Chapter 24: The Song for Us

Start from the beginning
                                    

I am too exhausted para hindi pa tanggapin ang alok niya. This will be the last favor that I will get from a Vergara. 


Tahimik ang naging byahe namin. Nakita ko na madami pa din ang nag-aabang sa labas ng gate ng vilage nila. Hindi nila kami pinansin dahil heavily tinted ang salamin ng kotse ni Nexiel at baka sasakyan ni Neil ang inaabangan nila. 


"The asshole brother of mine became famous in an instant" Nexiel chuckled while driving away from the media people. 


Hindi ko din maintindihan. Hindi naman ako masyadong sikat para pagkaguluhan ng ganoon. 


Hinatid ako ni Nex sa condo unit. 


"Uhm... p-pwede ba na sa bahay mo nalang ako ihatid?" nahihiyang tanong ko sa kanya.


Sandaling tinitigan niya muna ako bago tumango at pinatakbo na ang sasakyan niya. I gave him direction. Nang nasa tapat na kami ng bahay ay bumaba na ako. Bumaba din siya.


"Can you wait here? May kukunin lang ako sa loob." nahihiyang sabi ko.


Nang tumango siya ay pumasok na ako sa loob ng bahay.


"Clang, ano ang ibig sabihin ng mga balita?" tanong agad ni Nanay. 


Hindi ko na muna siya pinansin at pumasok na sa kwarto. 


Nang makuha ang kailangan ko ay lumabas na ako at binalikan si Nexiel na nakahalukipkip sa may sasakyan niya.


"Pakibigay nalang kay Matthew" abot ko sa kanya ng may kalakihang kahon.


Nagtatakang kinuha niya ang kahon at ipinatong sa hood ng sasakyan niya. Binuksan niya iyon at sinuri niya ang laman.


Condo keys. Jewelries. Car keys. Laptop. And all the expensive things from Matthew. 


"Why are you returning these to him? Is it a farewell?" he asked. Half annoyed half mocking.


Hindi ako kumibo at tumitig na lamang sa paa ko. Naramdaman ko naman ang mabibigat na titig niya sa akin.


I heard him sigh. "Okay then" iyon lamang ang sinabi niya at binuhat na ang kahon papasok sa sasakyan niya at umalis na.


I closed my eyes tightly and counted to ten before going inside our house.


"Ano ba ang nasa isip mo?" tanong ni Nanay sa akin.


I look at her blankly. Nagsawa na din ako na suyuin ang mga magulang ko. Napagod lamang ako sa kakatanggap ng cold treatment nila. Ibinigay ko na lamang sa kanila ang lahat ng kaya ko. Mga materyal na bagay. 


I work so damn hard for them. I bought them this house, car, and all the luxury I can give. I did everything for them pero hindi ko na naramdaman pang muli ang may magulang. 

Avaricious HeartsWhere stories live. Discover now