Part 5 : The Cat Meets Dog

10 0 0
                                    


Naging mabilis ang mga sumunod na pangyayari.



Nang marinig ko ang pag-pito ng isang tanod ay nataranta na ako. Hindi ko alam kung saan ako tatakbo. Muling tumakbo yung lalaki papalayo. Sa takot kong baka hulihin din ako ng mga tanod ay agad akong tumayo at tumakbo. Wala sa sariling sinundan ko yung lalaki. At nang marinig ko ang sumunod na pito mula sa humahabol na tanod ay mas binilisan ko pa ang pagtakbo.



Naunahan ko na sana yung lalaki nang biglang hilahin niya ang ang braso ko at bigla kaming nag-iba ng direksiyon. Nakakalito ang lugar na iyon. Parang maze. Unlimited ang eskinita. At may nag-iinuman pa kaming nadaanan. Halos makagat rin ako ng aso kanina sa isang bahay na nadaanan namin pero walang pagod pa rin kaming sinusundan ng tanod na humahabol sa amin.



Slow motion. Nakumpirma kong siya nga iyong lalaki sa panaginip ko dahil sa dimple niya at malalim, misteryosong mga mata. Hindi talaga ako nagkakamali, nakaburda sa isip ko ang mukha niya. Dahil sa lahat ng panaginip ko, ang panghuli ang pinaka-kakaiba sa lahat - ramdam ko lahat ng mga bagay doon . . . ang pisikal na emosyon . . . . at malinaw pa sa isip ko ang lahat ng nangyari. Hindi ko alam kung paano. Sa dami ng mahihiwagang bagay na nangyari sa akin, kakaiba ang isang ito.



Pero sino ba talaga itong lalaking ito?



At muli kaming lumiko sa isang eskinita. Hila pa rin ang braso ko habang tumatakbo at tila mabali na rin sa higpit ng paghatak niya. Gusto ko mang tumigil pero wala ako magawa.



"Bilisan mo!" Utos niya. At ilang saglit pa ay nakalabas na kami sa madilim at nakakatakot na lugar na iyon. Wheowww...



Nasa gilid na kami ng highway at muntik pa kaming mahagip ng isang motorsiklo. May bonus pang mura sa driver.



Nasa ilalim kami ng isang LRT station. Matapos ang halos walang katapusang takbuhan, sa wakas ay nagawa naming mailigaw ang mga tanod. Hindi ko lubos maisip na mangyayari sa akin ang ganitong klaseng eksenang sa TV at pelikula ko lang napapanood - at ayoko nang maulit pa. Hindi pala malayong mangyari iyon.



Sumandal siya sa accordion door ng isang hardware shop. Hingal na hingal ang lalaki. Gaya ko ay sagad ang pagod. Natuyo na rin ang lalamunan ko. Nakakasiguro akong natunaw na rin ang kinain ko kaninang hapunan.




"That was close....Halika na... We have to go." Tumingin muna sa akin ang lalaki bago siya nagsalita muli, at saka nagulat. "Whoah! What the...Sino ka?" Halos matumba sa pagka-gulat.



"Wow ah. You're welcome, ah! Masyado naman 'to ..." Sabi ko sa kanya. Nakahawak pa ako sa dibdib ko dahil baka malaglag anumang sandali dahil sa labis na pagod. Pero nang mahagilap ko ang itsura ko sa salamin ay pati pala ako mismo ang nagulat sa imahe ko sa salamin. Mukha akong taong-grasa, amoy-kanal pa! Oh my...anyare!?

It Happened One Night by Freigh4urLifeWhere stories live. Discover now