Chapter 41: Ang Combination Attack Ni Sakuhako at Akito

Magsimula sa umpisa
                                    

"Anong klaseng mga bata toh" sabi ni Oda

"Wahhhhh" napasigaw ang buong Team ng Shohoku napatayo pa sila sa bench

"Pambihira yun pala ang plano nila" sabi ni Sakutou

Habang si Sakuragi

"Yun pala plano nila, palabas lang pala ang ginawa nilang pagpasa ng bola kay Akito, Naisip ni Oda na ipapasa ni Hako ang bola kay Akito at si Akito na ang pupuntos, pero mabilis na binalik ni Akito ang bola kay Hako, habang nasa ere pa si hako, kaya nagawa nyang idakdak ang bola" sabi ni Sakuragi sa kanyang isipan

Habang si Sakuhako at Akito ay nag apiran sa ginawa nilang taktika

Subalit napapaisip si Sakuragi tungkol sa ginawa ni Akito

"Hindi kaya" sabi ni Sakuragi sa kanyang isipan, isang tao ang naisip ni Sakuragi dahil sa ginawang pagtapik ng malakas ni Akito sa bola pabalik kay Sakuhako

Walang iba kundi ang isa sa Limang legendary kings, si Renzui Agonoshi ang lolo ni Jasmin

Kilalang King Of Point Guard, kung saan isa sa kakayahan ni Renzui ay ang pambihira at kakaibang mga pasa , na syang itinuro nman noon ni Jasmin kay Kenzo noon kaya nanalo sila noon laban sa Brooklyn, High School days pa sila ng panahon na iyon

Ipinasa ni Oda ang bola kay Sakuragi

Samantala si Kate nakaupo sa bench

"Sabi ko na nga ba kaya ni Akito yun, wala syang ibang gagawin kundi gawin ang mga ganung pasa" sabi ni Kate

"Ano bang ginawa ni Saku?" Tanong ni Zoey girlfriend ni Akito

"Hihi! Ang isa sa passing technique ni Lolo Renzui hihi! Ang Slap Direct Pass" sagot ni Kate

Maya maya lang

Di naintindihan ni Sakutou kung bakit biglang tumalon si Sakuhako sa tapat ng ring ng basket, naka dunk position kahit wala nman sa kay Sakuhako ang bola, sinusundan nya si Sakuhako san man magpunta ito

Hawak ni Lyion ang bola agad nyang ipinasa kay Akito at malakas na tinapik ni Akito ang bola pataas sa direction ni Sakuhako na nasa ere ngayon

"Uhhhhh" gulat na si Oda, Sakutou, Sakuragi, Mitsui, Miyagi

Pagkakuha ni Sakuhako ng bola dinakdak nya sa ring ng basket

"Ayoss!!" sigaw ng buong New Shohoku Generation

Napatayo sila sa bench, Habang si Kate hindi nya namalayan na nilagay nya sa bulsa nya ang hawak nyang bracelet ni Sakuhako

"Pangawalang dakdak na nya yun" di makapaniwala na sabi ni Mitsui

"Si Akito" sabi ni Miyagi

Napalingon sila kay Akito habang si Sakuragi nakangiti

"Sabi ko na nga ba, Ang Slap Direct Pass ni Kenzo, Talagang napaka talento mo talaga Akito, matindi ang pagsasanay na ginawa ni Kenzo noon para sa pasang yan, pero ikaw nagawa mo ng walang practice" sabi ni Sakuragi sa kanyang isipan

"Magtawag muna tayo ng timeout" sabi ni Sakuragi

Nagtawag muna ng Time Out ang Team ni Sakuragi kahit na lamang sila

Habang si Yuriko Tatsumasa

"Ahhhkk" unti unti syang napapaatras at pinagpapawisan sa pinakitang teamwork ni Akito at Sakuhako

"Ayako! Ano bang ginagawa mo dyan" tawag ni Miyagi sa asawa nya dahil sa kabila ng bench nakaupo kasama nila Kate

Tumayo si Ayako at sinabing

"Bakit nahihirapan na ba kayo sa kanila? Nakakawa nman kayo, natalo lang kayo ng Shohoku New Generation" pag bibiro ni Ayako

"Ahhh ano" na parang nabiyak na semento si Sakuragi, Miyagi, Mitsui ang tatlong player noon ng shohoku

Habang napabungisngis si Kate at natawa nman ang ilang mga players ng shohoku

Paglapit ni Ayako, Ngayon ata magsasagawa ng pulong ang mga beteranong manlalaro hindi dahil sa kinakabahan sila na baka matalo, kundi dahil sa pinapakitang galing ng dalawang kambal si Sakuhako at Akito

"Di ako makapaniwala sa pinapakita ng dalawang kambal mo Sakuragi" sabi ni Oda

"Oo nga ang galing nila" sabi ni Yoko asawa ni Oda

"Nasa tyan pa lang sila ni Haruko, alam na namin na hindi sila pangkaraniwan, nakatakda ang dalawang yan na maghari sa loob ng court, at matagal ko narin sinasabi sa inyo noon na mas magaling sila kaysa sakin, hindi pa siguro sa ngayon pero balang araw" sagot ni Sakuragi

"Si Akito, Saan nang gagaling ang pambihira nyang talento? Hindi sya dumaan sa basics training diba? Kusa syang natuto ng basketball, papanong" sabi ni Sakutou

"Hhhmmm, Sya ang bunga ng experimento ni Zenes ang magiging God Of Basketball, pinanganak na alam na ang larong basketball at ibat ibang klaseng mga basketball technique kaya kahit na hindi sya mag practice o wala sa kanya magturo alam na nya" sagot ni Sakuragi

"Anong gagawin natin?" Tanong ni Mitsui

"Gagawin? Edi gawin natin ang dating ginagawa natin, Ako nang bahala kay Akito ngayon hindi na nya magagawa ang pasa" sagot ni Sakuragi

Samantala sa kabilang bench, habang nagsasalita si Kate

"Huh? Nasan na yung bracelet ko?" Tanong ni Sakuhako

"Ahhhkk he-heto" na agad na nilabas ni Kate

"Itago mo muna yan, wag mong iwawala" sagot ni Sakuhako

"Ahhh bakit ako, Althena" na inabot kay Althena kukunin sana ni Althena subalit

"Ano kaba!? Kaya nga sayo pinapatago yan dahil alam kong kapag nasira yan o mawala kaya kitang bugbugin, dahil lalaki ka, kung sa iba ko pinahawak yan hindi ko magagawa yan, mahalaga sakin yan dahil ahhkk" na agad na binigyan ng umbag ni Kate sa ulo umuusok na bukol sa ulo

"Sinong lalaki ahhh" galit na galit na si Kate

"Nagbibiro lang nman akoh, aray! Baka kasi masira yan habang naglalaro ako mahalaga sakin yan kasi bigay sakin yan ni mama, kaya sayo ko pinahawak yan dahil ikaw lang pinagkakatiwalaan ko dito" sagot ni Sakuhako na nanlaki ang mga mata ni Kate

"Ahhhh ba-bakit" na nawalan ng pag asa ang ilang mga babaeng players ng shohoku na humahanga kay Sakuhako

Naglakad na si Sakuhako pabalik ng court magsisimula na ang laban

"Kapag nasira yan, humanda ka sakin" sabi ni Sakuhako habang kanina pa tahimik si Ace

Magsisimula na ang laban sampung minuto na lang mananalo ba ang new generation o mananalo ang old gen

Suramu Danku: Next Generation 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon