⚜️CHAPTER 5⚜️

17 0 0
                                    

[MONA]

A few days ago...

"Hello, Monakidz! Welcome to a new day with me here in my vlog!" Bungad ni Mona sa kanyang vlog pagkababang-pagkababa ng pink Sedan premier sa parking lot ng Montecillo University.

Ngunit hindi pa man din siya nakakalayo mula sa sasakyan ay bigla na lamang siya tinawag ni mang Ruben, "Miss Mona?" na tila bay exaggerated pa ang pagkakatawag nito, dahilan para madistract si Mona sa kanyang sasabihin sa vlog.

Nang mapalingon siya kay mang Ruben ay batid sa mukha ni Mona ang pagtataka bakit bigla na lamang humabol si mang Ruben sa kanya.

Samantala, halos hingal naman si mang Ruben ng sabihin niya kay Mona, "Muntik ko makalimutan, uuwi nga pala ang daddy mo this weekend, for sure hahanapin ka no'n, kaya i-clear mo na sana schedule mo."

Mabilis naman inirapan ni Mona ang sinabi ni mang Ruben sabay papusturang maldita na nakapatong ang kangyang kanang siko sa may likod ng kanyang kaliwang kamay.

"As if that's anything new, mang Ruben. If I know, uuwi lang naman si daddy as usual para sa akin ibato ang problem niya for this poor country." agad din katwiran ni Mona.

Mang Ruben simply shook his head. Alam na niya ang ugaling ito ni Mona, kung kaya alam na rin niya kung papaano sasagutin ang dalaga.

"Still, daddy mo pa rin siya, and minsan na lang din kayo magkita so kailangan mo pa rin umuwi. Hindi ko rin kasi maintindihan bakit kailangan ikulong pa kayo sa university na to on weekdays kung pwede naman kita ihatid-sundo." muling paalala sa kanya ni mang Ruben habang nakatanaw sa mga naglalakihang buildings ng Montecillo University.

"Don't bother, mang Ruben. There are some things that your small head could never understand even if I explained it to you. Masasayang lang oras ko na dapat ginagamit ko for vlogging."

"Oh, basta, umuwi ka this weekend."

Mona just heaved a defeated sigh. She knew that at the end of this discussion ay kailangan pa rin niya makipagkita sa kanyang daddy.

Following this, Mona replied, "Yeah, whatever," sabay hampas sa kanyang mahabang buhok na muntikan ng humampas sa mukha ni mang Ruben.

Rumampa na ang dalaga patungo sa Cafeteria ng Montecillo Univerisity, kung saan ay magkikita-kita silang muli ng mga kaibigan niyang super popular na elite girl group sa buong campus, ang PAKGURLS.

Umpisa rin ngayon ng bagong school year sa Montecillo University kung kaya naman ay hindi pa gano'n kaabala ang mga studyante. Most of them ay abala pang naghahanap ng mga assigned classroom sa mga naglalakihang school buildings ng buong University.

May iba naman ay hindi pa tapos magpaenroll at magdrop ng kani-kanilang subjects. At syempre, meron ang tulad ng grupo nila Mona, na agad tumatambay sa Cafeteria ng school just to show off and make the whole place their glamorous runway.

Sa pagpasok ni Mona sa malaking Cafeteria ng campus ay agad na niyang tinignan ang buong first floor ng Cafeteria. Halo pa ang studyante sa floor na to pero mostly ng andito ay ang mga bronze tiers.

This University is known for having three major tiers for students, known as Gold tiers, Silver tiers, and Bronze tiers. Each tiers comes with different privileges for the students during entire schooling in Montecillo University.

For a gold tier student like Mona, she enjoys the privilege of having a spacious dormitory inside the campus, express lanes and easy access to some establishments that would need VIP passes.

To be able to experience being a gold tier student like her, your family must be able to afford donating at least eight million pesos annually. Something that was like a piece of cake for Mona's family given the way that she came from the rich family of the Nazaretta.

MU Series: The Social Media PrincessWhere stories live. Discover now