⚜️CHAPTER 6⚜️

Depuis le début
                                    

Pansamantalang natigilan ang boss niyang lalaki. Napaisip siya dahil tama nga naman si Lucas sa punto nito, kung kaya naman ay malumanay niyang sinabihan si Lucas. "So ano na plano mo ngayon? Tatanggapin mo ba yung offer sayo ng kaibigan ko last night?"

"Gusto ko man, sir, kaso takot ako sa possible na gastusin sa pagpasok sa univeristy na yan." Saad ni Lucas habang bahadyang nakatanaw sa Montecillo University sa kabilang kalsada.

"Naku, hijo. If I were you, hindi ko sasayangin ang pagkakataon na ito. The chances of getting into the most prestigious university in the country are very tight. Lalo na sa mga indigent na tulad mo. That's why I also considered hiring you as tutor nalang. I know you would need more time to adjust with the university rules kaya naman i'm giving you the chance to work part time for me without compromising your school works."

Hindi maipaliwanag ni Lucas ang nararamdaman, tila ba parang may kung anong impact ang sinabi sa kanya ni Sir Ray, pero hindi niya parin mawaglit sa isip na baka di rin niya kayanin ang mga miscellaenous sa Montecillo University,

"Thank you po ulit, Sir Ray. titignan ko po sir, baka naman makausap ko pa po sila sa St. Anthony since susubukan ko po makipag-usap sa kanila doon." Saad ni Lucas na agad ding nagpaalam matapos upang makabalik siya sa St. Anthony at makuha ang mga school credentials niya sa pagtransfer niya sa Montecillo University.

Hindi nagtagal ay umalis si Lucas sa Cafe na baon ang isang ngiti na ibig sabihin ay bagong pag-asa na kahit papaano ay makakatulong sa pag-aaral niya. Wala man kasiguraduhan kung kakayanin nga ba niya ang matrikula sa pagpapart time student ay handa si Lucas na makipagsapalaran para sa pangarap.

KINABUKASAN, nagtungo si Lucas patungo sa St. Anthony upang muling asikasuhin ang scholarship niya. Gusto pa rin niya subukan kung mabibigyan siya ng consideration ng kanilang dean. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi pa rin talaga pinalad si Lucas na makausap ang dean ng engineering department.

Nasa convention pa rin kasi ang dean nila kung kaya naman ay hindi pa rin magawang makausap ni Lucas ito. Gaya ng nakaraan, muli lamang pinagsungitan ni Ms. Caridad si Lucas.

In the end, Lucas ended up doing nothing. He was already becoming a bit hopeless about his scholarship at St. Anthony University.

Kahit na ang turo ng lola Amparo niya ay huwag madaling bumitaw sa pagsubok ay minsan, hindi na rin maiwasan ni Lucas ang mapasabing gusto nalang niya sumuko. Subalit sa huli ay narerealize din niya na kung susuko siya ngayon ay paano nalang ang malayo na niyang nasimulan?

Nagpasya si Lucas na magmerienda muna sa paboritong heaven's burger na kung saan ay may laging buy one take one promo. Ito ang meryendang madalas na sumasalba sa gutom ni Lucas. Mura lang kasi ito, sa halagang bente singko busog ka na.

Habang nakapila si Lucas ay napansin niya ang ID na nakasuot sa isang babaeng naka uniform na tila pang Montecillo University.

ID ito mula sa Montecillo University at tila may lalaki sa larawan ng ID. Pinilit ni Lucas na tignan ng mabuti ang ID at nabasa niya ang may-ari ng ID.

Ariston Sebastian A. Celerio.

Noong una ay hindi na sana mangingialam dahil baka boyfriend ng babae ang nasa ID kasohindi naman maiwasan ni Lucas na hindi gumawa ng aksyon lalo ng marinig niya na binibenta ng babae ang ID sa tindera ng Heaven's burger.

"Miss, pasensya na po," biglang tawag ni Lucas sa kanila. Agad naman siya tinignan ng tinderang ngiting-ngiti sa kanya. Sa tuwing kakain kasi si Lucas dito ay palaging ganito ang intrada ng mukha ng tindera sa kanya na tila ba kinikilig sa presensya ni Lucas.

"Ah, miss, matanong ko lang ho, kakilala niyo ho ba yung may-ari ng ID na yan?" tanong ni Lucas sabay turo sa ID na hawak ng isang babaeng taga MU.

Dagli naman napatingin ang tindera sa ID, "Ah heto, hindi. Pero ang gwapo kase eh."

MU Series: The Social Media PrincessOù les histoires vivent. Découvrez maintenant