CHAPTER 14 ~ Beauty ~

Magsimula sa umpisa
                                    

Sumubsob ako sa dibdib niya at ibinuhos ang mga luhang malayang umalpas mula sa mga mata ko. Hindi niya ako binitawan. Nanatili siya sa tabi ko hanggang sa unti-unting humina ang pag-iyak ko.

"Iniwan Niya ako..."

"Sino?" bulong niya habang hinaplos ang buhok ko.

"Pinabayaan Niya ako. Pinabayaan Niya tayong lahat. Galit ba sa akin ang Diyos, Hermes? Tumutulong tayo sa mga tao. Tinataya natin ang kaligtasan natin pero bakit ganon? Bakit Niya ako pinabayaan?"

"Storm..."

"Galit na galit ako sa Kaniya. Kasi kung totoo Siya, bakit hinayaan niya ako na masaktan ng ganito? Bakit Niya tayo sinaktan lahat? Bakit kailangan na maranasan ko lahat ng naranasan ko? Bakit ayaw Niyang burahin 'tong nararamdaman ko? Bakit ang sakit-sakit pa rin?"

"Storm-"

Nagawa kong makakawala kay Hermes at tumakbo ako papunta sa bintana ng kwarto ko. Nagpakawala ako ng isang malakas na sigaw. "Pagod na pagod na ako! Tama na! Hindi Ka pa ba kuntento?! Sumusuko na ako...hindi ko na kaya...tama na..."

Hinawakan ako ni Hermes at niyakap mula sa likod. Sinubsob niya ang mukha niya sa leeg ko at mahinang nagsalita, "Hindi ka Niya iniwan."

"Y-You're lying...that's not true...not true..."

Hinarap niya ako sa kaniya at pagkatapos ay pinahid niya ang mga luhang naglalandas sa mga pisngi ko. "We all made the wrong choices. But He's trying to make it right for us. You could have died but God made sure to bring you back. Tao tayo, Storm. Nagkakamali. Pero hindi Niya tayo pinababayaan dahil kahit na anong masasakit na pangyayari sa buhay natin hindi tayo nawawalan ng taong nagmamahal sa atin."

Flashes of memories came into my mind. Waine and Matilda Claw helping me, Serenity's parents...everyone.

Hinawakan ni Hermes ang kamay ko at itinaas niya iyon sa harapan namin. "Nararamdaman mo ba ang kamay ko? Alam mo, Storm? Hawak ka din Niya. Hindi ka Niya pinabayaan kahit kailan. Dahil kahit wala ka noon nandito pa rin kami na nagmamahal sayo. Hindi ka namin kinalimutan. Hindi ka Niya kinalimutan."

Tuluyan ng bumigay ang katawan ko. Kaagad na sinalo ako ni Hermes at pareho kaming bumagsak sa sahig. Hinapit niya ako palapit sa kaniya habang hinahaplos ang buhok.

"Forgive yourself, Storm, for the things that are out of your control."

BINUKSAN ko ang pintuan sa villa na tinutuluyan ng parents ko at tahimik na pumasok ako. Lumipat na kasi kami ni Ale sa headquarters. My grandparents, Dale and Mishiella as well as my parents all immediately stopped talking when they saw me.

"Is this a bad time?" I asked.

"No, no, hija." tanggi ng lola ko. "Halika umupo ka dito sa tabi ko."

Lumapit ako sa kaniya at sinunod ko ang sinabi niya. Saglit na katahimikan ang namayani pero pagkaraan ay bigla na lamang umatungal ng iyak si grandmie Mishy at niyakap ako. Nanlalaki ang mga mata na tinignan ko si grandpie at ang mga magulang ko na naiiling na lang.

"Sorry baby girl! Gusto ko lang naman kasi na pigilan ka sa mga ginagawa mo! Manang-mana ka at ang nanay mo sa akin kaya alam ko na hindi ka basta susuko!"

"Grandmie..."

"I'm sorry! Pinagalitan na ako ng mga magulang mo at ni Dale ko! Hindi ko naman gusto na saktan ka!"

Kumawala ako kay grandmie at tinakpan ko ang tenga ko. Pakiramdam ko nabasag ang eardrums ko sa ginagawa niya na pagsigaw. Natatawang lumapit sa amin si grandpie at tinakpan ang bibig ni grandmie.

BHO CAMP #4: The RetributionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon