⚜️CHAPTER 2⚜️

49 2 4
                                    

Could this be what they call love or infatuation? Mona asked herself as she stood frozen in front of the boy. She was gawking at his sexy physique.

Kahit kasi nakapolo shirt paired with a tight black jeans lamang ang binata ay bakas sa katawan niya ang pagiging matipuno. And Mona's lowering jaw could attest to that. Unti-unting napanganga si Mona sa gandang lalaki ng binata.

"Miss, sasabay ka ba? kailangan pa kasi natin bumili ng ticket." Bigla namang sambit ng binata na nagpabalik kay Mona sa realidad.

Nang mahimasmasan siya ay doon lamang napagtanto ni Mona na matagal na pala siyang nakatunganga sa harapan ng binata.

Agad naman sumagot si Mona ng, "Oo sasama ako sayo." Na siya namang ipinagtaka ng binata.

"Huh?" laking gulat ng binata sabay kamot sa ulo.

Nang marealize ni Mona ang sinabi ay agad naman nitong binawi ang sinabi at tiyaka niya pisigundahan ang una niyang sagot sa binata, "Ibig kong sabihin, sige sasabay nalang ako sayo."

"Nako miss, okay ka lang ba talaga? Baka lang kailangan mo na tumawag sa inyo para masundo ka nila."

Mabilis naman pinakita ni Mona ang cellphone niyang wala ng baterya. "Hindi ko kasi memorize ang contact number ni Dad or mang Ruben. I'm really lost right now."

"Sa messenger o email, baka pwede mo sila ireach doon?"

"My dad and mang Ruben are so old-fashioned ni hind inga marunong gumamit ng facebook ang mga 'yon eh." Buong arteng sagot ni Mona. Nasundan pa ito ng muli siyang umiyak sa harapan ng binata.

"Uy teka, wag ka umiyak baka isipin pa nila dito eh may ginawa ako sayong masama." Pakiusap naman ng binata sa kanya. Agad naman niya itong sinundan ng tanong sa dalaga, "Saan ka ba papunta? Tulungan nalang kita makarating doon pero kung di ka comfortable na samahan kita, kahit sa pinaka-malapit na police station na lang kita dalhin para makahingi ng tulong. At least doon sigurado kang hindi ka mapapano. And it's a relief for me na doon ka rin iwan."

Napatingin si Mona muli sa binata. Her whole surrounding abruptly stops for the second time around. A sappy music that only she could hear begins to echo in and out of her ear as her eyes gaze upon him.

Napatulala siyang muli habang patuloy na nagsasalita ang binata. The last two sentence he said made her chest flutter and her stomach aching as if butterflies where in much craze to spread out.

He just said he'd be relieved to find me safe. Mona thought to herself. Hindi na rin maipinta ng dalaga ngiti sa kanyang mukha na siya namang muling ipinagtaka ng binata.

Sa isip naman ng binata ay tila may halong pagsisi na ito dahil tila ba may saltik na ang dalaga sa mga pinaggagawa niya. Kanina lamang ay umiiyak ito, ngayon naman ay bigla na lamang siyang nangiti.

"Miss?"

"Ah ano yun?"

"Sa dami ng sinabi ko ano lang yun ang tanong mo?" napabugtong hininga ang binata sa mga kilos ng dalaga. Hinabaan na lang niya ang kanyang pasensya at mukhang kailangan ng dalaga ang kanyang tulong. Iniisip nalang binata, mabuti ng siya ang magtiyagang tumulong sa kanya kaysa ibang tao na pag-isipan pa ng masama ang dalaga sa huli. Hindi maaatim iyon ng konsensya niya.

"Ah, eh...Sa SM North. Papunta dapat ako sa SM North kasi may fan meeting ako doon." Biglang sambit ni Mona na ikinataka naman ng binata.

"Fan meeting?" tanong lamang niya.

"Oo, fan meeting."

"Artista ka?"

"Well, not technically artista, but I'm a vlogger."

"Ah vlogger. Sikat na vlogger ka?"

"Yes."

"Interested ako sa mga makabuluhang content vloggers online. Mahilig din ako manood ng mga ganyan eh. Ano naman content mo?" tanong ng binata.

And Mona proudly answered, "My lifestyle, my fashion, my school life basta everything about my life."

Natameme ang binata sa sagot ni Mona, ayaw niyang maging masama sa dalaga dahil tila masyadong mahangin ang dating ng pagkakasabi ni Mona sa kanya. Pinili na lamang ng binata na itikom ang bibig niya upang hindi masaktan ang kalooban ng dalaga.

Halos pilit namang inintindi ng binata ang sitwasyon ng dalaga. Mukhang wala na rin naman siyang choice kung hindi ang tulungan ito, kaya naman nagboluntaryo na lamang ang binata na bumili ng kanilang ticket.

Hindi naglaon ay sumakay na ng tren ang dalawa.

Ang hindi lamang inaasahan ni Mona ay ang siksikan sa pagsakay na halos maapakan na ang kanyang bagong bili na Balenciaga sneakers. Ipinikit na lamang ni Mona habang iniinda ang sakit ng kanyang paa sa buong byahe.

At dahil sa siksikan din sa loob ay buong inis ng dalaga na hindi man lang siya nakaupo sa loob ng tren. Hindi rin siya makakapit sa mga train straps dahil sa kanyang bansot na height.

Nang biglang umandar ang tren ay halos di mabalanse ni Mona ang kanyang tayo. Nang asa puntong bumabangga na siya sa mga katabi at nakakalikha na ng masasamang tingin mula sa kanila ay agad siyang hinila sa kamay ng binata, "Kapit ka muna sa akin, mahaba-habang byahe pa ito."

Mabilis naman itong sinunod ni Mona. At habang asa byahe ay hindi maiwasan na kumabog ang dibdib ng dalaga habang nakahawak sa braso ng binata.

Her palms could measure his natural biceps and it was as if a different sense of electricty has been coursing through her veins which triggers the palpitation inside her chest. Ang di napapansin ng dalaga ay kanina pa pala nakatingin ang binata sa kanya habang siya naman ay nagmumuni habang nakangiti.

Nagtataka man siya kung bakit parang may sayad ata ang dalaga sa pabago-bagong ng mga kilos nito'y hindi na lang niya masyadong pinansin pa. Kung mayroon man ibang bagay na napansin pa ng binata sa kanya ay ang kanyang mala-anghel na mukha.

Mabilis na nilihis ng binata ang kanyang mga mata bago pa ito mapansin ng dalaga. Hindi rin niya lubos maisip na magiging ganito ang tagpo nilang dalawa habang asa loob ng tren. Siksikman ng tao ay pareho nilang pakiramdam na para bang sila lang ang asa loob.

Kung kaya naman ang inaakala nilang napakahabang byahe ng tren ay bigla na lamang natapos nang muling nagsalita ang babaeng nagvoice-over sa tren na asa Cubao Station na sila.

"Andito na tayo." Saad ng binata sa kanya.

Agad naman natuwa si Mona nang marinig ang sinabi ng dalaga. "Asa SM North na tayo?" tanong pa nito.

"Ah, hindi pa. Sasakay ulit tayo ng MRT naman pa-SM North." Sagot naman ng binata sa kanya.

Napanga-nga na lamang si Mona habang di makapaniwala matapos siyang sumagot ng pagkalakas-lakas sa binata ng, "WHAT?!!" 

Napanga-nga na lamang si Mona habang di makapaniwala matapos siyang sumagot ng pagkalakas-lakas sa binata ng, "WHAT?!!" 

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
MU Series: The Social Media PrincessWhere stories live. Discover now