CHAPTER 14 ~ Beauty ~

Start from the beginning
                                    

"Mishy, pagsalitain mo muna ang apo mo."

"Mmmm...mmm!"

"Hindi ka na mag-iingay? Promise?" tanong ni grandpie at sunod-sunod naman na tumango si grandmie.

Pinakawalan na niya si grandmie na imbis sundin ang sinabi ng asawa ay bigla na lang sumigaw ng pagkalakas-lakas na 'sorry'. Naiiling na bumalik si grandpie sa kinauupuan niya at halatang suko na kay grandmie.

"Grandmie, may kailangan akong sabihin sa iyo."

"Na hindi mo pa rin titigilan ang Claw? Naiintindihan kita. Tutulungan ka namin. Sasali ako para sa iyo. Mabisa naman ang bagong imbento ni Sage at Bree na tanggal aray para sa mga matatanda-...I mean para sa mga magaganda kaya pwede kitang samahan sa mga gagawin mo. Malakas pa ako. Kaya ko pa ngang bigyan ng kapatid sina Hurricane at Rain di ba Dale-"

"Mom!" reklamo ni mommy na napapangiwi.

"Expired na ang matres ko Hurricane Mishiella. Chusera nito. Bawal ba mag joke?" tumingin si grandmie saglit kay grandpie at kumindat. "Kahit wala namang matres kaya ko pa rin na patunayan na malakas pa ako."

Napakamot sa ulo niya si mommy habang sa tabi niya ay pigil ang ngiti ni daddy. Napabuntong-hininga ako. Bakit ba ang baliw ng pamilya ko? "Grandmie?"

"Yes, baby girl?"

"I'm quitting in a few months."

Laglag ang panga na napatunganga sila lahat sa akin. Huminga ako ng malalim at nagpaliwanag. "I was planning on using experiment department to give Waine Claw all the details I can get. Pero tinawagan ko na siya at naintindihan niya na hindi na ako makakasama para sa mga plano namin ukol sa Claw. I'm just gonna stay for a few months working on experiment department or some lower missions in field. Pinayagan ako ni Dawn as long as ang kukunin ko na lower field mission ay walang kinalaman sa Claw. Sa experiment naman pwede pero hindi ako maaaring gumawa ng aksyon na hindi aprubado ni Dawn, Triton at Freezale."

"Storm..." my mother breathed.

"I thought I need retribution to be able to move on...to have a new life. Pero mali pala ako. Lalo akong lumubog sa kumunoy na ako rin ang gumawa." malungkot na ngumiti ako sa kanila. "I don't think I can ever forget but I hope someday it will not hurt me anymore. I'm trying. I'm trying to look at the mirror and not cry. I'm trying to accept everything. Because I want to be better. For my child, for all of you...for Hermes."

Bumakas ang gulat sa mga mata ni grandmie na biglang napahawak sa kamay ko. "Hermes?"

"I'm not ready to fall in love. Pero kapag dumating ang oras na handa na ako...gusto ko na siya ang mahalin ko. I want to make him happy. I want to be happy with him. Hindi dahil lagi siyang nasa tabi ko kundi dahil iyon ang nararamdaman ko. I just hope I deserve him."

"You do."

Napatingin ako kay daddy nang magsalita siya. "You deserve to be happy at ganoon din siya. Hindi ibig sabihin na naranasan mo ang mga naranasan mo ay hindi ka maaaring maging masaya katulad ng ibang tao...o mas higit pa na maging masaya. Everyone deserves to be happy. Don't let anyone tell you otherwise."

Muli akong nagbaling ng atensyon kay grandmie nang maramdaman ko na pinisil niya ang kamay ko. "So strong..." she whispered. "More than me. More than your mother. I'm proud of you, Storm, do you know that?"

"I know now." I whispered.

Nakangiting napailing si grandmie at pinunasan ang sarili niyang luha. "Dapat ang Dale ko lang ang nagpapaiyak sa akin." binalingan niya si grandpie. "Dale!"

"Yes, baby?"

"Bigyan mo nga ako ng message. Yung nakakaiyak."

"Okay." kunway nag-isip muna si grandpie. "Mishy..."

BHO CAMP #4: The RetributionWhere stories live. Discover now