Forty Two: No More Chance

Start from the beginning
                                    

Sinakay na lang namin siya ni Arthur sa carousel at sa iba pang rides na pwede siya.

"Gutom ka na? Let's eat. Tanong ni Arthur sa akin, habang magktabi kaming pinapanood si Era na nakasakay sa parang boat na lumulutang lutang sa parang pool.

"Okay pa naman, pero baka kasi si Era gutom na." Sagot ko. Nakaakbay siya sa akin pero naiilang ako.

"Okay let's eat once she's done." Sagot ni Arthur na hinalikan ako sa pisngi na malapit sa labi ko. Kaya natigilan ako.


"COMFORT room lang ako." Paalam ko kay Arthur at Era. Lumakad na ako at pumunta sa CR. Pang-isahan lang ang CR sa nakainan namin kaya nag-antay ako ng turn ko. Ako na naman yong next, mabuti na lang at mabilis na lumabas ang sinusundan ko, kaya pumasok na ako. Umihi ako tapos nagsalamin.

Nung matapos ako ay binuksan ko ang pinto, sa bag ko kasi ako nakatingin, kaya hindi ko napansin ang lalaking susunod sa akin. At sa isang iglap ay hinila niya muli ako papasok sa loob, hindi ako makaalangal kasi nasa bibig ko ang kamay niya.

Ang bilis ng pintig ng dibdib ko, umiisip ako ng paraan kung paano ako makakatakas, hanggang sa nag-angat ako ng tingin at nakilala ang lalaki. Ewan ko kung dapat ba ako kumalma na si Sebastian ito o kailangan kong matakot.

"I missed you." He said na mabilis na humalik sa labi ko, ako naman si gaga nagpadala. Pero nung natauhan ako at naalala ang pag-alis niya ng walang pasabi ay tinulak ko siya.

"Why are you doing this?" Galit na tanong ko sa kanya.

"Because I know that you still love me. And I love you baby, hindi yon nawala at pakiramdam ko ay lalong lumalim yon nung nakita kita pati si Era." Nakangiting sagot niya. Matutuwa ba ako sa confession niya? Matagal ko tong inasahang marinig sa kanya. Pero noon yon hndi na ngayon.

"Ate you kidding me? Pagkatapos mong mawala ng mahigit isang linggo darating ka para mag-confess? Tigilan mo ako Sebastian hindi ako bata." Gigil na sumbat ko sa kanya.

"Baby, I had my reasons." nawala na ang ngiting sagot niya at sumeryoso. "That night, when I kissed you, I realized that you still have something for me, and that was my cue, para hiwalayan si Syd. Kaya ako umalis."

Natigilan ako sa sinabi niya. Kaya napatingin ako sa kanya.

"I broke up with her, nahirapan ako, pero pumayag siya. I accepted all the words she threw me, because I deserve that. I was an a*shole to leave you here, for not telling you about my past. At ang gamitin ang ibang tao para panakip butas for a long time." Malungkot na paliwanag niya.

"Pero bakit hindi ka man lang nagpaalam." May himig tampo nang sumbat ko.

"Umalis ako ng gabing yon na walang kasiguraduhan kung mapapapayag ko si Syd, she's expecting for my proposal. Ayoko sana siyang saktan, pero ikaw ang mahal ko. Believe me." Dapat ba akong matuwa sa sinabi niya.

"Umalis ako without telling you dahil ayaw kitang paaasahin. Ayaw kitang saktan. Kasi paano kung hindi siya nakipaghiwalay?" Paliwanag niya pa, pero hndi ako kumikibo.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko matapos ng mahabang katahimikan.

"I followed you, pumunta ako kanina sa inyo para magpaliwanag. Pero iba ang naabutan ko." Malungkot na sagot niya. "I'm jealous, baby tell me my nagmamay-ari na ba sa mag-ina ko? Wala na ba akong chance." Para siyang iiyak sa tanong niyang iyon.

'No Sebastian, no.' Gusto kong isatinig pero, natatakot ako. Kung siya nagawa niyang makipaghiwalay ako natatakot ako, ayokong saktan si Arthur.

"I think I was right," may luhang tumulo sa mata niya. "I deserve this, eto na siguro ang karma ko. Sige kung mas mahal mo na siya kaysa sa akin, I'll accept it, pero sana bigyan mo ako ng pagkakataon na kilalanin at makilala si Era." Malungkot na pakiusap niya.

All About Her (Published under Summit Media's Pop Fiction)Where stories live. Discover now