“Ano ba talaga balak mo Lady Airleya?” tanong ng Emperor na kanina pang buntot kay Airleya, naging partner sila sa dalawang araw na pagsasama nila ngayon ay patungo na silang dalawa sa kuta nina Prince Teiran, na dalawang araw ng naghihintay sa kanila.

“Pinangako ko kay Ran, na kasama ka sa pagbalik ko. Bakit Emperor Astoru, may balak kabang tumakas?” ani Airleya sabay lingon sa Emperor na hindi inasahan ni Airleya mahilig magtanong ang Emperor na ito, parang bata na walang alam sa lahat ng bagay at bawat tanong ay dapat sagutin.

“And please shut up Your Majesty. Mas gusto ko pa yata na maging Emperor ang God of Destruction sa Agracia kaysa sa iyo na panay ang tanong minu-minuto.” sambit ni Airleya sa Emperor na hindi makapaniwalang tinitigan siya mula sa likod niya.

Casual lang kung magsalita si Airleya na para bang magkaibigan o kapatid silang dalawa.

Hindi napigilan ng Emperor na hindi bumuntong hininga. Bago napatitig sa isang harang na ilang metro na lamang ang layo sa kanila.

At habang papalapit sila sa harang na iyon, may naaaninag sina Airleya at Emperor Astoru na mga silweta ng apat na tao.

At ang apat na silweta na iyon ay kaagad na tumakbo palapit sa kanila.

“Leya!”

“Ate!”

“Air!”

Sigaw ng apat kay Airleya at sinalubong siya ng mga ito ng isang mahigpit na yakap na kaagad naman tinanggap ni Airleya at niyakap din niya ang mga kaibigan ng mahigpit.

Napangiti na lamang ang Emperor nang makita kung gaano kalapit ang lima sa isa't-isa, dalawang araw palang mula ng umalis si Airleya parang isang dekada na kung yakapin nila si Airleya dahil sa pagka-miss.

Nagtama ang mga mata nina Prince Teiran at ng Emperor na ipinikit ang mga mata saka tumango ng ulo bago ngumiti sa anak niya na kumalas sa pagkakayakap kay Airleya, ganon din ang tatlo ng makita nila ang kasama ni Airleya.

“. . .Dad. . .” tulalang napatitig si Prince Teiran, sa Emperor na nakangiti lang sa kanya, saka nilapitan ang ama niya na ibinuka ang mga braso na naghihintay siyang yakapin.

“Sorry, kung ngayon lang ako bumalik.” paghihingi ng tawad ni Emperor Astoru sa anak niya na mahigpit siyang niyakap.

“Saan ka ba nagpupunta ha? Alam mo bang hinihintay ka ni Mom, na bumalik.” wika ng Prinsipe nang kumalas siya sa pagkakayakap.

“Excuse me, sa loob na kayo mag dramahan pwede? Baka biglang may sumulpot.” biglang sabad ni Airleya sa kanilang mag-ama na hindi napigilang matawa ang dalawa.

“Ngayon na ba natin gagawin?” tanong ni Silver ng maipaliwanag ni Airleya ang huli nilang plano kung paano nila tatalunin si Ethros, hindi inaasahan nila na hindi tatagal ang laban na ito sa pagitan nila ng Diyos ng Pagkawasak.

Tumango ng ulo si Airleya, na ayaw na rin patagalin ang gulong ito sa Agracia.

“Kailangan natin pumunta sa palasyo para makaharap si Ethros at gawin ang Diyos laban sa pinili.” seryusong sambit ni Airleya.

“Wala ka naman segurong gagawin na ikakapahamak mo Air, di ba?” Tanong ni Prince Teiran, sa kanya na parang naamoy ang binabalak niya. Pero hindi niya iyon ipinakita na naamoy ng Prinsepi ang binabalak niya. Marami siyang dahilan at paniguradong kakagat sa isa sa mga naisip niya si Prince Teiran para maniwala.

“Of course not. Mahal ko pa ang buhay ko no. At gusto ko pang makasama sina Papa at Saina. So, no.” sagot ni Airleya na may paniniguro sa boses nito na wala siyang gagawin na ikakapahamak niya, pero hindi iyon kinagat ni Prince Teiran.


“Leya!” tawag ni Saina, ng makabalik siya ng mansion na nababalutan ng harang.

Mahigpit na yakap ang ibinigay ni Saina sa kapatid niya na ilang araw din niyang hindi nakita.

“Kumain ka na ba? May pinapahanda akong pagkain para sa pagbalik mo rito kung sakaling maisipan mo na sumilip man lang kahit ilang minuto.” ngumiti si Airleya dahil sa pagiging malambing at mabait na kakambal ni Saina sa kanya.

“Naka ready na ba? Gutom na ako eh. Gosh, hindi ako nabusog sa pagkain namin kanina.” ani Airleya na nakanguso pa at naghahanap na nang makakain. Hindi kasi siya na usog sa pagkain na inihanda sa kanila kanina. Kaya narito siya ngayon sa mansion naghahanap ng makakain.

Pagkarating sa dining hall, bumungad sa kanya ang maraming pagkain na nasa lamesa at naroon ang ama niya na siyang nag-uutos kung saan ilalagay ang mga pagkain na patuloy sa pagdating.

“Wow. . .! Para ba lahat sa akin ito?” nagniningning ang mga mata ni Airleya na nakatitig sa hapagkainan dahil sa mga pagkain na mistulang ginto sa mga mata ni Airleya, tinititigan pa lang niya ay naglalaway na siya. “Woah. . . I think this is my last supper.” wala sa sariling sambit ni Airleya bago sinimulan ang pagkain na nasa lamesa.

Nagkatinginan sina Count Ralphus at Saina dahil sa huling sinabi ni Airleya, nakaramdam sila ng kaba dahil sa sinabi nito.

“Leya. . . Promise us that you will come home safely.” wika ng ama niya na may takot na mababakas sa tono ng boses nito.

Nginuya muna ni Airleya ang pagkain na nasa bibig niya bago nagsalita.

“ I'm sorry, but I can't promise you and Saina na makakauwi ako ng ligtas. Baka pagdating ko rito malamig na—”

“Airleya!!” sabay na tinawag ng Count at ni Saina ang pangalan niya. Pero imbes na maapektuhan ay patuloy parin sa pagkain si Airleya.

"Huwag mong sasabihin ang mga bagay na iyan sa amin. Isa kang Briarlaine, nananalaytay sa ugat mo ang dugo ng isang magiting at mahusay na mandirigma.” sabad ng Count na namumula sa galit dahil sa hindi nagustuhang sagot mula kay Airleya.

“And a brave and skilled warrior can also die in war.” wika niya dahilan para mawalan ng imik ang kanyang ama.

“I'm good at wielding a sword and using power, but is it enough to defeat the enemy? If there is a way to defeat the enemy then someone has to sacrifice his life for the majority. . . Pero malay niyo, baka makaligtas ako.” ani Airleya bago nagkibit balikat.

Hindi alam ni Airleya na narinig iyon ni Prince Teiran, na sinundan siya na hindi niya namamalayan at klarong-klaro sa Prinsepi ang binabalak ni Airleya. Naririnig din nila sa mga oras na iyon sa tono ng boses ni Airleya na nagpapaalam na ito sa kanila.

“Aherm! Thank you sa food. I hope na makakakain pa ako nang ganitong kasarap na pagkain. Alis na ako Pa, Saina, love you.” pagpapaalam ni Airleya sa dalawa, bago ito nagteleport gamit ang air teleportation.

“Ready na ba kayo?” tanong ni Airleya na may ngiti sa labi. Tumango ng ulo ang tatlo maliban kay Prince Teiran, na madilim ang mukhang nakatitig sa kanya.

“Kung handa na, tayo na at umariba!” aniya sa excited nitong boses na parang mag ba-bakasyon lang sila sa isang excited na lugar.

At nang makatapak ang mga paa nina Airleya sa loob ng palasyo sa mismong hall kung saan nakaupo sa trono at nakangalumbaba ang God of Destruction na si Ethros, na parang walang pakialam kung nasa harapan niya na ang limang pinili ng kanyang mga kapatid para siya'y tapusin.

At sa mga pagkakataong iyon, bumalik sa alaala ni Airleya ang mga sandali na nakaharap niya si Mnoo.

__________________________________________



AIRLEYAWhere stories live. Discover now