Pero nawala iyon nang mangako si Airleya sa kanya na iingatan na nito ang sarili niya at babalik sa Briairlaine. Alam ng Count na gusto ng anak niyang si Airleya ng huminga, matapos ang laban. Kaya naman pinayagan niya itong maglakbay sa kahit saan nitong lugar gustong puntahan.

"Siya lang naman ang humarap non, hindi niya kami isinali." wika ni Kaan, na ikina-iling na lamang ng mga kasama niya. Ano ba aasahan nila kay Airleya?

At ang tatlong iyon, nadagdagan pa ng dalawang taon hanggang sa naging tatlong taon ng hindi umuuwi si Airleya.

Sa anim na taon na walang balita sa kanya, marami ring nabago tulad na lamang sa kakambal niyang si Saina, na noong una ay hinuhusgahan pa ng mga tao sa noble council kung bakit si Iredissaina ang nanging Countess imbes ang kakambal nitong si Airleya. Nakarating kasi sa kanila kung anong klase tao si Iredissaina at para sa mga taong ito hindi nararapat kay Iredissaina ang titulo bilang Countess ng Agracia para sa kanya. Pero nang mapatunayan ni Iredissaina na mas may pakinabang pa siya kaysa sa mga taong panay ang husga sa kanya na hindi naman siya kilala ng lubusan, doon na lamang natahimik ang mga taong hinusgahan siya kaagad.

At noong araw na iyon, isang matamis na ngiti ang nakita ng mga tao sa pagpupulong na iyon, ngiti na kahit sino ay mararamdaman na hindi iyon ngiti ng isang mayuming babae. Ngiti na kayang panginigin ang buong katawan nila.

"Its been six years, kailan balak ni Airleya na bumalik rito?" tanong ni Willow kay Silver na kasalukuyang nasa plaza sila ng Briairlaine.

Makikita sa Plaza ng Briairlaine ang mga iba't-ibang kulay ng mga bandiritas at mga tunog ng mga instrumento galing sa mga taong may gagawing pagtanghal.

Isa iyong kasiyahan na parating ginaganap taon-taon sa mismong buwan ng ani nang lahat ng mga tanim bilang pasasalamat sa magandang ani na kanilang nakuha at biyaya na natanggap mula sa Diyos.

"We're talking about Airleya, kilala mo naman ang babaeng iyon. She's unpredictable, malay mo ngayong fiesta sa Plaza Briarlaine, may mangyaring himala at makita natin siya rito." ani Silver, na namimis na ang kaibigan.

"Baka naman after ten years pa siya bago niya maisipang umuwi." sabad ni Willow.

"Kung yan nga, may four years pa."

Sabay napabuntong hininga sina Silver at Willow, at in-enjoy na lamang ang araw nila sa Plaza.

"FINALLLLLYYYY!!!" matinis at masayang sigaw ni Airleya, nang maka-apak ang mga paa niya sa Ruins Hill.

Makalipas ang anim na taon, nakabalik narin siya sa paglalakbay niya sa iba't-ibang Imperyo, at sa mundo kung saan inakala niya ay tagaroon siya. Binigyan kasi siya ni Oniev ng reward, at nasa kanya na iyon kung anong reward ang gusto niya. At ang reward na gusto niya ay makapunta ulit sa kabilang mundo, kahit anong pagpapanggap niya ay namimiss niya ang mundo kung saan siya lumaki kahit pa may mga malulungkot din siya nakuha roon.

Na meet niya ang nanay niya sa mundong iyon. Na meet niya rin doon ang mga naging kaibigan niya na noong siya pa si Irene. Naging masaya ang bakasyon niya roon kahit sa maikling panahon lang. Sa sobrang ikli hindi niya namalayan na anim na taon na pala siyang hindi nakakauwi sa Agracia.

Hindi napigilan ni Airleya na hindi bumungisngis ng maalala niya ang kanyang mga kaibigan. Nasisiguro niyang pagnakita siya ng mga ito, sasakit ang katawan niya. Lalo pa't kilala niya sina Silver at Willow, literal na gulpihin siya ng mga ito. Yun kasi ang love language nilang magkakaibigan.

AIRLEYADär berättelser lever. Upptäck nu