Forty Four: Era's Dad

Start from the beginning
                                    

"Damn Eunice, bakit mo tinago sa akin 'yon?!" Nagulat ako sa biglang pagtaas ng boses niya, lalo na nung hablutin niya ang pulso ko at diniinan iyon. "Para ninyo akong ginago, magkakilala kayo at siya pa pala ang tatay ni Era. Tangina, bakit di ko yon napansin?!" Natulala ako sa naging reaksyon niya, nagbabaga ang tingin niya. Ngayon ko lang siya nakitang nagalit. Hindi ako kumibo, hinayaan ko siyang magsalita.

"At pareho niyong alam na may anak kayo, na naging magkarelasyon kayo noon, pero hindi niyo man lang nasabi sa akin, samantalang magkakasama tayo sa isang trabaho. Puta! Nung unang pagkikita natin, bakit nag-panggap pa kayong hindi magkakilala. Gaguhan ba yon Eunice?" Nagbabaga ang mata niya nung binitawan niya ang mga salitang iyon. Ngayon ko lang nakita ang side niyang ito.

"No, hindi maganda ang naging paghihiwalay namin noon. At ang tungkol kay Era? Hindi niya talaga alam ang tungkol kay Era, kasi wala akong balak ipaalam iyon sa kanya, hindi ko nga alam kung bakit sa dami ng pwede mong maging partner sa business siya pa. Sinubukan kong wag ipaalam, pero tadhana ang kusang gumawa ng paraan para magtagpo sila. Nalaman niya lang ang tungkol kay Era nung nagpunta kaming Zubic, nakita niya kami. At hindi ko na naikailang kanya si Era." nanginginig na paliwanag ko, natatakot kasi ako sa naging reaksyon ni Arthur, grabe siya kung makatitig.

"See, ilang buwan niyo na akong niloloko, matagal niya na rin palang alam, god Eunice, magkatrabaho tayong tatlo, tapos para akong gagong walang alam. Pakshet!" gigil na sumbat ni Arthur, hindi pa rin ako makakakibo.

Hindi ko siya masisisi sa galit niya, dahil kasalanan ko din naman talaga. Galit pa rin siya pero lumuwag na ang pagkakahawak niya sa pulso ko.

"I am sorry, natakot lang akong ipaalam sa iyo." kusa nang tumulo ang luha ko nung sinabi ko iyon.

"Let's talk about it tomorrow, hindi ko masyadong kinaya ang mga nalaman ko." pagkasabi niya nun ay nagwalk-out siya at sumakay na sa sasakyan niya, mabilis na nakaalis ang sasakyan niya mula sa pinagpaparkingan. At ako ay naiwang tulala at umiiyak.

Nang wala na siya at napakalma ko na ang sarili ko ay parang hapong-hapo na pumasok ako sa bakuran at umupo sa duyan.

"May problema Hija?" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon. Si Nanay Azon. Umupo ito sa harap ko.

"Mahirap na tinatago lang yan, handa akong makinig." Suhestiyon niya na nagpalambot ng damdamin ko, may magulang pa rin pala ako.

"Nay tama po ba ang ginagawa ko." dun ko inumpisahan ang pagbabahagi ko ng bumabagabag sa akin, tapos ikinuwento ko sa kanya ang pangyayari ngayon at pakiramdam ko. Nakinig lang siya at hindi sumabat habang nagkukwento ako. Pagkatapos ko magkwento, pakiramdam ko ay gumaan ng sobra ang loob ko, lumuwag ang mabigat na dalahin ko.

"Alam mo Hija, hindi ako ang makakasagot niyan. Tanging ikaw lang talaga." nakatitig ako kay Nanay, habang sinasabi niya iyon at nakatanaw sa langit.

"Sundin mo ang magpapagaan ng loob, puso at isipan mo Hija." tumatak sa isip ko ang advice na iyon ni Nanay. Kailangan kong sundin ang maluwag sa akin.

"Matulog ka na Hija, pasasaan pa't maaayos din ang lahat. Mauna na ako sa taas ha." paalam niya na humawak pa sa tuhod ko. "Umakyat at matulog ka na rin ha." pagkasabi niya noon ay tuluyan na siyang umalis.

Tumanaw ako sa langit na wari'y nandoon ang sagot sa mga gumugulo sa akin.

Nang magsawa na ako at nakaramdam ng antok at napag-isipan ko nang pumanhik, pero hindi pa man ako nakakatayo ay nagring na ang phone ko.

"Oh god sorry Eunice." ito agad ang bumungad sa akin sa pagsagot ko sa tawag ni Athur. Hindi ako kumibo at nakinig lang sa kanya. "Sorry sa mga binitawan kong salita kanina. Nagulat lang ako." Kalmadong paghingi niya ng tawad. "Shet! I am sorry." Ulit niya. Tumulo na naman ang luha ko, pero pinigilan kong mapahikbi dahil baka marinig niya sa kabilang linya. Pakiramdam ko ay naghalo-halo na ang emosyon na tinatago ko sa nakalipas na mga araw.

All About Her (Published under Summit Media's Pop Fiction)Where stories live. Discover now