PART 11 : The Spirit Guide

9 0 0
                                    


Pag-uwi ko kagabi ay naging tahimik ang lahat. Nakakapanibago. Hindi ako sanay dahil tuwing ginagabi ako ng uwi ay mga lumilipad na palayok o mga kaldero ang sumasalubong sa akin. Napahinga ako ng malalim. 

Ano ba nangyari sa mga tao dito sa bahay? 

Kung kahapon ay puno pa ng sermon ang bawat sulok ng bahay at buo ang loob kong alamin kung sino ang babaeng galing dito sa bahay, tila nalunok ko ang dila ko. Sa halip ay napalitan ng kaba at takot ang bawat himaymay ng katawan ko dahil sa mga kakaibang ikinikilos nina Auntie.

Nakaupo si Auntie Laura sa balkonahe at tila napakalalim ng iniisip. Si Auntie Evita naman ay hindi mapakaling paparoo't parito. Doon ko lamang naisip na mas nakakatakot pala sila kapag tahimik.

Dahan – dahan akong nagtungo sa kuwarto ko upang magtago sa natatakot na enerhiya na bumabalot sa aming tahanan.

Hindi ko mapigilang mag-isip kung ano ba talaga ang nangyayari. Ilang saglit pa ay biglang nagbukas ang kuwarto ko. Sina Jesse at Katrina iyon. Ingat na ingat silang pumasok sa kuwarto ko na wari'y mga puganteng may pinagtataguan.

"Ate Krista, saan ka ba nanggaling? May babae nagpunta kanina dito. Hinahanap ka!" Wika ni Jesse.

"Huh? Babae? Sino daw siya? Bakit ako hinahanap?" Nagtatakang tanong ko sa kanila. 

Sa pagkakaalam ko, wala naman akong pinagkakautangan o inaagrabyado. Bigla akong kinabahan sa nalaman ko.

"Hindi kami sigurado kung sino at ano  sadya niya. Mayaman siya, te. Ingglesera. Nagkasagutan nga sina Mama at yung babae kanina." Sabi naman ni Katrina.

Lumakas ang kabog ng dibdib ko sa sinabing iyon ng mga pinsan ko. Wala talaga akong makapang dahilan upang may maghanap sa akin.

"Saka may nabanggit yung babae kanina na mga ano...ahm..ano ba iyon? Basta may pulang sobre siya nabanggit, eh. Tinatatanong niya si Auntie Laura kung wala ba silang natatanggap ni isa dahil ilang beses na daw sila nagpapadala pero..."

Pulang sobre? Parang pamilyar ang bagay na iyon. Saan ko ba iyon narinig, o nakita? Muli akong humiling ng katinuan sa mga santo dahil isa pang tanong na lilitaw sa utak ko ay baka bigla na lang ako bumulagta sa sahig. Patuloy na nagsasalita si Jesse pero hindi ko na naiintindihan ang mga sinasabi niya. Nahila ng mga salitang 'pulang sobre' ang isip ko.

TAMA! Naalala ko na! Isa iyon sa mga bagay na nakita ko sa pangitain ko bago ako umuwi. Juice ko! Kinilabutan ako sa naisip ko. Pero ano ba ang meron sa 'pulang sobre' na iyon? Pinilit kong inalala ang pangitain ko tungkol doon pero bago ko pa man magawa iyon ay biglang nagbukas ang pintuan. Laking gulat namin nang sumambulat sa amin si Auntie Evita!

Inutusan niya sina Karen at Jesse na umalis gamit ang kanyang malalaki at nakakatakot na mga mata. At nang tumingin siya sa kin ay inirapan niya lamang ako saka binalibag na isinara ang pinto. Para na talaga ako aatakihin sa puso sa gulat ko. Ang nakapagtataka, hindi niya ako pinagalitan.

Humiga na lang ko sa katre at humiling sa hangin ngkahit kaunting kapanatagan ng loob.

Dala ng pagod at napakalalim na pag-iisip, hindi ko namamalayang sinusundo na pala ako ng antok.

*****************************************

Pagmulat ko ng mata ko nasa tuktok ako ng isang burol at napapalibutan ito ng napakalawak na dagat.

It Happened One Night by Freigh4urLifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon