⚜️CHAPTER 3⚜️

66 2 4
                                    

"WHAT?!"

Napasigaw si Mona sa sobrang gulat nang malamang kailangan pa pala nila ulit sumakay pa ng isang beses bago makarating sa SM North.

Pagod na ang mga paa niya, higit sa lahat ay hirap na siya makipagsiksikan pa sa mga tao.

"I seriously can't believe you made me walk!" hirit pa niyang reklamo sa binata.

Gustuhin man siya pagsabihan ng binata ay pinigilan na lamang niya ang sarili niya. This guy seemed to be the type who was not used scolding anyone, particularly women. He had no other choice but to endure the girl's rants until they could get to her destination.

Though at some point, may pagsisisi na mababatid sa mukha ng binata sa pagboluntaryo niyang tulungan ang dalaga, ngunit dahil andito na siya ay wala na siyang magagawa pa kung hindi ang tulungan ang dalaga kahit pa ubod ito ng kaartehan.

Matapos sumakay ulit ng tren ay ang mga overpass naman ang sinunod na tinahak ng binata at ni Mona. Di lingid sa kaalaman ng binata na dito masusubok ang sukdulan ng kanyang pasensya.

Patience is a virtue, kahit tila sugo ng kadiliman ang babaeng ito!

Iyan ang paulit-ulit na isinasaisip ng binata habang tinatahak nilang dalawa ang kahabaan ng mga overpass patungong SM north.

"Can we just cross the street there already? SM north is just that way na oh!" Reklamo muli ni Mona.

Kinalmahan muli ng binata ang sarili habang pinapaliwanag niyang, "Miss, hindi tayo puwede nalang basta tumawid. Kaya ginawa ang overpass na to para di tayo mag-cause ng additional traffic at aksidente sa mga humaharorot na sasakyan. Isa pa, pwede tayo niyan mahuli for jaywalking."

Nang marinig ni Mona iyon ay wala na siyang naisip na isabat pa sa binata. agad niyang naunawaan na tama nga naman ang binata sa sinabi niya. Ngunit katwiran pa rin ng dalaga na pagod na siya at sobrang stressful na sa kanya ang patuloy na paglalakad.

Sa patuloy na paglalakad ng dalawa sa mga overpass ay di ubod akalain ni Mona na masusubukan nanaman ang tatag ng kanyang loob. Habang pababa ng overpass, bigla na lamang may humablot ng purse ni Mona.

Agad namang natulala si Mona na tila ba bigla siyang nagmistulang bato. Nakatayo lamang siya at nakatitig sa batang babae na humablot ng kanyang purse.

Mabilis naman na umaksyon ang kasamang binata ni Mona. Laking gulat din ni Mona ng iwan ng binatang lalaki ang backpack niya kay Mona upang habulin ang bata.

Napamangha bigla si Mona nang masaksihan ang pagslide ng binata sa barandilya ng napakahabang hagdan pababa. At ang mas pambihira ay bigla itong tumingil at agad niyang tinalon ang limang hakbang pababa upang lundagan ang batang babaeng humablot ng purse ni Mona.

Agad naman hinablot ng binata ang batang babae upang iiwas na madaganan niya ito ng tuluyan. Sa halip, agad niyang iningatang sinakloban ang bata gamit ng dalawang braso niya upang hindi siya makawala bago sila tuluyang matumbang dalawa sa sahig.

"Ah...sir, okay ka lang ba diyan?" ang sigaw naman ni Mona mula sa itaas ng hagdan.

Nang masimula nang magtingingan ang mga ibang dumadaan sa overpass ay dagli-dagli na umayos ang binata mula sa pagkakahiga kasama ng batang babae.

Mabilis naman na itinaas ng binata ang kamay niya upang bigyan ng thumbs up si Mona. Matapos ay agad na niya pinatayo ang bata upang harapin ito. Hingal na hingal pa ang binata ng simulan niyang kausapin ang batang babae, "Masama ang magnakaw. Kebata-bata mo pa nagnanakaw ka na."

Dala ng sobrang takot ay bigla nalang umatungal ang batang babae na tila ba asa pitong taong gulang na ang itsura. Nakasuot ito ng bistidang napakarungis. Hindi rin nasuklay ang mala-tanso niyang buhok. At higit sa lahat ay kapansin-pasin na ubod ng payat ang bat ana tila ba hindi napapakain ng husto.

MU Series: The Social Media PrincessNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ