May inabot siyang sobre sa akin at nagtataka akong tumingin dito

Pabalik balik ang tingin niya sa akin pati sa sobre habang wagas na makangiti. Binuksan ko naman ito agad at nagulat sa aking mga nababasa.

Dear Ms. Aeiou Mercado,

I hope this letter finds you well. I am writing to inform you of an exciting opportunity that has arisen here at Azphyr Brews.

After careful consideration, we have decided to sponsor your school tuition fully paid, along with an additional monthly allowance. We believe in investing in our employees' futures, and we are thrilled to support you in pursuing your educational goals.

As part of this sponsorship, we would like to suggest considering Avalaria Academy, which we believe aligns well with your aspirations and offers excellent programs in your field of interest. However, the final decision remains entirely yours, and you are free to choose the school that best suits your needs and ambitions.

Please find enclosed all the necessary details regarding this sponsorship, including the terms and conditions. If you have any questions or need further clarification, please do not hesitate to reach out to your respective manager or assistant manager

Once again, congratulations on this sponsorship, and we look forward to seeing you thrive both academically and professionally.

Warm regards,

Labyrinth A.
Owner
Azphyr Brews

naluluha akong tumingin sa bestfriend ko di ko na napigilan at niyakap ko agad ang aking kaibigan ng mahigpit

"Bakit paano ako napili?" hagulhol ko dito habang siya naman eh tinatapik ang likod ko

"Wala kinulit ko lang talaga si ma'am alam kong gustong gusto mo talaga magaral" Sabi nito na mas lalong nag paiyak sakin

Pinag titinginan na kami ng aming mga customer pero hindi ko na lang sila pinansin sapagkat sobrang saya ng puso ko ngayon. Napatingin naman ako sa gilid at nakita ko ulit doon ang babaeng nakita ko kahapon. Agad namang umiwas ito ng tingin sa amin ng nakita niyang nakatingin na ako sa kanya. Sa pag alis ko ng tingin kasabay niyon ang pag ukit ng ngiti nito sa labi napatingin naman ako ulit kung totoo ba ang nakikita ko kanina ngunit mukhang guni guni lang ata sapagkat nakita ko lang itong busy na nagtatype sa kanyang laptop.

Umalis naman ako sa yakap sa aking bestfriend maya maya ay may pinakita din itong sobre na kapareho ng sulat na natanggap ko. Napatalon naman kami pareho ng marealized na hindi lang pala ako ang nakatanggap ng sponsorship.

"So my dear eyu san tayo papasok" Sabi nito habang may ngiti sa mga labi.

Parang kahapon lang problemado pa ako kung saan ako papasok dahil wala akong mapili na kakasya sa pera ko pero ngayon naman eh nahihirapan ako pumili kung saan magandang pumasok na school na masusulit ang sponsorship na binigay sa akin ng may ari ng shop na ito.

Hindi ko pa man nakikita ang may ari nito ay lubos na agad ang aking pasasalamat dito.

"Doon na lang tayo sa sinuggest ng owner, alam kong isa talaga yon sa mga prestigious na school dito" Sabi ko dito na agad napatili nito

Sobrang excited nya talaga, napailing naman ako dito habang tumatawa

"Sige na let's go back to work" Sabi niya pero bago pa ko makapunta sa kusina eh may nag abot sa akin ng panyo na ikinagulat ko. Pag tingin ko dito ay ang pagsilay ko din sa kulay asul niyang mga mata. Katulad kahapon ay may kakaiba pa rin akong nakikitang emosyon sa kanyang mga mata na hindi ko mabasa basa.

The Barista's Heartbeat (GXG)Where stories live. Discover now