⚜️CHAPTER 7⚜️

3 0 0
                                    

MATAPOS matawag ni Lucas ng secretary sa loob ng dean's office, ay hindi rin nagtagal nang matapos ni Lucas ang interview at scholarship exam sa Montecillo University. Halos buong araw nga rin ang inilagi ni Lucas sa pageexlore sa buong University pero napagtanto niya na kulang pa rin ito kung tutuusin.

Kung kaya naman ay ginabi na si Lucas ng makauwi na siya sa kanila. Inabisuhan din naman siya ng secretary ng dean na tatawagan na lamang siya sa resulta ng scholarship exam niya.

Nang makauwi si Lucas ay sinalubong siya ng realidad ng kahirapan. Ngunit hindi na ito bago kay Lucas. Sa loob ng nineteen years na paninirahan dito, ni minsan ay hindi naisip ni Lucas na magreklamo.

Dahil kahit na laki sa hirap ay hindi naghikahos si Lucas sa pagmamahal at aruga ng kanyang lola Amparo.

"Lola? Antot? andito na ho ako." tawag ni Lucas bungad pa lang ng pintuhan nilang gawa sa tabla ng plywood. Medyo luma na rin ito at tanging lock pa nga ay isang pako na ikinalwit pa ni Lucas.

Mabilis naman siya binato ng bagong labang brief niya kaniyang kababatang babae, "Antonette ang pangalan ko at hindi Antot. Apaka walang hiya mo talaga, kasoy!" pang-asar ni Antonette sa kanya na muling itinuloy ang mga damit ni Lucas at lola Amparo na kanyang nilabahan.

"Pareho lang naman 'yon! Ikaw nga kasoy tawag mo sa akin eh nagreklamo ba ako?" sambit ni Lucas sabay lapag ng brief niya sa may basket ng itinutupi ni Antonette. "Siya nga pala, heto pala bayad ko sa labada. Salamat Antot ha," Saad ni Lucas sabay abot ng limang daan.

"Ang barat mo talaga kahit kaila, kasoy. Kulang pa nga to pambili ng sabon, powder at fabric conditioner, wala ka man lang idinagdag kahit pambili ng milktea!"

"Aba, nagcocomplain ka pa talaga, ako nga 'di kita sinisingil sa pagtira at pagkain mo dito." biro pa ni Lucas sa kanya.

"Sinusumbat mo na sa akin yan?" reklamo ni Antonette.

"Syempre hindi. Kaya nga binilhan na kita ng milktea." Sagot ni Lucas sabay kuha ng binalot niyang milktea mula sa Cafe na pagtratrabahuan niya simula bukas. Binigyan kasi siya ni Ray ng isang milktea dala na rin siguro ng awa niya kay Lucas dahil sa mga sinapit niya ngayon.

Ngunit hindi ito ininom ni Lucas, sa halip ay iniuwi niya ito upang ibigay sa kababatang si Antonette dahil alam niyang paborito ni Antonette ang milktea.

Gaya nga ng inaasahan, nabura agad ang simangot sa mukha ni Antonette sa pagkakuha niya ng milktea. Mabilis niya rin itong nilagyan ng straw at agad na ininom.

"Uy, ang sarap nito, kasoy!" Mabilis namang komento ni Antonette matapos tikman ang milktea na dala ni Lucas.

"Syempre, galing yata 'yan doon sa cafe na tapat ng Montecillo University." buong ngiting pagsagot ni Lucas sa kanya.

Napalaki naman ang mata ni Antonette nang bigla na lamang niya narinig ang Montecillo University. "Hoy, diba 'yon yung university ng mga mayayaman?"

"Oo,"

"Anong ginagawa mo doon?"

"Nagapply ako diyan sa Cafe kung saan galing yang iniinom mo. natanggap ako magpart time doon plus pinagtututor din ako ng pamangkin niya. Kaya makikisuyo muna ako sayo Antot kung pwede mo tignan si Lola para sa akin."

"Wala naman problema sa akin 'yon, kasoy. Kaso diba scholar ka naman? Bakit kailangan mo pa magpart time eh funded naman schooling mo plus may allowance pa silang binibigay sayo?"

Saglit na natigilan si Lucas. Hindi siya sigurado kung dapat pa na sabihin niya sa kaibigan ang sinapit niya. Ngunit sa huli ay narealize ni Lucas na dapat lang na hindi niya ito ilihim sa kanila, lalo na sa kaibigan.

MU Series: The Social Media PrincessWhere stories live. Discover now