⚜️CHAPTER 7⚜️

Start from the beginning
                                    

"Wag mo na sana mabanggit kay Lola amparo. Ayaw ko siyang mag-alala pa para sa akin. Hindi kasi ako umabot sa interview ng renewal ng scholarship ko kaya hindi na ako napasali sa listahan ng scholarship grants this school year."

"Ano? Papanong hindi ka umabot eh kung sa tutuusin napakaaga mo nga umalis kanina. Kahit siguro isang oras ka mahuli ay aabot at aabot ka pa, kahit pa nga traffic. Teka, huwag mo sabihin na naglakwatsa ka pa? O di kaya may mineet up kang barkada mo o kaya naman syota mo."

"Sira ulo." Sabay lamutak ng mabilis sa buong mukha ni Antonette. "Anong pinagsasabi mong syota eh sa dami na nga ng problema ko sa buhay, tingin mo dadagdagan ko pa talaga?"

"Kung sa bagay tama ka. Problema nga talaga yang mga syota, tyaka gastos din yan. Lalo na ang kuripot mo pa naman. Magugutom syota mo sayo." sabay tawa naman ni Antonette sa sagot niya.

"Lakas talaga ng saltik mo, Antot."

"Pero maiba tayo, bakit ka nga kasi hindi umabot?"

Lucas simply heaved a sigh. Ayaw na talaga sana niya balikan pa ang kamalasang naganap sa kanya sa araw na ito ngunit alam niyang di rin naman siya titigilan ni Antonette sa kakatanong kung di niya ito sabihin sa kanya.

Sa huli, wala naman na nagawa si Lucas kung hindi ang sabihin ang lahat ng nangyari sa kanya sa araw na ito.

"Ano? Akala ko ba problema ang mga syota? Siguro chicks 'yong babae 'no, kaya mo tinulungan?!" galit pa ngang sagot ni Antonette sa kanya matapos marinig ang buong kwento.

"Hoy, gano'n na ba talaga ka-cheap tingin mo sa akin Antot? Actually, pareho kayo ng sinabi sa akin ni boss Ray."

"Oh sino nanaman yang boss Ray na yan?"

"Siya yung amo ko diyan sa Cafe. Inisip din niya na kaya ko tinulungan yung babae kasi chicks nga siya. Well, oo maganda siya. Aminado ako doon. Pero hinding-hindi ko iisiping ligawan ang ganong klaseng babae. Ubod ng arte. Nakakabanas kasama."

"Talaga lang ha. Baka lamunin mo din yang sinabi mo."

"Ha! Bibigyan kita ng sampung libo kapag nagkaroon ako ng ganong klaseng syota."

"Sampung libo, eh ang kuripot mo nga! Tignan mo nga to, five hundred lang binayad mo sa akin sa dami ng nilaba kong damit mo."

"Tumpak! Kaya impossible na magkakasyota ako ng ganong klaseng babae, Antot!"

"Sana lang hindi talaga bumalik sa iyo yang sinabi mo. Mapaglaro ang tadhana, kasoy. Minsan yung di mo pa inaasahan, yun pa ang nangyayari sayo."

Sa tono ng pananalita ni Antonette na tila bigla nalang naging seryoso at bahagyang natigilan si Lucas. Hindi rin niya maipaliwanag sa hindi masabing paraankung bakit parang tila ba may kakaibang hangin na umihip sa kanya.

Agad siyang napaisip sa sinabi ni Antonette ngunit mabilis naman niya itong iwinaksi dahil alam niyang wala naman itong dapat na impact sa kanya.

Natapos ang araw ni Lucas na may kahit papanoy munting saya. He had a hope that tomorrow will be a brighter day unlike today.

Makalapis ang isang araw ay tinawagan ni Sir Ray si Lucas upang pakiusapan na pumunta siya ng maaga sa cafe at pansamantalang magbantay nito bago ang schedule niya na itutor ang pamangkin nito.

Bagama't hindi na ito kasama sa trabaho ni Lucas ay hindi naman ito tinanggihan ni Lucas. Malaki ang pasasalamat niya sa kanyang boss dahil sa pagtulong nito sa kanya. Isa na rin siguro sa dahilan na naging tulay din si Sir Ray para makilala ni Lucas si Sir Jude na siyang nagoffer ng scholarship grant sa kanya.

Sa muling pagbangon ni Lucas ay bitbit niya ang pag-asa na sa bagong araw na ito, puro positive vibes lang ang darating sa kanya.

He made it to work early. Halos sabay pa nga sila ng kanyang boss na si Ray sa pagbukas ng cafe. Inasahan naman ni Ray na talagang maaga si Lucas but what he didn't expect was Lucas was too quick to adapt the task na inassign sa kanya ni Ray.

Mabilis matuto sa trabaho si Lucas at kung ano bilis niya matuto ay ganun din kabilis at pulido ang serbisyo niya sa customers. Isang malaking puntos sa amo niyang inoorbserve pa rin siya.

Lucas had nothing in mind but to work and earn for his school fees. Ibinaon na niya sa limot ang pagkakatangal niya bilang isang scholar at ang dahil kung bakit. Ngunit sa di niya inaasahan ay tila ba may sumpa ang isinambit ni Antonette sa kanya.

Hindi na nga namalayan ni Lucas ang oras dahil abala siya sa pag-aayos ang mga upuan na nakataob sa mesa. Lucas made the initiative to clean the place despite not being asked by sir Ray.

Ang rason naman ni Lucas ay dahil wala naman siyang gaano pang ginagawa ay sinamantala na niyang maglinis sa loob kahit papano.

Ilang oras na rin ang lumipas nang magsimula siya mag-isip ng pwedeng gawin sa loob. May mga naging maagang customers na rin si Lucas at kahit papaano'y nageenjoy naman siya sa ginagawa niya.

Pansamantala lang si Lucas na magbabantay sa araw na ito pero parang gusto na niya magtrabaho sa Cafe araw-araw. Hindi naman ganon gaanong kabigat ang trabaho ngunit kailangan pa rin hindi tatamad-tamad.

At habang naglilinis nang isang gamit na table si Lucas sa loob ng Cafe, ay bigla na lamang may pumasok sa loob na pumukaw ng kanyang attensyon.

Grupo ito ng mga kabataan at hindi sigurado si Lucas kung studyante nga rin ba sila sa Montecillo University. May iba sa kanila kasi ay parang hindi naman mukhang estyudante pa.

Halo-halo ang mga taong nasa grupo na pumasok sa loob ng Cafe. Habang nag-iisip si Lucas kung kakayanin ba niya mag-isa na iaccomodate silang lahat ay may babaeng mahaba ang buhok at balingkinitan ang katawan na lumapit kay Lucas.

"Hello, we're here for the reservation we made a few days ago?" bungad nito.

Reservation? Agad na tanong ni Lucas sa sarili. Wala kasi siya matandaan na habilin ni sir Ray sa kanya tungkol sa reservation. Ang pagkatanda lamang niya ay magbabantay lamang siya ng cafe hanggang sa dumating na yong regular staff nila.

Ngunit sa pagkakataong ito'y mapapasabak pa si Lucas ng di niya inaasahan. "Ah sige po man, ganito, upo po muna sila sa mga chairs, i'll confirm the reservation lang po kay sir Ray." sagot naman sa kanya ni Lucas ng malumanay.

Napangiti naman ang babae at tumungo sa upuan kung saan ay bigla niya kinausap ang mga kasama. Habang si Lucas naman ay medyo nababahala dahil sa

At ang tanging bulong lang ni Lucas sa sarili ay, "Nalintikan na, Antot. May kambal atang sumpa sinabi mo."

"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
MU Series: The Social Media PrincessWhere stories live. Discover now