Kanina pa kaya ako natatakam sa pagkaing dinala niya, kanina ko pa nararamdaman yung gutom na dala-dala ko. Pakainin niya kaya muna ako bago kami tuluyang mag-usap.

Napatingin siya sa'kin at napansin niya sigurong nakatingin ako sa pagkaing dala niya kase sinundan niya kung saan ako nakatingin at nakakahiya pa dahil mukhang maglalaway na ako sa katititig sa pagkaing inihanda niya.

He slightly chuckled “You should eat first before we talk looks like you're very hungry” he stated and gave me the food. I instantly grabbed it and I noticed how amusement crossed into his eyes because of my actions but I managed to disregard 'bout what I just witnessed.

Dahil gutom ako ngayon at wala akong pakialam sa kung ano man ang sabihin niya, kung nasa isipan man niya na patay gutom ako ay...ewan isipin niya na lamang kung ano ang isipin niya.

Napatingin ako sakanya at hinihintay ko siyang umalis pero nanatili lamang siya sakanyang pwesto habang marahang nakatingin sa'kin na parang may balak pa yatang bantayan ako habang kumakain ako rito. He looks like a kid patiently waiting for his reward. 

Napansin niya siguro ang mapanuya kong tingin kaya saglit siyang nag-iwas ng tingin bago ibinalik ulit sa akin. Hinihintay ko naman ang pagbuka ng mapupula niyang labi at hindi naman magtagal ay nagsalita narin siya.

“It might be rude but I want to watch you eat your food because something bad might happen to you while you're eating” he reasoned out and turned his gaze away from me like a shy boy who just confessed his feelings to his crush.

Nagkibit-balikat na lamang ako at hindi na lamang siya inintindi at dinagsa pa ng maraming tanong dahil gusto kong unahin muna itong kumukulo kong sikmura, bahala na lamang siya kung panonoorin niya akong kumain dahil hindi naman ako isang palabas sa t.v na nakaka-exciting na panoorin dahil susubo at ngunguya lang naman ako. Nothing less, nothing more.

Hindi pa ako nakalimang subo ay napatigil ako at napatingin uli sakanya na tahimik lang na sinusundan ang bawat galaw ko, kung kanina ay hindi ako binahiran ng hiya ngayon ay meron na dahil napakaseryoso niya kung tumitig na parang isa ako sa mga papeles na inaasikaso niya na parang mahirap bigyan ng solusyon.

“Papanoorin mo lang ako hanggang sa matapos ako?” parang tangang tanong ko and I saw amusement danced in his eyes while looking at me, like what I just asked was a dumb question.

He shrugged his shoulders “Yes, and I can see that there's nothing wrong about it, you're my wife anyway” he said surely and purely.

Napatigil ako. Naiwang nakabukas ang bunganga ko dahil sa sinabi niya.

D-Did he just said m-my wife?

My wife. My wife. My wife. My wife. My wife.

Paulit-ulit ko itong naririnig sa isipan ko dahilan para tumikhim ako at tanggalin ang nakabara sa aking lalamunan, para akong mauubo at makakasakit dahil sa mga pinagsasabi ng lalaking ito.

Tumikhim ako at pilit iwinawaksi ang mga iniisip ko “Sa papel, atsaka anong kaugnayan ng sinabi ko sa sagot mo?” puno ng pagtataka kong tanong at ipinagpatuloy ang pagsubo na sana hindi ko na ginawa pa dahil hindi ko inaasahan na mabubulunan ako dahil sa susunod niyang sasabihin.

“Simple, because I love watching my wife with her amusing actions”

Agad akong nabulunan sakanyang sinabi, napatigil ako dahil sa bigla kong pag-ubo lumabas ang ilang kanin na isinubo ko pero maliit lamang iyon na siyang ipinagpapasalamat ko dahil kung hindi ay baka magkalat ito sa buong sahig.

Agad naman akong inabutan ni Stefano ng tubig at walang pag-aalinlangan ko itong tinanggap dahil baka mawalan pa ako ng hininga na siya rin namang may kasalanan kung bakit ako nabulunan.  Pabigla-bigla siya sa mga sinasabi niya, hindi manlang siya nagbigay ng kahit ano mang babala bago sabihin ang mga katagang lumabas sakanyang labi.

He looked at me intently “I'm sorry, did I said something wrong?” he asked like an innocent kid na para bang wala siyang sinabing hindi nakakatindig balahibo.

Umiling-iling ako at pilit inaalis ang nakabara sa lalamunan ko kahit na wala naman. Nagiging malamya talaga ako minsan kapag nandyan si Stefano, hindi ko alam kung bakit pero parang siya yata yung dahilan kung bakit ganito ang mga ikinikilos ko.

Hindi ako nagiging komportable kapag kasama siya, dahil may iba akong nararamdaman na hindi ko alam kung ano pero parang weird lang.

“May pag-uusapan ba tayo?” tanong ko ata agad ng ipinagpatuloy na kumain dahil baka lumamig pa yung pagkain.

Bakit hindi nalang namin pag-usapan ngayon habang kumakain ako? Para matapos narin at umalis na siya dahil sobra talagang nakakahiya at nakakailang na pinapanood niya ako habang kumakain.

Ano ako isang palabas na nakakatuwa?

“Uhm yeah but finish your food first it might shock you again”

“Bakit naman? Mamatay na ba ako?” biro ko at sinabayan pa ng pagtawa pero tahimik lamang siya.

He sighed heavily “Why? Do you want to die already?” tanong niya, hindi ko alam pero nahihimigan ko na may halong pagkainis at pagkasarkatiko sakanyang boses pero baka imahinasyon ko lamang iyon.

Napatigil ako at pagod na tinapunan siya ng tingin bago ibinalik ulit sa kinakain ko “Hindi naman sa ganun pero...” saglit akong tumigil at uminom ng tubig dahil nga nauuhaw ako, noh ba “Ganun rin naman iyon, doon din naman tayo patungo...sa kamatayan, mamatay rin naman tayong lahat kaya mas mabuti ng paghandaan na pero hindi ko muna gustong mamatay noh, may pamilya pa akong umaasa sa'kin” mahabang alintana ko.

Saglit siyang natahimik pero mayamaya ay nagsalita rin “But did you enjoy living your life?” he asked full of curiosity.

Napatingin uli ako sakanya “Hindi ko alam, pero basta tumawa ako ay nakaramdam na din ako ng kasiyahan kahit saglit lang sa buong buhay ko. At least naman yun kesa yung hindi ko manlang naranasang tumawa kahit minsan” biro ko ulit at natatawang napatingin sakanya “Kaya ikaw, bawas-bawasan mo yang pagkamasungit ko...sige ka niyan baka mamamatay ka na bukas e hindi mo pa naranasang tumawa manlang kahit minsan” pananakot ko pero tahimik lang siyang nakatingin sa akin. 

Na mukhang sineryoso ang sinabi ko kaya agad akong tumawa “Biro lang naman” tawa ko pero tahimik parin siya “Uy, biro nga lang sabi e” bawi ko at medyo hinaluan na ng pagkaseryoso sa aking boses.

“I know” tipid na saad niya “It's just...I don't smile often” he shrugged “Do you think I will die early if I don't smile?” he asked full of curiosity and that made me laugh.

Nagtataka siyang napatingin sa akin pero tawa lang ako ng tawa. Hindi ko alam na sineseryoso niya pala lahat ng sinasabi ko, sabagay naman dahil napakaseryoso niyang tao kaya siguro maraming natatakot sakanya. Hindi rin naman kase maganda kung palagi kang seryoso o isa kang seryosong tao dahil baka mamatay kang seryoso. Paminsan-minsan naman ay tumawa nalang tayo at maging masaya kalimutan ang mga problema dahil ang buhay ay hindi lang naman umiikot sa paghahanap ng solusyon sa mga problema, minsan kailangan nating kalimutan saglit ang mga ito at maging normal lang.

“Hindi naman pero parang nababawasan lang yung life span mo kapag palagi kang masungit atsaka...galit”

Tumango lamang siya at parang inililista niya lahat ng sinasabi ko sakanyang isipan, na parang itinatatak niya ang mga ito.

Kalauna'y nagsalita ulit siya “So give me a reason to smile” he said out of nowhere. Kaya napatigil ulit ako sa pagsubo. Ayos lang naman dahil malapit ko na ring maubos itong pagkain ko.

Nilunok ko kuma yung nginunguya ko bago siya sagutin pero hindi ko naman inaasahan na uulitin niya ulit yung tanong niya.

“Give me a reason to smile then” he challenged and looked at me bravely like he can't smile without any valid reason.

Aba, ano bang ipinapahiwatig niya na walang makapagpapasaya sakanya? Hinahamon niya ba ako?

Ngumuso ako at pabiro ko siyang inirapan “Bakit ka pa maghahanap” I stopped and something came up into my mind, ngumisi ako “eh nandito naman ako” pagngiti ko na siyang dahilan para matigilan siya.

Married To A Monster Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt