.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Habang naglalakad ako papunta sa Ginto's, tumunog ang phone ko. It was a message from Magnus. I was not-so glad that he contacted me. Hindi ko na alam kung anong gusto nilang mangyari. Hindi sila nagparamdam sa akin kahapon. Dagdag lang sa iisipin at bibigyan ko ng energy. Alam nilang ang dami-dami ko ng ginagawa, hindi pa sila makisama.

Magnus:

Free ka? Kakausapin ka na raw ni Titus. If may work ka, after na lang ng work mo.

Caiden:

I'll be with my family after my work. Okay na ako kahapon, kakausapin ko na siya. Hindi kayo nagparamdam lahat. Minessage ko kayong tatlo.

Magnus:

Ako ang nagsabi kay Echo na wag kang reply-an. Gusto ko lang munang pahupain nang tuluyan lalo 'yung hangin sa inyo ni Titus.

Caiden:

Marami akong ginagawa, pre. Hindi na ako palaging free katulad ninyo. Makisama rin kayo. Hindi ninyo ako utusan, na kung kailan ninyo lang ako gustong pasundin at papuntahin kung saan, pupunta ako.

Magnus:

Sorry pre. May work ka ba ngayon? Punta na lang kami sa Ginto's. Ikaw na lang puntahan namin.

Caiden:

Oo, 10. Papunta na ako ro'n. If pupunta kayo, pumunta na kayo ngayon. Para wala pang customer.

Magnus:

Sige pre. Punta na kami. Katatapos lang namin mag-breakfast.

Sineen ko na lang ang huli niyang chat. Hindi ko na 'yon kailangan malaman. Ayaw ko ng mag-imbak ng mga walang sense na information sa utak ko. Marami na akong ginagawa at iniisip.

'Pagkadating ko sa Ginto's, nando'n na rin si Georgina. Tinulungan ko siya mag-opening. Nagwalis-walis ako at naghugas ng iilang mga gagamitin. Ilang minuto lang ang lumipas dumating na sina Magnus. Nagpaalam muna ako kay Georgina na kakausapin ko lang muna sila at wala naman siyang naging problema ro'n.

Umupo kami sa isang sulok. Para silang patay tatlo sa sobrang seryoso nila. Magkakatabi pa sila sa isang pahabang couch at ako lang ang nakaupo sa harap nila.

"Should we order something first?" sabi ni Magnus.

"Kayo bahala," simple kong sagot bago humalukipkip.

I didn't welcome them with a good vibe. I'll just react lesser. Ayaw ko ng ubusin 'yung energy ko kakaisip tungkol dito. Wala namang sense. Kung ayaw na nila akong maging kaibigan, so be it.

"Caiden, sorry. . ." sinimulan ni Titus kaya lumipat ang mga mata ko sa kaniya. "I was immature for not considering your situation. Mali ko rin na pinangunahan ako ng emotion ko. Hindi lang din ako vocal sa nararamdaman ko, pero may mga pinoproblema rin ako sa family at sa sarili ko. Nainis lang ako sa ginawa mo, tapos sumabog na ako," sabi ni Titus.

I didn't smile. I maintained my calm and serious face. "It's fine. I apologized din sa pagpapahiya ko sa 'yo kina Zern. Mahalaga kayo sa akin. Pero ngayon, I just don't feel like hanging out with you guys. I'm really tired. Alam ninyo 'yung trauma ko sa tao-'yung paulit-ulit nage-explain tapos hindi pinapakinggan. Kaibigan ko kayo, matagal na. Hindi ko lang maintindihan kung bakit nagagawa ninyong mag-solo ng usapan. That's childish for me. That's unnecessary," sabi ko.

Walang nakapagsalita sa kanilang tatlo sa sinabi ko. Hindi ko alam kung anong nararamdaman nila dahil seryoso lang din naman ang mga mukha nila.

"Sorry, pre. Nahihirapan ako kung sino ang papakinggan ko sa inyo ni Titus. Nag-open up lang din kasi sa akin si Titus tungkol sa family niya. Kaya nanatili lang muna ako sa kaniya. Sa ating apat, tayong dalawa naman 'yung bigger person palagi. Dahil itong dalawa, mahina 'yung loob. Mukha lang silang masiyahin at kalmado palagi, pero bigla na lang silang malulungkot," sabi ni Magnus.

Ditto Dissonance (Boys' Love) Where stories live. Discover now