Part 1 : The Awakening

20 0 0
                                    

Nakatayo ako sa isang madilim na lugar at unti-unting nagliliwanag ang paligid...at nakita kong nasa isang napakalawak na lugar na ngayon ko lamang nakita.



Naglakad ako at naaninag ang isang ulap ng lumang alaala noong kabataan ko. Hinawakan ko iyon at tila naging isang kumpol ng bituin na bumalot iyon sa akin.



Elementary Days.Madalas na akong kumpulan ng tukso. Sa kasamaang-palad, ako pa lang yata ang negrang nakita nila na may kakaibang kulay ng mga mata nila. Krista-negrita kung ako'y tawagin, tabang-hangin, antuking-baboy, matang-pusa, at kung minsan pati ang mga walang malay na lisa o kuto ng buhok ko ay hindi rin nila pinatawad. Hindi naman ako maitim, mapanghusga lang talaga sila. Madalas kasi akong babad sa araw dahil tumutulong ako sa trabaho sa bukid.



Halos wala akong kaibigan noon. Malas daw kasi ako, abnormal. 


Hindi ko lang maunawaan ay kung bakit sa dinami-dami ng problema sa mundo ay ako pa ang mas inuuna nilang hinaharap kesa sa sarili nilang problema. Hayyyy...


Bigla akong nabalot ng nakakasilaw na liwanag. Nasa isang kuwarto akong puno ng salamin ng may iba't ibang imahe ng nakaraan ko at ang ilan hindi ko alam kung saan at kelan nangyari. Nakayapak ako at ramdam ko ang napakapino at kumikinang sa puting buhangin. Ang bawat salamin ay tila larawang naglalaman ng aking karanasan mula pagkabata.Sa dulo nun ay isang namumukod-tanging salamin sa lahat.


Habang papalapit ako doon ay naaninag ko ang isang napakagandang babaeng tila repleksiyon ko. Napakaganda niya ngunit tila puno ng galit ang mga mata niya. Hindi ko namamalayang nasa harap na pala ako ng salamin. Hinawakan ko ang imaheng gumagaya sa akin sa salamin at biglang lumabas ang kamay mula sa salamin at hinila ako papaloob!


Sinubukan kong sumigaw ngunit walang boses na lumabas sa lalamunan ko. Tumambad naman sa harap ko ang napakaraming mga estudyante. Nasa isang napakalawak at napakalaking eskwelahan ako. Npakaraming mukhang ngayon ko lang nakita. Huminga ako ng malalim bago ako maihakbang ang mga paa kong tila napako na yata sa kinatatayuan ko.


Nagdasal ako at huminga ng napakalalim at nagawa ko ring humakbang papasok ng gate at nakipag-sabayan sa mga nagmamadaling estudiyante papasok ng eskwelahan.


Namangha ako sa ayos ng eskwelahan at sa makaluma ngunit nakamamanghang gusali nito. Maya maya pa ay biglang kumulog at napansin kong unti-unting namumuo ang mga ulap sa langit hanggang sa marinig ko ang sumunod na pagkulog mula rito. Ngunit parang wala lamang ito sa mga estudyante.


Nabalot ako ng takot at pinilit kong gumawa paraan para makatakas sa lugar na 'yun. Pero maya maya pa ay narinig ko ang nakakatakot na tawa ng isang grupo ng kababaihang hindi sumasayad sa lupa ang mga paa, at kasabay niyon ay ang pagtunog ng kampana kung saan man at nagpapadagundong ng lupa. Ang tawa nila........parang kidlat, nakakatakot.


Napakatalas ng tingin nila sa...sa...sa akin?? Oo, sa akin nga sila nakatingin.


Pero bakit naman? Tanong ko sa sarili ko.


Unti-unti na ring lumakas ang hangin at nilalagas nito ang mga dahon ng mga puno at halaman. Ang kulog ay napalitan na ng kidlat.

It Happened One Night by Freigh4urLifeWhere stories live. Discover now