11[INTRAMURALS]

12 3 0
                                    

Kanina pa kami dito paikot ikot kasi tapos na naming puntahan ang boutique clothing na siya namang nilibre ni Sugar mama na si Iris pano ba naman Mall nila to pero grabe siya 'di niya parin alam saan kami pupunta anak ng tinapa.

Habang naghaharutan kaming anim ay ito namang pagkahinto ko na ikinataka naman nila.

"Huy! Ibi ano? Tunganga ka nalang ba jan?" manahimik ka ris please lang ang ingay mo.

"Huwag kang maingay dai! Panira ka may tinitignan akong maigi shh ka lang malapit siya satin." If y'all are wondering why pinapatahimik ko sila ay dahil sa lalaking nakapila para bumili ng ticket for cinema, at familiar siya ha kaya ito kinatitigan ko.

Umabot naman kaming sampung minuto sa kinatataguan namin dahil sa haba ng pila, grabe ang kukulit at ang gugulo nila sabi kong manahimik e. Nang nakausad na nga yung lalaki sa pila, ay siyang pagkagulat ko naman kasi yung lalaking nakapila ay yung lalaking gusto ko sa Music Store!

"Diba siya yung pinakita mo samin sa picture na sinasabi mong crush mo sa Music Store?" narealise lang din pala nila ngayon. Tumango nalang ako bilang sagot sa tanong niya kasi siyempre nagtanong e.

Habang undercover kami ng mga kaibigan ko, nakita ko naman ang babaeng palapit sa future husband ko na may dala dalang popcorn at Soda.

'Sino tong pontio pilatong lumapit sa future husband ko? Nakangiti pa ha..'

Parang pinagdududurog sa pira-piraso ang puso ko sa nasaksihan ko ngayon, inakbayan niya yung babaeng lumapit sakaniya at nagtatawanan silang dalawang pumasok sa cinema.

Nagde-date ba sila?

______

Kanina pa ako wala sa mood dahil sa nakita ko kanina, di na rin ako pumunta ng Music store kasi baka nandoon din ang babaeng kasa-kasama niya.

"Hoy Ibi, wag ka ngang magdadrama jan, may karapatan ka ha? May karapatan?" sasabunotan ko na talaga tong Si Iris, isa pa talaga kanina pa to e mula sa mall hanggang dito sa condominium namin inaasar ako.

Hindi ko nalang to kinibo kasi para san pa pag kikibo kung aasarin din lang ulit ako diba?

Kanina pa sila tawa ng tawa sa mga sari-sariling mundo nila, ako dito na bad mood iniisip kung sino yung kasama niya.

Wala nagtatampo ako ayokong pumunta dun bala kayo jan.

______

Kinabukasan

Intramurals na ngayon! At grabe ang sakit sa katawan na idala mga kakailanganin ko papuntang loob ng Faculty for The make-up kinemerut.

It's 7am, and the event will start at 10am kasi siyempre need muna namin mag-ayos lalo na kung ang call time is 7am, Pinoy/ay things~ alam niyo na yan mga dai.

Kinakabahan ako dahil wala pa akong kain! Hindi ko alam kanina kung ano ang dadalhin ko kahit nakaprepare na lahat lahat, I have like 2 luggage para ata akong magbabakasyon out of the country e dalawang bagahe ba naman ang dala-dala.

Buti nalang talaga pinayagan ako ng make up artist ko na lumabas muna ako't kumain kasi bawal sa pagrarampa ang walang kain, baka daw kasi mawalan ako ng balance mas mainam pa kung sureble na may laman na ang tiyan ko.

Kaya eto ako sa labas kumakain, halfway done na yung pag make up sa mukha ko, just the styling for hair and dressing nalang ang need ko mamaya.

I feel intimidated and uncomfortable sa surrounding ko kasi sa Cafeteria ako kumakain at halos lahat sila sakin nakatingin.

The Guy I Like isn't actually a guy?(GL)Where stories live. Discover now