady na lumapit sa kanila. “Ano po bang particular na design ang hinahanap ninyo? Marami pa po kami sa banda roon.” Itinuro nito ang estanteng nasa bandang dulo ng tindahan.

“No, thank you. I’m just looking around. Tatawagin na lang kita kapag nakapili na ako,” aniya sa saleslady.

“Ano na nga ulìyong sinabi mo?” tanong ni Zuriel nang makalayo ang saleslady.

“Ang sabi ko, you are the most conceited beast na nakilala ko!” sigaw niya.

“Ah, okay. I’ll keep that in mind,” parang wala lang na turan nito.

Inis na tinalikuran niya ito at nagmartsa palabas ng tindahan. At gaya ng inaasahan, parang tutang sumunod pa rin ito sa kanya.

Kahit noong bata pa siya ay mahina na siyang makipag-asaran sa mga kaklase niyang lalaki na walang alam gawin kundi buwisitin ang hindi palaimik na estudyanteng kagaya niya. Ano pa kaya ang laban niya sa Zuriel na ito? Mukhang kapapanganak pa lang dito ay nang-aasar at namimikon na ito.

“Will you just... back off?” nawalan na ng pasensiyang sabi niya rito.

“Not until we have a deal.”

Huminto siya sa paglalakad at hinarap ito. “Okay, out with it,” pagbibigay niya rito. Sa tingin niya, kahit sa ladies’ room ay susunod ito.

Bahagyang natigilan ito. Hindi marahil nito inaasahan ang ginawa niya. Inaasahan marahil nitong patuloy siyang makikipagtalo rito.

“Okay,” anito nang makabawi. He was wearing that mischievous smile again. “Give me one day of your precious life. Spend a day with me.”

“What?!” Medyo napalakas ang pagkakasabi niya niyon kaya may ilang shoppers na napatingin sa gawi nila. “Are you crazy?” Napagtanto niyang mahirap pala talagang pigilan ang galit lalo at si Zuriel ang dahilan ng galit na iyon.

“The last time I checked with my doctor, I’m not,” nagpakuwelang sagot nito.

“This conversation is going nowhere.” Tinalikuran uli niya ito at ipinagpatuloy ang paglalakad.

“Hey!” Hinabol siya nito. “I’m jus kidding. Masyado ka namang seryoso. Hear me first.”

Pumikit siya at nagbilang hanggang sampu. Pagkatapos ay muli siyang huminto at humarap dito.

Ngunit ilang segundo na siyang naghihintay sa sasabihin nito ay hindi pa ito nagsasalita.

Nakatitig lamang ito sa kanya. Baliw, sa loob-loob niya.

“You’re cute,” mayamaya ay sambit nito.

Inirapan niya ito.

Itinaas nito ang dalawang kamay, tila sumusuko. “Okay, okay. As I was saying, spend a day with me. I’m serious.”

Pinamaywangan niya ito. “At bakit ko naman gagawin 'yon, ha? Hindi naman gano’n kalaki ang utang-na-loob ko sàyo.”

“I have a very good reason kung bakit iyon ang hinihingi ko.”

“At ano naman ang magandang rason nàyon?”

“If you spend a whole day with me, at least, you’ll get to know me.”

“At sino naman ang nagbigay sàyo ng ideya na gusto kitang kilalanin?” Naniningkit na ang mga mata niya sa iritasyon.

“You’ll find out na hindi naman ako gano’n kasamang tao para pangilagan mo. Hindi ko alam kung bakit, but I can feel that you despise me. At hindi ko maatim na may isang taong naiinis sa akin.”

“I don’t believe this. Kung lahat ng babaeng kilala mo ay nadadaan mo sa ganitong paraan at kung lahat sila ay nagkakandarapang pumila para sa atensiyon mo, ibahin mo ako. I don’t want to know you and I don’t owe it to you or to anybody to know you. Pagpunta mo sa coffee shop, maibabalik ko na sàyo ang ginastos mo sa damit ko, plus interest. Good-bye.” Tinungo niya ang escalator.

Ngunit sa paglingon niya, nakasunod pa rin ito. “Stop following me!” sigaw na niya.

“Okay, how about half a day?” hindi pa rin sumusukong sabi nito.

“No.”

“Okay, lunch.”

“No.”

Laking pasasalamat niya nang makarating na siya sa escalator.

“Dinner then,” pamimilit pa rin nito.

Hindi na siya sumagot.

“Okay, merienda na lang,” hirit pa rin nito pero hindi na ito sumunod sa kanya.

Dead-ma pa rin siya.

“Merienda, hindi pa rin puwede.” Malakas ang tinig nito. Nasa kalagitnaan na kasi siya ng hagdan.

“No!” malakas ding sagot niya. Huli na para bawiin pa niya ang sinabi. Nagtinginan na sa kanya ang mga tao.

Shit! Siya pa ngayon ang lumabas na kahiya-hiya sa harap ng maraming tao. Geez! Isang abogado pa yata ang kauna-unahang mapapatay niya.

Naalala niya ang bilin ng Tita Susie niya kapag galit na galit siya at gusto na niyang mag-freak out. Huminto muna siya sa isang tabi. Pumikit siya, saka huminga nang malalim at nagbilang hanggang dalawampu.

But it didn’t work. It used to work before. But not anymore. O kay Zuriel lang? Patunay lamang na matindi talaga itong mang-asar at mamikon.

Damn the man!

Cappuccino Kind Of Love | Claudia Santiago Where stories live. Discover now