KABANATA 20

409 38 6
                                    

Hindi na nakaiyak pa ang karamihan sa mga bihag. Tila mga hayup na pinagkakagat ang mga ito ng mga halimaw. Sinasaid ang mga dugo, hanggang sa huling patak.

"Aling Euphem—" apat na bampira agad ang kumagat sa iba't ibang parte ng katawan ni Ambo.

"Ahhhh!" Tatlo naman kay Willy.

Nakapagbagong-anyo naman agad si Euphemia kaya kahit paano'y naihahawi nito ang daan para sa kanila nina Julia at Charisma. Kinakagat din nito at tinatabig ang mga humaharang sa kanila. May mga lumalaban, meron namang natatakot din sa kanya.

"Do'n tayo!" May itinurong direksyon si Euphemia. Sumunod naman sa kanya si Julia st Charisma.

"Mama, anong nangyayari?" salubong ni Ephraim. Nakasalubong nila ito sa gitna ng kaguluhan.

"Si Zach, nakita mo ba si Zach? Si Emma, nasaan si Emma?!"

"Doon po!" Mangiyak-ngiyak na itinuturo nito ang daan pabalik sa mansyon, "nasa plaza. Nakita namin si Senyorito kanina pero nakatakas ito kasama si aling Mimosa. Hinabol sila ni Emma, pero sa kasawiang-palad nahuli naman s'ya ng mga tauhan ni Kapitan. Nalaman na nila na si Emma ang pumatay sa anak n'ya at ilan sa mga tauhan nitong humalay sa kanya dati. Susunugin nila si Emma, Mama!" Humahagulhol na ito, "wala akong magawa Mama, napakarami nila!"

Tinampal ni Euphemia ang pisngi ni Ephraim, "tumahan ka! Halika!" Hinatak nito ang binatilyo, "puntahan natin ang kapatid mo!"

Copyright 2018 ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), All rights reserved.

"At saan naman kayo pupunta?!" hinarangan ni Dimitria at ng mga anak nito ang kanilang daraanan. "Hindi n'yo ba alam na bawal kayong lumabas dito nang buhay?! Halikayo mga anak! Paghati-hatian natin ang apat ba 'to!"

***

"Mamaaa! Tulungan n'yo ako!" Halos mapigtal ang litid sa leeg ni Emma habang sinisindihan na ang mga kahoy na nakapalibot sa tulos na pinaggapusan sa kanya. "Pakawalan n'yo akong mga hayup kayo!" Bigla rin namang nag-anyong halimaw ang mukha nito.

"Kung hayup kami, demonyo ka naman! Pinatay mo ang anak ko!" Bulyaw ng Kapitan ng barangay sa gitna ng maingay na pagsisigawan ng mga kasamahan nito sa palibot.

"Dapat lang na pagbayaran ng anak mo ang kahayupang ginawa nila sa akin!" Sigaw ni Emma pabalik. Animo'y sa demonyo na ang tinig nito. "Dapat lang sa kanya ang mamatay!"

Lalong nanginig sa galit ang Kapitan. "Buhusan n'yo na ng gasolina'yan! Silaban n'yo na ang suot na damit ng halimaw na 'yan! Ngayon na! Ngayon naaaaahhh!"

Agad namang sumunod sa utos ang mga tauhan nito.

Sumunod na umalingawngaw ang nakapangingilabot na hiyaw ni Emma habang nasusunog ito nang buhay. Napalilibutan ito ng mga taong naghahalakhakan at nangungutya.

"Zach. Anong gagawin natin?" bulong ni Mimosa sa alaga. Nakakubli ang mga ito sa dilim.

"Kailangan nating makabalik sa mansyon para makuha natin ang sasakyan." Sagot naman nito. "We need to get out of here bago mag-umaga."

"Paano na sina Charisma, si Miss Julia, si Willy at Ambo?"

Umiling si Zach, "I don't really know. But we've got to do something, somehow. Let's go, yaya...we really need to move quickly!"

***

"Wala nang mga taga-baryo rito." Sinisipat-sipat ni Zach ang labas ng gate sa harapan ng mansyon. "We have to get in the gate so we can get the car!" Maingat nitong tinawid ang kalye at inakyat ang mataas na bakod para naman mapagbuksan n'ya ng gate si Mimosa. "Halika na, yaya!" Hinila nito si Mimosa papasok.

MHST 2:  TagosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon