Nag kwentuhan pa ang mga ito, at nag tatanungan na sila kung ano ba daw magandang capstone title, ang advance naman nila mag isip di pa nga kami namemeet ng prof namin sa capstone 1 eh.

Tiningnan ko lang ang orasan ko at nakitang malapit na pala matapos ang time. Ang boring pala pag first day of school, wala masyadong ginagawa.

Tuloy lang ang daldalan ng mga kaklase ko, may iba pang lumilipat ng silya para lang maki chismis at may iba ding lumalabas ng room para bumili sa canteen.

Maya maya pa ay nagulat kami ng nag takbuhan lahat ng kaklase ko sa labas papasok sa room at umupo sa kanikanilang silya kasabay ng pag tapak ng mga takong sa sahig na papalapit din sa amin. Nag si tahimik naman ang aking mga kaklase at naghihintay ng papasok sa pinto. May iba din namang nagdadaldalan pa at di nag papatinag kahit na halos tahimik na lahat ang nandito. Biglang bumukas ang pinto at niluwa nito ang aming professor na kakakita lang namin kanina. Sa isang iglap, ang mainit na atmospera ng aming room ay biglang naglaho habang tinatahak niya ang daan patungo sa harapan. Ang kanyang mga mata, nananatiling matigas at malamig, parang yelo na bumabalot sa paligid. Ngunit kahit sa ganitong pagkakataon, hindi ko mapigilang maantig sa kanyang kagandahan. Ang kanyang ilong na may sakto at tamang tangos, at ang kanyang mga labi na kulay pula ay nagdadagdag ng kagandahan sa kanyang kabuuan. Subalit, walang tatalo sa kabigha-bighani ng kanyang mga mata na kulay bughaw, para bang nakatingin ka mismo sa kalangitan.

Nagulat ako ng nakipag titigan din ito sa akin. Medyo nagtataka na din ang aking mga kaklase na kanina padin palang nakatingin sa akin. Kumulbit naman sa akin ang aking katabi.

"Nako gurl yare ka kay ma'am kanina ka pa niya tinatanong nag aattendance na, pero yong kaluluwa mo nasa bahay niyo pa ata" Sabi ni Luke na nakapagpapabalik sa akin sa realidad.

"Ms. Mercado, it seems your attention is elsewhere. I asked you to stand up." Saad ng propesora sa unahan na nakapag patayo naman sa akin.

"I'm sorry ma'am it won't happen again" Naka tungong sabi ko.

"It appears your mind might be wandering. Would you care to share with the class what you're thinking about?" Bigla naman lumaki ang mata ko sa kanyang sinabi

"Nako gurl bat ka namumula mukha kang kamatis today" Rinig kong bulong ni Gabby at automatic na napatakip ako sa aking mukha. Bakit ba ang malas ko ngayon Lord huhu.

"Regardless, I'd like you to move to the front and take a seat. Perhaps being closer will help you maintain focus on our discussion." Walang ano ano ay lumakad ako paunahan habang nakatingin pa din sa akin ang aking mga kaklase.

Sa gitnang unahan pa talaga ko napapwesto sa mismong tapat ng kanyang lamesa. Hay mas lalo pa atang hindi ako makakafocus dito.

"For those who missed my introduction in the previous class, I won't be repeating it anymore as I don't want to waste my time and yours. Feel free to ask your peers for any information you may have missed, including the class rules." Sabi niya at napatungo naman kaming lahat maliban sa isang babae na kanina pa ding dumadaldal sa may likuran.

"You're nothing but a professor, so don't act so entitled." Rinig kong sabi ng babae habang umiimik ito. Napapikit naman ako sa aking narinig.

"Gurl magdasal dasal ka na" Rinig kong sabi ni Luke sa likudan.

"Do you really want to see who you're messing with?" Saad ni Ma'am Arquilla, kinikilabutan na ako sa mga nangyayari.

"I don't care whoever the hell you are, isn't it hard to just be nice to your student for once" Sabi ng babae na hindi talaga nag papatalo

"Impudence has its consequences. And being nice isn't synonymous with being lenient. You'll learn that soon enough." Namangha naman ako sa sagot ni ma'am grabe sobrang professional niya talaga sumagot.

The Barista's Heartbeat (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon