4

19 4 0
                                    

Yvi

Oras ng uwian at nagsiayaan ang mga kaibigan ko na magshopping daw, ewan ko hindi ako mahilig jan pero eto kasi kaibigan kong si Iris, Rich na rich, pwede na nga akong maging alipin nito sa pagkayaman niya ba naman, pero siyempre hindi naman kami yung tipong inaadvantage siya para sa pera kasi mayaman.

"Ibi! Halika na!" Pagaaya sakin ni Iris.

"Kakasabi ko lang Ris, wala akong pera and look Nirvana will be performing here sa Philippines. If hindi ako makapagipon ng pagkagrande e hindi ko maitutuloy ang panonood ng concert nila." Saad ko rito.

"Oh siya siya, sige na nga, basta next time kapag gagala kami, sasama ka ah?" Tumango nalang ako at ngumiti.

Nagsimula naman na silang humakbang at tumalikod na rin ako nang may makasalubong akong Babae na familiar sakin ang mukha.. napagtanto kong eto yung babaeng nakabangga sakin sa Cafeteria at nakakwentohan ko.

"JAXIE!" Sigaw ko sa pangalan nito pero enough lang para marinig niya.

"Oh, Yvi ikaw pala" ngumiti siya sakin dahilan ng pagngiti ko.

"Uuwi ka na ba??, tara sabay na tayo maglalakad ako e, gumala yung 3 kong kaibigan ako lang tuloy magisa ang uuwi" saad ko.

"O sige ba, malayo ba ang bahay mo? Sasabayan kita hanggang dun kasi malapit na din dumilim delikado sa babae ang magisang naglalakad" she said.

"Okay na naman ako, don't worry wag mo na ako samahan hanggang bahay namin kasi sabi mo palang na delikado sa babae ang naglalakad mag isa" ani ko.

"Hindi okay lang talagang samahan kita, saka may gagawin din kasi ako kaya hindi pa naman ako uuwi, sasamahan nalang kita baka mapano ka ha." Tumango nalang ako bilang pag give up, bang klase din napapasunod ako.

••••
Kasalukuyan kaming naglalakad papuntang samin at talaga namang tuloyan nilamon ng kadiliman ang langit. Hindi ako mapakali sa kaisipang mag isang maglalakad si Jaxie.

"S-sure ka na ba Jaxie na kaya mong maglakad pa balik?" Pag kokompirma ko kung kaya niya ba talaga kasi sis Madilim na kung ako safe na nakauwi, tas sakaniya may nangyaring di maganda edi ako ang mokokonsensiya? Kaya nagaalanganin ako kung papatuloyin ko ba siya samin o um-oo nalang sa desisyon niya.

"Oo naman kaya ko ang sarili ko, don't worry i know some martial arts" bahagya naman siyang ngumiti. "Sige na Miss Yvi, aalis ako kapag nakapasok ka na" tumango ako saka ngumiti at nagsimulang maglakad papasok ng bahay namin, siyempre hindi ko makakalimutan magpaalam.

"Salamat ulit! Bye bye magiingat ka!!" Sigaw ko sakaniya dahil medyo nakakalayo na din siya. Nakahabol naman yung pagpaalam niya sakin bago siya mawala sa paningin ko.

Pumasok na ulit ako at tinanggal ang sapatos para tuloyan na akong makapasok sa bahay namin.

"Tita, Tito, nakauwi na po ako."

"Oh, Yvi bat ngayon ka lang?" Tanong sakin ni Tita.

"Ah, napagisipan ko pong maglakad pauwi para naman po may exercise din ang mga paa ko dahil na rin sa maghapong pag-upo" saad ko at nginitian ko sila.

"Naku naman Yvi, magisa ka lang ba? Aba delikado sa isang dalaga ang paglalakad ng mag isa ha." Aniya.

"Don't worry po may kasama akong babae, nakilala ko lang siya kanina pero mabait naman po siya."

"Ahh, mabuti naman kung ganon. Oh sige na magbihis ka na sa kwarto mo at maya maya ay kakain na tayo."

"Sige po ta."

•••••
Jaxie

Mabilis ko naman tinungo ang Music Store matapos kong samahan si Yvi sa  paglalakad pauwi sakanila.

The Guy I Like isn't actually a guy?(GL)Where stories live. Discover now