KABANATA 8

354 27 1
                                    


"Ay, narito na po pala kayo, Sir Zach!" Nakangiti at kakamot-kamot ang binatang nagbukas ng pinto para sa kanila. "Pasok po kayo." Mas ibinukaskas nito ang pinto para makapasok ang mga bagong dating.

Mapuwera kay Zach, napapanganga ang mga kasama nito habang pumapasok ang mga itong isa-isa sa loob ng lumang mansyon. Wala ni isa sa kanila ang nag-expect na ganito kalaki ang bahay na madaratnan nila sa gitna ng isang liblib na baryo.

"Salamat—" Sagot naman ni Zach. Ipinagpauna na nitong makapasok ang mga kasama. "—ano nga ulit ang pangalan mo?"

"Ephraim po."

"Ikaw ba ang anak nila Euphemia at Lando?"

Muling kumamot sa ulo si Ephraim, "ah eh, opo. M-maupo po muna kayo." Sumenyas ito sa iba pang mga kasama ni Zach na tila manghang-mangha pa rin sa ganda ng antigong mansiyon. "Tatawagin ko lang po si Mama para ipaalam sa kanya na narito na po kayo."

"Sige, Ephraim." Sagot ni Zach. "Maraming salamat."

Copyright 2018 ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), All rights reserved.

"Zach." Pagtawag ni Mimosa sa alaga matapos makaalis ni Ephraim, "akala ko talaga kubo lang ang tutuluyan natin dito. O ayan Willy," biglang pagbaling nito kay Willy, "mukhang ligtas na sa inyo ni Ambo ang mga puno rito. Sa laki nito, kahit magpagulong-gulong pa kayo rito sa salas, p'wede. Pero alam mo Zach," muling pagbaling nito sa alaga, "parang ang dilim naman dito." Sinuyod nito ng tingin ang mga sa palagay niya'y mga bintanang natatakluban lang ng makakapal na kurtinang kulay maroon. "Inasahan mo man lang ba na ganito kalaki 'to?" tiningala nito ang mataas na kesame, "mas malaki pa yata ito sa Quiapo Church."

Napangiti si Zach. "Ngayon pa lang din ako nakarating dito kaya hindi ko rin inasahan na ganito." Pagsingit nito. "Though sinabi naman sa akin ni Mama na komunales ng kanilang angkan ang bahay na ito."

"Maganda pero—" kiniskis muna ni Charisma ang braso bago nito niyakap ang sarili, "parang sobrang tanda na ng estilo ng mga kasangkapan at mga muwebles dito." Nahagip ng paningin nito ang isang lumang piano. Hindi kaya haunted 'to?"

"'Ayan ka na naman." Reaksyon ni Willy sa tinuran ng dalagita. "Puro ka ganyan. Tinatakot mo na naman ang sarili mo. Tapos, idadamay mo na naman kami?"

"Eh sa gano'n ang pakiramdam ko eh." Naka-irap na sagot ni Charisma. "Sa pagpasok pa nga lang natin kanina, nagsitindigan na agad ang mga balahibo ko."

"Dahil na naman saan?" sagot ni Willy, "sa mga Multo at mga Espirito na naman?"

"Hindi eh."

"Oh, eh saan? Sa Aswang?"

Natahimik ang dalagita bagaman lumilinga-linga ito na animo'y nakikiramdam. "Hindi rin." Sambit nito sa bandang huli. "Hindi ko ma-explain pero parang may kakaiba sa bahay na 'to. Hindi ko lang matukoy kung ano. Parang..." suminghot-singhot ito. "Parang amoy..."

"Bangkay..." biglang sambit ni Julia. Napatingin tuloy ang lahat sa kanya.

"Bangkay?" suminghot-singhot na rin si Mimosa at ang iba pa. "At bakit naman mag-aamoy bangkay dito?"

"Amuyin n'yong mabuti." sagot ni Julia, "amoy pinaghalo-halong kandila, lumang kahoy, moth balls, bulaklak ng patay at pormalin."

"Oo nga." Pagsang-ayon ni Charisma. "Amoy punerarya rito."

"Shhh!" Pabulong na pagsuway ni Mimosa. Tumigil nga kayo. Baka marinig pa tayo ng may-ari ng bahay, nakakahiya! Umupo na nga muna tayo." Nanguna na itong umupo. Sumunod naman ang lahat mapwera kay Zach at Julia.

Lumapit si Zach sa kinatatayuan ni Julia, "are you alright?" bulong nito sa dalaga.

Umiling ito, "I honestly don't feel good about this place. Wala ba tayong ibang matutuluyan?" bulong nito sa binata.

"I wish I can give you choices," mahinang sagot ni Zach. "Ang kaso, wala naman akong ibang kakilala rito. Wala ring malapit na hotel dito. At sabi sa 'kin ng mga kapatid ko. Ito na raw ang pinakamaganda at matinong bahay rito. Ikaw ba? Kanino ka ba nakituloy when you went here?"

"Sa kabilang baranggay ako nakituloy noon, hindi rito. Napadpad lang kami ni..." bigla itong natigilan. "Ahm...napadpad lang ako rito dahil isinama kami nung kaibigan ko na makipiyesta rito."

Napangisi si Zach. "Yung napanaginipan mo kanina. Sino nga 'yun? Si Mico? S'ya ba ang kasama mo rito noon?"

Sinulayapan muna ng dalaga si Zach sandali, bago iniiwas ang tingin. "...amh, pero nag-uwian kami kahit inabot kami ng gab—" pag-iwas nito sa partikular na tanong ni Zach.

"Nasaan ba si Mico?" pagpupumilit na makahanap ng sagot ng binata, "ba't di mo isinama with us? Ok lang naman sa 'kin kung isinama mo s'ya. By the way, who was he? Boyfriend m—"

"He's gone."

Napakunot-noo si Zach. "What do you mean by gone, naghiwalay na ba kayo"

Natagalan bago nasabi ng dalaga ang... "gone. Gone as in he disappeared."

"Disappeared where? H-how?"

Umiling ang dalaga. "I wish I know."

***

"Mabuti naman nakarating kayo bago dumilim." Ani Euphemia, matapos nitong harapin ang mga bisita. "nahirapan ba kayo sa paghahanap sa lugar na 'to?"

"Hindi naman po." Sagot ni Zach, "masyado lang po talagang napahaba ang biyahe namin dahil may mga dinaanan pa po kami."

"Ang ganda naman po nitong bahay niyo." Pambobola ni Willy. "Ang laki. Parang palasyo."

"Ah." Nakangiting reaksyon ni Euphemia, "hindi naman amin ito. Kami lang ang napagkatiwalaan ng buong angkan na pangalagaan ito dahil kami lang ang taga-rito. Diyan sa kabilang bakod talaga kami nakatira."

"So, wala po talagang nakatira rito?" tanong ni Charisma.

Nagkatinginan muna si Euphemia at Ephraim. "W-walang permanente." Sagot nito, "pag minsan lang kapag may mga bumibisitang mga kamag-anak, kaibigan o kapag may mga dayuhang nakikituloy dahil inaabot na ng takipsilim sa pakikipiyesta o," sinulyapan din nito ang asawang si Lando, "kapag naglilinis kami rito at inaabot na kami ng gabi."

"Ah..." tatango-tango si Willy, "eh di po ba kapisatahan ulit dito sa inyo? Hindi po ba kami makakasikip kung may maging bisita po kayo rito?"

"Sa makalawa pa naman ang fiesta." Pagsingit ni Lando, "At saka, nagpapatuloy lang naman kami rito kapag bakante at walang kamag-anak na naririto. Kasama n'yo naman si Sir Zach na miyembro ng aming ankan kaya ariin n'yong inyo itong bahay. Mayro'n itong walong malalaking silid na bakante. Tatlo rito sa ibaba at lima naman sa itaas. Kayo na ang bahalang mamili kung saan n'yo gustong matulog. Nalinisan naman namin ang lahat ng mga silid eh."

"Wow Ambo." Nakipag-high five si Willy kay Ambo. "P'wede raw tayong mamili. Tig-iisang kuwarto. Ilan ba tayo?" Binilang nito ang mga kasama, "anim! May sobra pang dalawang silid!'

"Ate Mimosa," biglang yumakap si Charisma sa kanang braso ni Mimosa, "tabi na lang tayo. Ayokong mag-isa sa kuwarto."

Tumawa si Willy sa naging asal ng dalagita, "totoo palang 'yung mga taong mahilig magbanggit ng nakakatakot ay 'yung mga numero unong duwag."

Tiningnan lang ng masama ni Charisma si Willy bago nito ito inirapan.

"O siya, halika na." Sagot ni Mimosa sa dalagita, "pero ok lang ba na dito na lang tayo sa ibaba? Ayoko sa itaas, siguradong mananakit lang ang mga tuhod ko sa taas ng hagdanang 'yan!" inginuso nito ang antigong hagdanan."

"Oo sige ate." Sagot ng dalagita, "kahit saan basta ayokong nag-isa." Sumunod na ito kay Mimosa.

"Doon tayo sa itaas Wilfredo!" Pagyaya ni Ambo kay Willy. Nanguna na ito sa pag-akyat. Sinundan naman agad ito ni Willy.

"Ikaw?" tanong naman ni Zach kay Julia.

Sa halip na sagutin si Zach ay bumaling ito kay Euphemia,"ahm, Tita, meron po bang may sariling banyo rito?"

"Ah, 'yung lahat ng mga kuwarto sa itaas, may sariling banyo. 'Yung dito sa ibaba, may dalawang common bathroom, may isang malapit sa mga silid, at may isa namang malapit sa kusina at dining room."

"I'll go upstairs then." Pagbaling ni Julia kay Zach, "ikaw?"

Umiling si Zach, "I haven't really decided yet."

"Ah eh, oo nga pala Sir Zach." Pagsingit ni Ephraim, "tungkol po pala sa pagkain n'yo. Ako po kasi ang itinoka ni Mama na tutulong sa inyo." Muling nagkamot ito ng ulo, "hindi ko po kasi alam kung ilan kayo bago kayo dumating at kung ano po ang mga gusto n'yo kaya kakaunti lang po ang grocery sa kusina. Wala rin po akong naihandang mga sariwang prutas at gulay pero madali lang naman pong anihin 'yun sa taniman ni Papa sa bukid. Ang meron lang po ngayon sa kusina ay mga de lata, mga pantimpla, bigas at tig tatatlong kilo ng karneng baka, manok at isda. Kung gusto n'yo po, sasamahan ko po kayo bukas ng umaga sa bayan para mamili. Medyo malayo po 'yun dito kaya kung ok lang po sa inyo, pang-isang lingguhan na po ang pamimilhin natin."

"Oo, sige, thank you." Sagot ni Zach. "Pasensya na at hindi ko kayo naabisuhan. Hindi ko kasi ma-contact 'yung numero na ibinigay ni ate sa 'kin. Kanino ba 'yun?"

"Malamang numero ko po 'yun. Ako lang po kasi ang may cell phone dito sa amin at ako rin po 'yung nakausap ni Ma'am Czarina. Ang kaso Sir, napakahina po ng signal dito. Kailangan, aakyat pa tayo sa mataas na bubungan o kaya ay sa balkonahe ng bahay na ito bago makasagap ng kahit isang bar."

"Good, at least nakakasagap pa rin naman pala." Kinapa ni Zach sa cell phone n'ya sa bulsa. "So pa'no, bukas ng umaga na lang?"

Bumungisngis si Ephraim, "bakit Sir? Hindi po ba kayo maghahapunan ngayong gabi?"

"Oh shoot..."tatawa-tawang napa-facepalm si Zach, "Oo nga pala." Napasulyap ito kay Julia na natatawa rin sa kanya. "Paano ba? Are you going to cook for us?"

"Eh Sir, marunong lang po akong mamili at manulungan sa kusina pero hindi po ako masarap magluto. Eto pong si Mama ang masarap magluto sa amin..." sumulyap ito kay Euphemia, "ang kaso Sir, may trangkaso po talaga s'ya ngayon eh."

"Ops. I don't know how to cook either." Natatawa pa rin si Zach sa sarili, "and so as yaya Mimosa. Here's a secret..." binabaan nito ang boses, "she thinks she can cook, but her cooking were actually, akh! Horrible. No wonder I was a malnourished kid before."

"Don't worry." Natatawang pagsingit ni Julia, "I can cook if you will help me prepare."

"A senyorita like you can actually cook edible food?" tiningnan ni Zach si Julia nang may pagduda. "Like yaya Mimosa's, maybe?"

Tinampal nito sa braso si Zach, "how dare you judge me."

"Just kidding." Nakabungisngis na nag-peace sign ito kay Julia.

"As a punishment for your lack of faith, I will still cook our food pero may parusa ka na."

"Anong parusa?"

"Ang sabi nila, one of the ways to a man's heart daw is his stomach."

Napakunot-noo si Zach, "so?"

"So, kapag nasarapan ka sa luto ko sa kabila ng pagdududa mo sa kakayahan ko, may bawal ka nang gawin."

"Bawal?" taas-kilay na naghalukipkip si Zach, "at ano naman ang bawal na sa 'kin?"

"Bawal!" Biglang kinalabit ni Julia ang matangos na ilong ni Zach, "bawal kang ma-inlove sa 'kin." Kinindatan nito si Zach bago bumaling sa mag-anak, "Tita...Tito... Ephraim, you may go home and rest now, bukas na lang tayo magkita. "I'll take care of us tonight." Muli nitong sinulyapan at nginisian si Zach, bago nito binitbit ang sariling bagahe upang umakyat na sa kanyang silid.

Naiwang nakanganga at nakatulala naman si Zach sa mga pangyayari.

"Naku Sir," nakabungisngis na wika ni Ephraim habang kapwa nilang pinagmamasdan ni Zach ang umaakyat na dalaga. "mukhang delikado ka ah." Biro nito. "Wag po kayong mag-alala. Ipagno-novena ko po ang kaligtasan n'yo." Bago ito humagikhik na may halong panunukso.

[ITUTULOY]

MHST 2:  TagosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon