3

22 5 0
                                    

@jojiekc

YVI

Kinikilig akong pumunta sa Cafeteria para bumili ng makakain ko pero nang makabili na nga ako, ay kamalas malasan nga naman dahil may nakabangga sakin habang kapit kapit ko ang isang tray ng puno ng pagkain.

'urgh! 2 thousand pesos po yung nagamit ko sa mga pagkain na yan, please lang kapag ito hindi nabayaran:)'

"Ha!?, hey! That food cost me over 2 thousand and I didn't even get to take a bite out of it?!" Sambit kong pasigaw.

I'm usually not this kind of girl to make a scene, pero dahil ang laki din ng nagastos ko sa pagkain tapos hindi ko man lang nakain ay siya talagang hindi ako titigil hanggat hindi to mababayaran.

Nakatalikod ito pero agaran naman siyang lumingon at..

"Uhm sorry po, babayaran ko nalang po" paghihingi niya ng paumanhin saakin

"Forget about it, idamay mo nalang ang pagkain ko sa pagkain mo" saad ko.

"Hindi na kita babayaran?" Tanong niya sakin.

"Kakasabi ko lang na idamay mo yung akin" paguulit ko ng sinabi kanina.

"Oh, yah, okay sure, what do you want then?" Tanong niya sakin.

"Kahit ano basta pagkain, i'll go find us a sit" ani ko at lumakad na pero nahabol ko parin ang sinabi niyang..

"Sure" tumaliko na ito't nagsimula ng maglakad tungo sa pila.

Ako nama'y naghanap na ng mauupoan, sakto at may bakante pa. Umupo ako kaagad roon at inintay siya. Umabot ang ilang minutos ay wala parin siya kaya naman kinuha ko muna ang cellphone ko at nagbrowse sa fb, nang makaligtaan ko ang post ng Nirvana na magcoconcert daw sila dito sa pinas.

'Ahhhhh!!! Pupunta sila dito!? Really? No way, no way!' part of my mind.

Napatili ako dahil sa announcement na ginawa nila. Nakakaexcite kasi makikita ko sila in person!! Tamang tama at medyo nakapagipon din ako, kaya ko naman magipon e nakabili naman ako ng sarili kong motorbike na pagkamahal parang pwede na bilhin buong pagkatao ko. Pero dahil gold ako ay hindi maaari.

Napatingin naman ako sa paligid ko nang mapagtantong nanahimik silang lahat at parang nangjajudge nila akong tinitignan.

"Uhm, sorry po sa abala sige kain lang kayo" at peke akong ngumiti sakanila, agad naman akong napatili ulit nang biglang sumulpot tong babaeng nakabangga sakin.

"Hey."

"Ay Halaman!" Aba kung di ba naman ako ginulat edi sana hindi ako magroround two na tili diba??

"Ah, sorry. Okay ka lang ba? Narinig ko kasi yung tili mo kanina kaya nagmamadali akong pumunta rito, ano bang meron at tumili ka jan?btw eto na pala yung mga pinamili ko, pwede rin ba ako ditong umupo??

Dami niyang tanong, at dahil mabait ako e sinagot ko yun lahat.

"Oo ayos lang ako, nagannounce kasi ang Nirvana na magcoconcert sila dito sa Pilipinas! Nakakaexcite kasi...."  Doon ko lang din narealize na baka uncomfortable siya sakin saka awkward kasi baka hindi niya kilala kung sino ang Nirvana. Ako lang kasi ata dito ang mahilig sa Nirvana kahit ultimo kaibigan ko nga walang alam dun at ayaw nila sa taste ko sa music.

"Talaga?! Kailan daw?" Never expected that reaction though, akala ko hindi niya alam ang Nirvana or somewhat. Pero interested ata siya.

"Sa August 1, sa MOA and obviously ang schedule daw dapat nila sa MOA supposedly daw This month July pero nagkaroon ata sila ng problema kaya pinostpone sa August 1." Nakita ko namang kuminang ang mga mata niya. Bagay na ngayon ko lang nakita sa taong nakasama ko.. pinagpatuloy na rin namin ang pagkain ng pagkain namin dahil baka lumamig pa.

"Btw, I'm Yvi, ikaw?" Tanong ko sakaniya.

"Jaxie" sinagot naman niya ito at ngumit.

"Hmm, Jaxie matanong ko lang"

"Sige ano yun?" Tanong nito.

"Mahilig ka din ba sa Nirvana? Kasi the way you asked kung kailan ang Concert ng Nirvana parang gusto mo manood" saad ko, kuminang ba naman mata niya when she knows kung kailan ang Concert.

"Yes, I love Nirvana. I live to love them because of my tito" ngumiti naman ito sakin, at dahil nakakahawa ang ngiti nito ay ngumiti na rin ako.

After what so many minutes later.. natapos din kami kumain. Nagbell na rin kaya nagpaalam na kami sa isa't isa.

Jaxie... Interested ako sakaniya.

••••••
Kinabukasan

Nasa Room na nga kaming lahat ng mga kaklase ko at sakto naman dahil nung nasa loob na kami, ay saka namang pumasok ang Advisor namin.

"Goodmorning Class, I have something to announce. Napagmeetingan nanamin to, and as you all can see, wala pang ni isa na ginanap ang school ngayong year na intramurals kaya naman napagdesisyonan ng mga kapuwa ko guro and the dean na this school will be having an event, Intramurals to be exact. And I need students to participate in this kind of event kasi para naman hindi lang puro aral ang inaatupag nating lahat. Sa volleyball pala full na yung registration kasi halos senior high school students each courses talaga ang sumali so ang available outdoor sports activities, meron tayong basketball, sepak takraw, gymnastic, swimming, quiz bee, spelling bee, sayawan at kantahan, meron din tayong Mr. And Ms. Intramurals. Nandito ang registration, ililista niyo lang naman ang mga pangalan niyo sa sasalihan niyong activity for the intrams." Ipinakita saamin ang registration form in each activities.

"5days ang Intramurals natin kaya marami tayong magagawa dito, maybe malalate kayo sa mga subjects niyo kaya hanggang maaari makinig sa mga guro niyo at unawain mabuti. Tamang Tama din dahil malapit lang tayo sa Music Store at pwede daw tayong magrent ng mga materyales. And uh, any questions?" Aba daming details buti di pa tuyo ang laway ng mga taong mahaba magsalita, sana nga di lutang mga kaklase ko kasi ang mga ilan dito nagsisi-chismisan pa.

Tinaas ko naman ang kamay ko para magtanong dahil sa curious din ako kung sino ang kakanta, o magpeperform para sa kantaan at sayawan.

"Sino po ba ang magpeperform? May nakapaglista na po ba?" Tanong ko.

"Yes, I think Vergeo ang last Name niya." Ahh di ko kilala.

"Anything else? No? Okay, so sino ba ang gustong sumali sa volleyball para mailista ko na dito, I need 8 or 5 students na magpaparticipate dito." Saad nito.

Madami namang nagsitaasan, ako? Hindi ako sasali jan, hindi ko hilig ang pagsali sa mga ganyan dahil mabilis akong mapagod, pero sa Quiz bee nalang ata ako sasali. Matalino naman ako hindi lang halata, lutang ako kaya naman hindi ko narealize na nakatingin na pala sila sakin. As in lahat sila.

"Ms. Smith, they nominated you as their representative para sa Ms. intrams is that okay to you?" Biglang gumuho ang mundo ko.. ayoko nga sumali sa kung saan saan except sa quiz bee, pero bakit ako???

Nanlumo akong tumango ng lahat sila tumalon at nagsigawan ng katagang 'salamat'.

"Okay settled na lahat, Nagvolunteer na kusa Si Mr. Angeles para sa position ng Mr. intrams, but just in case if meron pang gustong sumali pwede naman kayong sumali the more the merrier." Aniya.

Ewan ko kung bakit sumali tong kusa si Foll, ang alam ko lang na sinabi ng mga kaibigan ko ay isa siyang mayabang na lalaking may gusto sakin.

Pero wag na natin yan isipin. Ang isipin natin ay kung papaano ko gagawin ang Ms. intrams na yan dahil rarampa ang ante mo. First time ko lang sumali jan at hindi ako willing mapanalo ang section namin, pero dahil sakin sila nakarely at mukhang masaya naman sila e why not?

•••••••

Yun o! Rampa rampa ang ante nyo.

The Guy I Like isn't actually a guy?(GL)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ