Part 6 : The Passenger's Seat

11 0 0
                                    

Pagkagising ko ay parang puputok ang mga ugat sa ulo ko sa sobrang sakit at ayaw ring patalo ng likod ko sa sakit. Pakiramdam ko ay parang namanhid rin ang mga binti ko dahil sa ilang beses akong pinulikat habang natutulog. Nakita ko si Ate sa kusina. Nagtitimpla siya ng gatas at saka nagluluto ng ulam.



"Kamusta na pakiramdam mo, bunso? Halika na, inumin mo na itong gatas para makabawi ka man lang ng lakas mo." Anyaya niya.



Papasok na dapat noon si Ate sa trabaho nang makasalubong ko siya sa terminal ng tricycle. Laking gulat niya ng makita niya ako sa ganung itsura ko, at ako nama'y halos himatayin sa sobrang pagod. Doo'y sinamahan na niya ako pabalik ng bahay nila.



Tumayo ako sa sofa at nakaramdam ako ng sakit ng ulo. Nahihilo pa ako. Bawat hakbang ng paa ko ay nakakaramdam ako ng sakit sa iba't ibang bahagi ng katawan ko. Naalala ko ang sugat sa binti ko, nang tigan ko ay may benda na at mukhang nilinis na rin ni Ate.



Niyakap ko nang mahigpit si Ate dahil buong akala ko ay hindi ko na siya makikita pang muli. Ang totoo, inisip kong maaring katapusan ko na kagabi pero ambait pa rin ni Lord sa akin.



"Anong oras na, 'te?" Tanong ko.



"Alas-dose na pero apat na oras pa lang naman ang tulog mo."



"Juice ko!" Halos lumundag papalabas ang mata ko sa narinig ko. Huminga ako ng malalim. "Sorry Ate, ha. Sorry, sorry talaga kung...malas pa rin ako... gaya ng dati."


"Sira, umayos ka nga. Sabi ni Mamang, walang malas diba, biktima ka lang ng pagkakataon. Kumain ka na at magpapadede pa ako kay Zach."


Pinigilan ko ang emosyon ko sa mga sandaling iyon. Wheowww....Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Ikakain ko na lang talaga ito ng bonggang-bongga.



Nagtungo ako ng lababo para maghugas ng kamay.



Ngunit isa...dalawa....tatlo...apat na hakbang pa lamang ang nagagawa ko ng naramdaman kong nanlalabo ang paningin ko. Tila nilamon ng kadiliman ang paligid. Napahawak ako sa noo ko na unti-unti, papalakas at nagpipipintig na naman. Pakiramdam ko ay nakaluntang ang mga paa ko sa lupa! Ngayon ko lang naranasan ang mga ganitong bagay kaya hindi ko mapigilang mabahala. Napahawak ako sa ref para alalayan ang katawan ko at napapikit na lamang.



Ilang saglit pa ay biglang nawala ang sakit sa noo ko. Ngunit pagmulat ko sa mga mata ko ay laking gulat ko ng hindi normal ang nakikita ko. Nakikita ko ang iba't ibang aura ng mga bagay at pati ng kay Ate at kay Zach.

Kinilabutan ako. Hindi ito maari.



It Happened One Night by Freigh4urLifeWhere stories live. Discover now