Prologue

3 0 0
                                    

Kinakabahan habang inaayos ni Stella ang mga gamit pababa ng sinakyang bus. Walang kaalam-alam sa pinuntahang lugar basta nalang sumakay sa pinakamalayong destinasyon sa terminal.

“Mani, burger, ensaymada, tubig!” sabay-sabay na sigaw ng mga magtitinda pagkababa niya ng bus.

“Atimonan, Quezon” bulong na saad ni Stella. Dito pala siya napadpad sa haba ng byinahe niya mula Manila.

“Iha, turista ka ba?” tanong ng lumapit sa kanyang ale.

Hindi na siya magtataka kung bakit siya mapagkakamalang turista dahil na rin sa genes ng daddy niya na mula sa Italy.

“Wala sana ako dito kung hindi lang ako gusto ipakasal ni daddy sa anak ng kaibigan niya.” bubulong bulong na wika niya.

“Ano yun iha?” tanong ng matanda.

“Ah, wala po manang. Parang ganun na nga po, want ko po sanang magbakasyon dito hehehe.” sagot niya.

“Tamang-tama, baka gusto mong mag-apartment? Mura lang ang bigay ko, dika maiistorbo don dahil tahimik ang lugar na yun. Malapit din sa dagat at kapatagan.” Alok sa kanya ng matanda.

“Balak ko din po kasing maghanap ng trabaho dito manang, kahit ano pong trabaho basta marangal.” sambit niya. Naisip niya kasi na hindi tatagal ng isang buwan ang dala niyang pera. Hindi naman pwedeng magwithdraw siya dito at matutuntun lang din siya ng mga magulang niya.

“Ah ganun ba? Mahirap maghanap ng trabaho dito sa probinsya iha. Gusto mo magkasambahay? Kaso baka hindi ka bagay don. Kutis mo palang oh!”

“Gusto ko po!” halos pasigaw na sambit niya. Gusto niyang maranasan ang mga gawaing bahay na hindi niya magawa dahil pinagbabawalan siya ng mommy niya. Kahit maghugas manlang ng pinggan na pinagkainan niya.

“Ayun sige, halika’t sumama sakin. Dadalhin kita sa anak kong nagtatrabaho don. Kulang kasi sila ngayon ng kasambahay. Wag kang mag-alala at malaki ang sahod don lalo pa na isa sa pinakamayaman ang pamilya nila dito sa Quezon.”

“Sige po manang, maraming salamat po.”

“Eva, Lola Eva nalang itawag mo sa akin at halos kasing edad mo din naman ang mga apo ko.”

“Sige po Lola Eva, saan po ba ang bahay nila?” tanong niya.

“Hacienda iha, hindi lang bahay haha. Dito lang sa may sentro ang hacienda ng mga senyor. Isang sakay lang ng jeep tas lalakad tayo papasok kasi mahigpit ang seguridad sa hacienda nila. Hindi kaagad nakakapasok lalo pag walang dahilan.” mahabang paliwanag ni Lola Eva.

“Atsaka, stay-in din don. Makakalibre ka ng renta kung sakaling matanggap ka agad.” dagdag pa nito.

Tatango-tango habang nakikinig si Stella sa mga kuwento ni Lola Eva. Hindi niya alam kung bakit ambilis ij niya lang dito. Pero laking pasalamat nalang niya at hindi na siya magagastusan para sa bahay plus may trabaho pa siya.

Saktong may parating na jeep pagkadating nila sa may highway. Pinagtitinginan siya ng ibang pasahero pero hindi na niya pinansin yun, excited siyang sumakay dahil first time niya ring makakasakay sa gantong uri ng sasakyan.

Dinadala ng hangin ang mahahaba niyang buhok habang tinatanaw ang mapunong kapaligiran ng bayan. Iniisip kung tama ba ang naging pasya na umalis sa kanila. Pero alam niya sa sarili niya na ito lang ang paraan para makamit ang kalayaan. Kaya niyang iwan ang mga magulang wag lang mapakasal sa taong hindi naman niya mahal.

Haciendero Series #1: The Runaway Princess Where stories live. Discover now