Buti na lang nakatalikod ako at nakita niya lang 'yung likuran na part ng katawan ko. Mas nakakahiya for me if ever na nakita niya 'yung sa harap. Putangina na lang talaga. Pulang-pula ako no'n no'ng na-realize kong nakita niya lahat at baka siya pa nga 'yung narinig ko.

Napabuntonghininga ako at ilang beses hinilot ang sentido at ang pagitan ng kilay ko para lang maibsan 'yung hiya na nararamdaman ko. Nakailang buntonghininga rin ako habang pinipilit libangin ang sarili ko. Tumitingin-tingin ako sa bintana ng bus.

Half-day lang ang shift ko, natapos ako ng alas-tres. Bago kami mag-almusal nina Leroy kaninang umaga, nag-pack na ako ng damit ko pauwi. Gusto ko munang makita ang aking munting family dahil sobrang stressing ng buong week ko. Kailangan kong ipahinga ang buong isip ko.

Kinuwento ko na rin kina Leroy 'yung nangyari. Naiinis nga si Ashton. Kung ano-anong sinasabi niyang hindi ko na naririnig. Basta inis na inis siyang sinilipan ako ni Caiden. Hindi raw 'yon tama. At ang sagot naman ni Leroy do'n, bakit naman ako sisilipan ni Caiden kung hindi naman ako babae.

Kung ano-ano pa ang sinabi ni Ashton. Inis na inis siya. Para siyang bata kanina habang kumakain kami. Naiintindihan ko naman siya kaso hindi ko alam kung ano ang ire-react ko. Habang si Leroy tinatawanan siya at inaasar pa. Hindi naman ako na-offend, hiyang-hiya lang ako!

Imposible naman kasi talaga na sasadyain 'yon ni Caiden. Ano namang sisilipin niya sa akin? E lalaki rin naman ako. Kung ano mayroon siya, mayroon din ako. Kaya walang reason para ma-offend ako. Talagang sobrang hiyang-hiya lang talaga si bading. Hindi ko kinaya. Sobra!

Ewan ko putangina! Tama na ang pag-iisip tungkol do'n. Tama na! Huhu. Hindi ko na kaya 'yung kahihiyan. Kailan ba 'to maaalis sa isip ko? Putangina. Parang sa tuwing maaalala ko 'to, palagi akong mapapasapo sa mukha ko. Tangina talaga ng mga nangyayari sa buhay ko.

Alas-kwatro pasado nang nakarating ako sa bahay. Nadatnan ko sina Mama at Papa sa sala. Nanonood sila ng TV habang nagmemeryenda.

"Hi, Mama bear!" bungad ko at saka siya niyakap.

"Grabe ka naman, 'nak! Bigla kang bumibisita. Akala ko sa susunod na linggo ka pa uuwi," sabi ni Mama.

"Na-miss ko na kayo, e. Ang hirap pagsabayin ng acads at trabaho," sabi ko kay Mama bago hinarap si Papa na nakakunot ang noo sa akin kaya kinunotan ko rin siya ng noo.

"Kaya pala nakakaramdam ako na may bading na dadating. Nalaglag 'yung kutsara't tinidor ko kanina, e," sabi ni Papa.

Umirap ako sa ere. "Kumusta naman si Papa bear ko?" sabi ko at umupo sa tabi ni Papa para yakapin siya dahil hindi siya tumatayo para yakapin ako. Nang-aasar na naman.

"Ito, masaya kanina no'ng hindi ka pa dumadating. Ngayon, may bading na naman sa bahay," sabi ni Papa kaya hinampas siya ni Mama.

Humalakhak ako. "Papa, alam mo ba, may nambu-bully sa aking lalaki no'ng unang araw ng linggong 'to," sabi ko kaya mas nangunot ang noo niya.

"Ha? Sino? Anong pangalan? Bukas sasama ako sa university mo. Ituro mo sa akin kung sino. Sinong lalaki?" sunod-sunod na sabi ni Papa kaya napangiti ako.

"Pero nagkaayos na kami. Nag-sorry na siya no'ng nakaraan. Pinatawad ko naman na siya sa puso't isipan ko. Mabait kasi anak mo, Papa," sabi ko at sumandal sa balikat niya.

"Pinatawad mo kasi lalaki. Baka crush mo lang 'yon, 'nak," sabi ni Papa kaya napaayos ako ng upo at hinampas siya sa braso dahilan para mahina siyang matawa.

"Hindi kaya! Naiilang nga ako sa kaniya, kaso bumabawi talaga siya. Para na niyang ginagawa 'yung mga ginagawa ni Leroy at Ashton sa akin," sabi ko at ngumuso.

Ditto Dissonance (Boys' Love) Where stories live. Discover now