Prologue

45 0 0
                                    


TEN YEARS EARLIER...


 Maaga pa lamang ay naghanda na kami ni Mamang patungong Sitio Darapidap, isang barangay sa aming probinsiya na halos tatlong oras ang biyahe mula sa barrio namin, upang  ipagamot ang pagkakaroon ko ng mahinang baga sa isang babaylan na kilala sa tawag na'Apo Baket'.



Kilala si Apo Baket  sa pagpapagaling ng mga di-pangkaraniwang sakit... sa pagtatawas... at sa panghuhula. Marami na  siyang natulungan at marami ang naniniwala sa mga hula niya. Ayon sa mga kuwento, may kakayahan siyang makipag-ugnayan sa mga espirito at diwata ng kalikasan.



Normal naman akong isinilang gaya ng ibang bata. Ngunit ang hindi normal sa tulad ko  ay ang madalas na pagpapakita at pagpaparamdam ng mga kaluluwa sa akin, madalas din akong makulong sa aking panaginip. Madalas ay kung sino ang nakikita ko ay namatay na o mamamatay pa lamang. At tuwing nangyayari nito ay ang pag-atake ng aking hika dahil hindi ko iyon kinakaya. Gustong-usto kong himatayin para hindi ko na sila makita ng matagal at malapitan ngunit mahirap, dahil pati sa pagtulog ko, naroon din sila.



Ayon sa kuwento ng Lola ko, nasa murang edad pa lang ako ng mapansin nilang may hindi normal sa pagkatao ko, kaya habang maaga pa ay maisara na ang aking 'third-eye', dahil madalas nila ako nakikitangtila nakikipaglaro at nakikipag-usap sa mga hindi nakikita at kasabay ng aking paglaki ay ang pagdami ng mga espiritung lumalapit at sumusunod sa akin. Labis na nababahala ang Mamang ko kaya naisip niyang si Apo Baket lamang ang makakatulong sa akin.



Nagtungo kami papunta sa loob ng kubo ni Apo Baket. Kinakabahan ako. Hindi ko maiwasang mag-isip ng kung anu-ano. Paano  kung mas lalong lumala ang sitwasyon ko?Paano niya ako matutulungan?



Pagpasok namin sa kubo ay tumambad sa paningin ko ang isang kuwartong puno ng mga imahe ng mga santo, mga telang katutubo ang disenyo, mga ibat' ibang laki, hugis at kulay ng mga bato at mga bulaklak – lanta man o bago. Hindi naman ganoon kadilim sa loob gaya ng inaasahan ko. Sa isang bilog na mesang yari sa kawayan nakaupo ang isang matandang babae na pangkaraniwan lang ang suot.



Sa isang sulok ay naroon naman  ang sari-saring kulay ng kandila at mga batong makikintab at mga piraso ng balat ng kahoy na may mga guhit at sulat. Aaminin ko, inisip kong isang nakakatakot na matanda ang makakaharap namin, ngunit isang kabalintunaan iyon. Bagkus, ang kaharap namin ni Mamang ay isang matandaang napakagiliw at masayahin ang mukha. Nabawasan ang aking kaba, kahit papaano.



 "Salamat at ligtas kayong nakarating dito sa Sitio. Napakalayo pa ng pinanggalingan niyo. May hika ang anak mo at —-"Napatigil siya saglit at matamangtumitig sa akin." —-isang biyayang hindi nyo matanggap. Tama ba?"Dugtong niya.



Tumango si Mamang bilang tugon. Unti-unti nang nawawala ang takot ko sa kanya dahil napalitan iyon ng pagkamangha dahil sa hula niya.



 Paano kaya niya nalaman iyon? Naisip ko.

It Happened One Night by Freigh4urLifeWhere stories live. Discover now