Chapter 1

0 1 0
                                    

Natatawa ako habang umiiling dahil sa kaibigan kong si Jessa na nakatitig sa kanyang crush na si Oliver

"Ang gwapo gwapo talaga nyaaa" Banggit nito habang kinikilig na pinapanuod si Oliver na nagfe-flairtending

Pinagmasdan ko ang crush nya tapos napakunot ang noo ko at napaisip kung anong nagustuhan nya kay Oliver.

Gwapo si Oliver at maraming nagkakagusto sa kanya, maputi, brown eyes, matangos ang ilong, kissable lips at magaling magflairtending. Pero never ko syang nagustuhan dahil mukhang babaero at manyakis.

"Kain na tayo gutom na ako eh" pag-aaya ko kay Jessa

Napabusangot naman ito dahil hinigit ko na sya para kumain kami sa canteen. Nang matapos kami sa pagkain ay bumalik din agad kami sa classroom dahil may kasunod pa kaming klase.

"Good afternoon class!" Bati ng aming guro pagkapasok nito sa classroom namin

"Good afternoon sir!" Sabay sabay naming bati sa kanya

"Okay our activity for today is...gagawa kayo ng letter or message for your crush na nandito lang sa classroom nyo then after nyo gumawa ay babasahin nyo sa unahan" Paliwanag ng aming guro

Nagsigawan naman ang aking mga kaklase, may kinikilig, may nahihiya at may naiinis

"Sir paano kapag wala dito sa loob ng classroom yung crush namin??" Tanong ni Jessa

Napatawa naman ako kasi sa kabilang section si Oliver

"Hindi pwede, dapat yung nandito lang sa classroom kayo na ang bahala basta yung nandito lang sa loob ng classroom" Sagot ng aming guro

Napabusangot naman ang iba, ako naman ay kinakabahan dahil nandito talaga sa loob ng classroom ang crush ko >_< si Piolo at alam yung ng mga classmates ko. No girlfriend since birth si Piolo kaya ang swerte ng unang magiging girlfriend nyan dahil mabait at sweet.

No choice kaysa iba ang isulat ko huhu. Nang matapos na kaming lahat magsulat ay ipinasa na sa unahan yung mga papel tapos isa isang binubunot ng aking guro ang papel randomly.

"Mary Jane Florez" tawag ng aming guro

Kapag sineswerto ka nga namaaaan ako pa ang unang nabunoooot huhu! Kinakabahan akong tumayo at kita ko sa mga kaklase ko na ramdam na nila kung sino ang crush ko na nakalagay sa letter.

"Dear John" pagbigkas ko at nakita ko ang gulat sa lahat ng mga kaklase ko kasi di si Piolo binanggit ko

"Di joke lang haha Dear Piolo" pagdagdag ko

Nagtawanan naman ang mga kaklase ko dahil akala daw nila ay iba na. Pero syempre ginawa ko yun para mabawasan yung kaba ko. Tiningnan ko si Piolo, nakapatong ang baba nya sa kanyang braso sa mesa na parang nahihiya.

" Dear Piolo, alam kong alam naman ng lahat na crush kita at marami ding nagkakagusto sayo haha sino ba namang di magkakagusto sayo diba? Eh sobrang bait mo at sweet. Ito lang po salamat" pagbasa ko sa papel na hawak ko habang nangangatal pa ang kamay.

Pagkatapos kong basahin ay agad naman akong umupo sa seats ko dahil nahihiya ako at niloloko pa ako ng iba kong kaklase. Nagpatuloy sa pagtawag ang aming guro at nakakagulat dahil andaming may gusto kay Piolo sa aming classroom.

"Piolo nakakarami ka na" pagbiro ng aming guro, nagtawanan naman kaming magkaklase

"Okay ito na ang last, the winer of the day....Piolo!" Dagdag ng aming guro at nagsigawan mga kaklase ko

Tumayo naman si Piolo para pumunta sa unahan at basahin ang papel na sinulatan nya. Nakaub-ub lang ako sa mesa kasi nasasaktan na ako at kinakabahang marinig kung sino ang nakasulat sa papel nya na crush nya

"Sino kaya ang mapipili ng ating winner of the day?" Pagbibiro ng aming guro, nagtawanan ulit ang mga kaklase ko habang ako ay nakaub-ub lang sa mesa.

"Hello guys haha kinakabahan ako" banggit ni Piolo

Nagtawanan ang mga kaklase ko at pati ako ay napatawa na din dahil ang cute cute ng reaksyon nya kasi mahiyain talaga sya pero nagulat kami dahil walang sulat yung papel nya, it means on the spot nyang sasabihin

"Di ko alam kung pano sasabihin to kasi sobrang nahihiya ako. Pero gusto kong malaman mo na crush kita pero di ko lang masabi kasi ayaw kong magbago pakikitungo mo sakin at ayaw kong mailang ka. (Guys nasasaktan at kinakabahan na akong malaman kung sino ang crush nya) Gustong gusto ko kapag ngumingiti ka lalo na kapag nakikita ko ang dimple mo Mary Jane Flores" sabi ni Piolo

What? Ako ba yun? Ako daw??? Ha? Ako ba talaga??? Tunaaay??

Nagsigawan mga kaklase ko pati ang aming guro habang nakatingin sakin, ako naman ay nakaub-ub at sheeet di ko maiwasan ang malaking ngiti ko parang mapupunit bunganga ko, feeling ko kamatis na ako sa sobrang pula. Kinikilig akooooo! Omegasssh!

"Okay class nanalo na si Mary Jane" pagbibiro ng akong guro

Di tumitigil ang hiyawan ng mga kaklase ko habang ako ay nakaub-ub parin dahil nahihiya at kinikilig akooo

Natapos ang klase na masaya ang puso ay isip ko hahaha unexpected naming lahat yun, wala kasi talaga kaming maisip kung sino ang crush nya tapos ako pala yun??? Waaaahhhh!

"Hoy luka! Kilig na kilig ka dyan! Sana all crush ng crush nya" Sigaw sakin ni Jessa habang papalapit sakin na may pangtutukso sa kanyang ngiti

"Di ako makapaniwala, kinikilig padin ako hahaha!" Bulong ko kay Jessa

"Kinikilig din ako kaya samahan mo ako sa CR at naiihi na ako" sabi ni Jessa

Nang makarating kami sa CR ay nagulat kami dahil umiyak yung isa naming kaklase pero si Jessa ay nagCR na dahil ihing ihi na daw sya

"Anyare dun? Bakit umiyak?" Tanong ko sa kaklase namin habang nakatingin sa kaklase naming naglalakad paalis ng banyo

"Alam mo ba na ang usapan namin ninda Piolo ay dapat ako ang ilalagay dun sa crush nya para walang selos na maganap pero ang ginawa ni Piolo ay di sya nagsulat, on the spot nya sinabi at ikaw parin ang binanggit nyang crush" kwento ng kaklase ko tapos umalis na sya

Nagulat ako sa sinabi nya, nalulungkot ako na kinikilig. Nalulungkot dahil umiyak yung kaklase ko dahil sa selos kasi crush na crush nya si Piolo pero lalo akong kinikilig sa nalaman ko. Parang di yata ako makakatulog sa lagay na to!

Pagkalabas ni Jessa ay kinwento ko agad yung sinabi sakin ng kaklase namin, nagulat din sya at kinilig.

Habang naglalakad kami ni Jessa ay nakasalubong namin si Piolo

"Hoy Piolo parito ka" sigaw ni Jessa tapos hinila palayo si Piolo

Kinakabahan ako sa sinasabi ni Jessa kay Piolo baka kung ano ano sabihin nun, jusko!

Nangmatapos ng dalawang minuto ay bumalik sakin si Jessa ng nakangiti

"Anong sinabi mo dun???" Tanong ko na kinakabahan

"Tinanong ko kung bakit di ka pa nililigawan eh crush nyo naman ang isa't-isa" sagot ni Jessa

"Whaaat?! Bakit mo tinanong yun? Nakakahiya! Baka sabihin nun ay pinapatanong ko sayoooo" di mapakaling sabi ko sa kanya

"Yaan mo na, sabi nga nya ay hindi daw pwede" sabi ni Jessa

"Ha?? Bakit daw?" Tanong ko

"Iglesia daw sya tapos ikaw ay Catholic" sagot ni Jessa

Napatulala ako at nalungkot, kaya pala kahit crush nya din ako ay di nya ako nililigawan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 26 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Red to Green?Where stories live. Discover now